MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 08

by

Pagpasok ng matamlay na si JB sa kwarto nila, nakakakita siya ng sulat mula kay Celine na nagsasabing nasa kabilang kwarto lang siya dahil gusto niyang magpag-isa.

Pinapayuhan ni Veron si Lena tungkol sa party niya dapat daw bonggang bongga ang damit niya, etc. Ipinapangako ni Lena si Veron na pupunta ito sa party.

Habang nagpaplano sila sa party ni Lena, nagalit si Lena dahil sinabi nilang hindi kasali si Veron si plano. Tapos shes being difficult pa about sa concept ng party. Nag-walk out si Monique. Kinausap ni Jackie si Fidel dahil ayaw nitong pumasok rin si Veron sa buhay nila. Sinadya ni Fidel si Veron at nakiusap ito na huwag ng pumunta, isipin daw nito ang kahihiyan ng anak niya. Sinabi ni Veron na hindi naman niya kayana tanggihan si Fidel, kahit hanggang ngayon daw magrequest lang ito at pagbibigyan niya ito (it seems she really has plans to seduce him).

During the party, maraming nasidatingang bisita. Ipinakilala si Lena sa “The New Princess of the Madrigal Family.” Habang naglalakad papunta sa stage si Lena, sinasabi ni Fidel sa isip na hindi nito hahayaang sirain nila ang buhay niya.

Habang sumasayaw sina Lena at Fidel napansin ni Jackie na naluluha si Lena.

Noong kumuha ng maiinom si JB, nabangga niya ang isa sa mga waitress (Toni Gonzaga). Noong una imbyerna ang waitress pero nag-iba ang ihip ng hangin noong nakita niya ang mukha ni JB. Kumuha ng ibang drinks si JB at pumunta na ito sa table nila ni Celine. Sinabi ng waitress sa coworker na nararamdaman na niya na malapit na ang soulmate niya.

Nasa kotse ni Amang si Veron at nakabihis ito para sa party pero ayaw nitong bumaba.

Isinayaw din ni Eli si Lena. Sinabi ni Eli na birthday na birthday niya malungkot siya. Wala raw kasi ang mga importanteng tao sa buhay niya (Amang and Veron), malay daw niya dumating pa sila. Pumunta sa party sina Veron at Amang habang sumasayaw sina Lena at Eli pero sumilip lang sila sa may pintuan. Tuwang-tuwa si Veron dahil napakaganda daw ng anak niya.

Sinabi ni Jackie kina Celine at JB na hindi raw ba’t favourite song nila ang pinapatugtog? Gusto yata niyang sumayaw din ang dalawa para hindi na sina Eli at Lena lang ang nasa dance floor. Niyaya ni JB si Celine pero ayaw nitong sumayaw.

Ayon daw sa horoscope ng waitress, siya ang lalapitan ng soulmate niya, not the other way around. Puro naman daw kasi “imposible dream” ang mga nagugustuhan niya puna ng kasama niya sa trabaho.

Nagalit si Lena kina Celine at Jackie, especially kay Jackie dahil sigurado raw na may ginawa sila para hindi makapaunta ang nanay niya.

Hindi na pumasok sa party si Veron. Nagalit si Amang, hindi raw dahil sinabi nitong magpakabait siya kaya hindi siya pupunta sa party. Hindi raw siya pupunta dahil nangako siya kay Fidel.

Narinig ni Lena na tinatanong ng ibang mga guests si Monique kung totoong prostitute ang nanay ni Lena which Monique confirmed pero sinabi niyang past na raw ito and she’s now part of the family. Pag-alis ni Monique hindi pa rin sila tumitigil sa pag-uusap nila about Veron kaya sinugod sila ni Lena at pinigilan lang siya ni Eli.

Humingi ng ice si JB at biglang sumulpot si waitress at kilig na kilig itong binigyan ng ice si JB (She kept on putting ice on his glass while staring at him).

Sa speech ni Fidel sinabi niyang this evening is a celebration of life (special mention sa Madrigal Group of Companies), a celebration of family,his source of strength daw in times of crisis, his wife, daughter Jackie and son-in-law, and likewise, he’s still thankful that in these trying times a new member of the family arrived.

Ipinakilala niya si Lena as his eldest daughter, Maria Lena Madrigal. The product of his youth daw, marami raw nagsasabi na siya ay isang pagkamamali, na ang pagkakamaling iyon ay dapat itago. Paano raw siya magkakamali kung nagkaroon ito ng anak, sa loob or sa labas. Ang dugo daw niya ay nananalaytay sa dugo niya. That’s the value of a Madrigal daw ay he never hides the truth.

He asked Monique, Jackie and Eli to join him on stage to greet her a happy birthday. Naluluha naman si Lena while all this is happening.

Noong tapos na ang party, naroron pa rin sina Fidel, Monique, Jackie, Eli, Celine at JB. Sinabi ni Eli na wala raw sa kwarto niya si Lena at nagpahatid sa driver. Wala ng pakialam si Fidel. Biglang sumakit ang tiyan ni Celine.

Pinuntahan ni Lena si Veron, umiiyak nitong tinanong kung bakit hindi siya dumating. Pinapauwi siya ni Veron. Sinabi ni Lena na gusto daw niyang ipakilala ang nanay niya. Sinabi ni Veron na konting tiis pa raw.

Galit si Lena dahil iniwan daw siya ng ina sa ere. Umalis na ito at iniwang umiiyak si Veron…

6 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 08”

  1. safiya Says:

    naiyak ako sa tagpo ng mag-inang Lena at Veron. I like the dialogue ni Lena tungkol sa pagiging “puta” ng kanyang ina. totoo naman na sa isang salitang iyon mahuhusgahan na ang pagkatao ng isang nilalang. ewan ko sa inyo pero ngayon lang ako napabilib ni Rosanna sa acting nya sa tagpong iyon. at si Angelica napabilib din nya ako…napaiyak nya ako…..kaya tawa naman ako ngayon. LOL

  2. annedito Says:

    I DON’T LIKE TONI!!! mang-aagaw talaga siya no. hay nako…goodbye Celine…helloooo bwisit.

  3. safiya Says:

    anong K ng isang waitress na magtaray at maimbyerna sa customer/guest na si JB. Ang OA ng dating ng waitress na yon, palengkera sa isang formal na party dapat dyan masisante. lol Di ko sya kilala, napagkikita ko lang sya doon sa pinapanood kong free pinoy channel, pansin ko lang PANGA ang Toni na yan. ooops sori sa mga fans ha.

  4. NoCar Says:

    I like celine and Jb so sad kung mamamatay si celine. If toni ang papalit okay lang din. She funny so okay na rin siya for JB.

    about veron and lena I hope they will realize that it is immposible for lena to stay in fidels house with his family. dahil laging magkakaconflict sa mga ina ng mga anak ni fidel. Better mag-condo nalang sila and pasustento nalang sila kay fidel. mabubuhay donya pa sila at hindi feeling nakikiplastican kanila fidel, jackie etc. dahil never mamahalin nila ng family ni fidel si lena no matter what.

  5. nawawala Says:

    nagsasawa na ‘ko sa mga pangyayaring nag-aaway muna sa simula tapos biglang magkakaigihan din naman pala o kaya magkaka-inlab-an. wala na ba silang ibang maisip na paraan para magkakilala ang mga tao? jeezz.. lalo na si toni. lagi na lang ganun ang role. haaaayy..

  6. Mariel Says:

    i don’t like Toni’s role. She looks and sounds dumb. Ewan ko, everytime that she’s on screen, prang tryng hard… although i know ganun lang talaga umarte si Toni, pero ewan ko… sa mga movies namn nya dati ok lang n ganon cya pero dito parang, may something that makes her look like she’s out of place… IDK. Anyway, bilin na talaga ako k angelica panganiban, ang ganda umarte… ganda pa rin nya pagumiiyak. Gagaling ng cast. They make full functionality with the characters, all are round characters—or at least the 6 major characters [jb, celine, jackie, eli, corazon, fidel] in the least, syempre pati yung mga bago.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: