MSKM2: Ang Pagbabalik, Episode 10

by

Hindi ko kayo matiis, e…

Nag-aalala na sina Jackie kung bakit hindi pa rin umuuwi si Eli kaya tumawag sla ng mga pulis at sila mismo ay sumunod na kay Eli. Nabangga ni Eli ang isang poste at nawalan ito ng malay for a little while. (It’s either unconscious siya or naghahalucinate siya noong sinasakal siya ng anino). Noong nagising siya dumating na ang mga pulis at si Jackie.

Nagkukunwari namang excited si Celine sa chemotherapy niya.

Sampal naman ang sinalubong ni Veron sa pag-uwi ni Lena sa bahay nila. Para daw sa mga kunsumisyong binigay nito sa kanya. Sinabi ni Lena na nakakandado daw kasi ang bahay nila. Hindi na raw siya doon nakatira sabi ni Veron. Mag-ingat daw siya sa sinasabi niya dahil baka kapag lumayas siya hindi na talaga siya babalik.

Inamo ni Veron si Lena by giving her a bimpo with ice in it. Sinabi na rin niyang naaksidente si Eli. Kaya tumawag si Lena sa cellphone ni Eli pero natutulog ito at hindi ito sinagot ni Jackie.

Nagising si Eli at natatakot ito.

Hindi nakadalo sa isang open house si JB dahil hindi niya inaasahang tatagal ng ganoon katagal ang mga tests ni Celine. He needs to be with her daw.

Nabangga ni Onay (Toni Gonzaga) si JB dahil itinulak siya ng kaibigan niyang bakla at nagalit ito pero sabi ni Celine okay lang daw ito. Natulala naman si Onay. Bago umalis sina JB at Celine sinabi ni JB sa lolo ni Onay na pagsabihan niya ang mga katulong niya. Siempre naimbyerna si Onay.

(Pucha naman, nabubwisit ako kay Onay).

Ikinukuwento ni Eli kay Jackie ang “napanaginipan” nitong nananakal sa kanya. Habang nagmumuni-muni sila, sinuggest ni Eli na bumukod na sila, sila at ng mga magiging anak nila. Simpleng buhay lang naman daw ang kailangan nila, hindi iyong puro pressure, puro gulo.

(During Eli’s litany ipinakita na masayang naglalaba sina Veron at Lena; si Amang; si Corazon; sina JB at Celine habang nagsusuka si Celine at nanghihina from the chemo).

Habang nag-uusap sina JB at Celine hindi nila alam na pinapanood sila nina Corazon at Thomas. Mukhang nag-aalala sina Corazon pero sinabi ni Thomas na malakas pa raw sa kalabaw ang manugang niya. Dinala ni Thomas si Corazon sa isang karinderya at sinasabi nitong niloloko lang siya ni JB pero ayaw maniwala ni Corazon. Nabangga ni Corazon si Mateo (Amang) pero nagkunwari si Corazon na hindi niya kilala si Mateo at umalis na ito.

Sinabihan naman ni Mateo si Lena. Sinabi nitong muntik na ngang pinapatay ang nanay niya pinapalampas pa niya ito. Sinabi niyang kailangang bumalik ni Lena sa mansiyon at magpakabait ito para mahalin siya nina Fidel at kusa siyang bigyan ng mga bagay bagay.

May nag-set ng apoy sa bahay nina Lena. Nag-umpisa ng tinupok ng apoy ang bahay nila habang naroroon si Veron sa loob…

3 Tugon to “MSKM2: Ang Pagbabalik, Episode 10”

  1. Sleeplessinwgtn Says:

    Thanks for your consistent postings.

    Have a Merry Christmas and more blessings for the New Year.

    Your avid reader from…
    Wellington, New Zealand

  2. annedito Says:

    Thanks for the update! Busy kasi during the Holidays so no time to watch kaya maraming salamat! Merry Christmas and Happy New Year!

    PS…inis din ako kay Onay. I hope they get rid of her. I’ve been talking to alot of people and sabi ko na papatayin na si Celine. Everyone is upset so hopefully the writers can hear us.

  3. Mariel Says:

    eheheeeee—-buti na lang. Pero eto, proud ako, napanood ko itong scene na ito. Pero question po, ito ba ang unang pagkikita ni Corazon at Mateo sa Book 2?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: