MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 07

by

Nabigla si Veronica noong binisita siya ni Lena. Class na class ang dating nito at inihatid pa ng kotse. Masaya silang nagyakap. Habang kumakain sila nagrereklamo si Lena dahil plastic daw ang mga kasambahay niya at ayaw na niyang tumira doon. Sabi ni Veronica marami pa silang sisingilin sa tatay nito. Ipinapangako niya si Lena na hindi ito susuko.

Pag-uwi ni Lena nagdemand ito ng party para sa birthday niya, bagong cellphone at sariling kotse. Ayaw naman siyang pagbigyan ni Fidel.

Nagsumbong si Lena sa ina.

Later that night, nagkausap sina Fidel at Jackie. Nagsorry si Fidel sa kanya [for Lena, I think]. Nagyakap sila. Habang naglalakad-lakad sila nagpasalamat si Fidel kay Jackie at sa mommy na rin nito for always being there for him. Nakita ni Lena from inside kung gaano ka-sweet ang mag-ina.

Nagsorry din si Celine kay JB tungkol sa nangyari sa ospital. Don’t be sorry daw sabi ni JB.

Sinadya ni Eli si Amang para magpasalamat sa pagkumbinsi nito kay Mr. Jimenez na ituloy ang deal nila kina Eli. Lahat daw ay may kapalit — protektahan daw nito si Lena dahil mas anak pa niya ito kaysa kay Eli.

Nagpasalamat pa rin si Eli kay Lena. Sinabi ni Lena na lagi raw kasi niyang naririnig na pinag-uusapan si Mr. Jimenez kaya nabanggit niya ito kay Amang (alam na ba niyang mayaman si Amang?).

Nashock sina Fidel at Monique pati na ang ibang homeowners noong makita nilang nasa pool ng clubhouse sina Veronica at ang mga kapitbahay nila sa Tondo. Galit na galit na tinanong ni Fidel kung sino ang nagpapasok sa kanila. Umahon sa pool si Veronica at buong tapang na hinarap si Fidel. Naka-one-piece red bathing suit pa ito. Pinaalis sila ni Fidel but not before Veronica confronting Fidel tungkol sa hindi niya pagbibigay ng mga dapat ay para kay Lena. Sinabi ni Monique kay Veronica na magpapaparty na sila for Lena pero please daw at respetuhin nila ang pamilya nila.

Nagtalo din sina Jackie at Lena pag-uwi ni Lena dahil alam niyang nagpaparty lang naman sina Lena at Veronica para saktan ang daddy niya.

Habang ipinapasyal ni Celine ang step-daughter niya (Marcia ba ang pangalan niya?), ipinakita ng bata ang drawing niya, with the two of them at saka ang daddy niya at ang baby sibling niya watching over them. Sinabi ni Celine na don’t worry daw she’ll be watching over her din. Ano daw ang ibig niyang sabihin? Ibig sabihin daw she’ll always be with her. Hindi naman daw siya iiwanan nito, right?

Gusto ni Fidel na gumawa ng legal action against Lena. Pero according to his lawyers, except for a restraining order, wala na silang magagawa and that’s not even recommended.

Pinagalitan ni Amang si Veronica. Paano raw matututuhan ni Fidel na mahalin si Lena kung maya’t maya ay nang-iinis silang mag-ina.

Nagselos si Jackie noong nakita niang nagtatawanan sina Eli at Lena habang nasa kusina sila.

Nagtalo sila about this habang nasa kwarto sila. Tuwang-tuwang nakikinig naman si Lena sa kabila. Inassure ni Eli si Jackie na siya lang ang mahal nito. Nagyakap sila.

Pinuntahan ni JB si Corazon. Humihiram ito ng pera, ibabalik pa raw niya ito ng may inerest if he wants. Ayaw ni Corazon so sinabi na ni JB kung bakit niya kailangan. Sinabi na niyang may cancer si Celine. Sagot ni Corazon: “Well hijo, life is a bitch.”

Sinabi niya na he lost his mother the moment he walked away from her. Lumuhod si JB sa harap niya at sinabing “If she dies, I die with her.” Pinilit na kumawala ni Corazon at anak at umalis ito.

Naiiyak na rin niyang kinausap ang sarili at tinanong kung saan siya kukuha ng pera, wala na rin siyang pera.

Naiwang umiiyak sa sahig si JB…

(Pucha, naiyak ako dun ah.)

4 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 07”

  1. No Car Says:

    Sorry folks, all I can say is asar lang ako sa situation nila Veronica/Lena vs Fidel and family. Mayaman and powerful si fidel, isang bayaran babae lang nag papamanipulate siya. O.A. masyado ang situation. 🙄

  2. ptvj Says:

    tama ka No Car, it’s a ridiculous story line. understood naman na magdududa si fidel na siya ang ama because of her occupation, ano. i think it’s a better plot if, kagaya ng nabanggit ng isa sa mga friends natin dito na sana ginawa na lang nila na may relasyon dati sina fidel at veronica para mas convincing ang galit niya kay fidel. rosanna is a great actress i think she can pull it off naman kung just for once e gawin nilang “disenteng” babae ang character niya. honestly, i’m getting sick of seeing her play the same role over and over again — dating hostess or prostitute, inanakan, iniwan, etc. etc.

  3. annedito Says:

    OMG, naiyak ako kay JB and Corazon. Deep down inside, mahal ni Corazon anak niya and will give him the money if she has it. Kaya lang nakakulong din siya kay Tomas. I actually felt bad for her kasi hindi alam ni JB na abusie si Tomas sa kanya. That scene was enough to make MSKM an award-worthy show.

    Pero tama ka No Car…nakakainis at sobrang OA ang Madrigal Family ngayon. Sabi ng mommy ko bakit hindi raw tumira sina Eli at Jackie sa nanay ni Eli. Oo nga no? Sabi namin na mag-isa naman si Gloria sa bahay niya tapos si Fidel kasama naman si Monique. Pero we concluded na kasi walang tension sa script kapag ginawa ‘yon…LOL…and bakit hindi mang-hingi si JB sa Mamu G niya?

  4. nawawala Says:

    agree ako sa inyo!!
    at ako naman nagsasawa na sa away ni jackie at lena. hmp.

    pero wow… yung scene with JB at yung mom nya… ang tindi!! naiyak din ako don tsaka ang laki talaga ng improvement ng pag-arte ni sam! tapos pinakita pa na round character si corazon. na hindi lang sya kontrabida. may puso rin sya. aaaaaww..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: