MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 06

by

Bored (at naiinis) na pinapanood ni Lena sina Jackie at Eli na sumasayaw sa dance floor habang siya ay nakaupo lang sa mesa nila. Biglang sumigaw si Lena dahil ang sweet sweet daw nila at magpalakpakan naman ang mga tao.

Noong kumakain sila sinabi ni Lena na nakakahiyang ang sweet swet nila para silang production number sa isang show. Tinanong ni Lena si Eli kung hindi raw siya nahihirapan dahil mabigat si Jackie. Baka raw maging patabaing baboy ito. Biglang nag-ring ang cellphone ni Eli kaya tumayo ito at umalis sa table nila para kausapin ang tumawag sa kanya.

Masyado daw boring kasama si Jackie, sabi ni Lena. Tinanong nito kung buntis siya. Ayaw pag-usapan ni Jackie kaya nasense ni Lena na something’s wrong with her. Inexplain naman ni Jackie sa kanya na she’s not baog, pero may difficulty lang siyang magkaanak dahil sa lining ng uterus niya (or something like that). Sinabi ni Lena na i-save na lang niya ang explanation niya dahil nasa lahi naman daw talaga nila ang mahirapang magkaanak, dahil di ba raw ay solong anak lang si Jackie?

Pagbalik nila sa table nila from the restroom, binanggit ni Lena na sana magkaanak na sila, etc. sa harap ni Eli. Sinabi ni Eli na pag nagkababy sila ito na ang pinakamaswerteng bata sa universe. Sinabi ni Jackie na sisiguraduhin dw niyang may breeding ang mga anak nila. Ano naman daw breeding ang pinag-uusapan nila breeding daw ba iyon ng aso? Bigla niton kinain ang dinala ng waiter, it turned out raw meat pa iyon and she had to put it inside the container that the waiter put on their table. Nagpalusot na lang siya (napahiya talaga siya) at sinabing tutal nakakahiya naman siya the whole night kaya lulubuslubusin na niya. Kinain niya ang raw meat. Noong nasa restroom ito (para iluwa ang mga kinain niya), umiiyak siya at sinasabi sa sarili na pinatunayan daw niya na hindi siya kabilang sa mundo nila.

Nagalit naman si Celine kay JB noong dumating ang isang judge at nalaman niyang nagplano si JB na magkakaroon sila ng civil wedding. Bakit daw hindi siya kinonsulta ni JB. Nag-empake ito at umalis. Hinabol siya ni JB. Pakiramdam daw ni Celine, nawawalan na ng pag-asa si JB. Nagpasorry si JB, tama raw si Celine. Natakot lang daw siya and he just wanted to seal their love forever. Nagyakap sila.

Kinakausap ni Lena ang statuette niya at sinabi niyang magmamaldita siya dahil sabi ng nanay niya aapihin siya doon kung hindi siya natutong lumaban. Sa kabilang room naman, sinabi ni Jackie na gusto niyang makasundo si Lena pero tao din daw siya.

Iniimagine naman ni Lena na nagsasayaw sila ni Joaquin.

Nalaman ni Eli na nagback-out na rin ang mga foreign investors nila.

Si JB naman may nakausap na tao about him being their project manager.

Hindi naman magkasundo sina Jackie at Lena tungkol sa pinipili nilang mga damit during shopping. Habang nagpapamasahe sila, panay ang reklamo ni Lena sa masseuse nila. Pinalabas muna ni Jackie ang mga nagmamasahe sa kanila. Nagwalk-out naman si Lena. Noong nagpapamanicure/pedicure sila pinuna ni Jackie ang pagpapalagay ni Lena ng black nail polish, kaya nagalit na naman si Lena.

Masayang binati ni Fidel si Eli kasama si Mr. Jimenez. Nalaman ni Eli na nagreconsider si Jimenez at it’s all because of him daw kaya tuwang-tuwa si Fidel.

Kailangan daw ni Celine ng isang operasyon. Magastos at hindi raw assurance ito ng paggaling. Sinabi ni JB na they’re not going to give up. Tinanong ni Celine kung magkano ang gagastusin nila sa treatments at medications.

Tinawagan ni JB ang mommy ni Celine. Masaya ang mommy ni Celine pero it’s a difficult pregnancy at bawal daw siyang mastress and all. Kaya hindi nasabi ni JB ang kailangan niya.

Noong nagbabayad na si Jackie, akala ni Lena nakita niya si Joaquin kung kaya’t hinabol niya ito at hinabol siya ni Jackie at muntik na silang masagasaan. Noong nalaman ni Lena na hindi pala si Joaquin iyon, bigla siyang umiyak. Inaaalo naman siya ni Jackie kahit hindi niya mainitindihan kung ano ang nangyari. Muntik na silang magka-“moment” na magkapatid, kaso lang biglang sinabi ni Jackie na tumayo na ito mula sa pagkakaupo niya sa kalsada at baka kung ano pa raw ang sabihin ng mga tao. Biglang nagalit si Lena at tumayo na ito.

Panay pa rin ang reklamo ni Jackie tungkol ka y Lena noong magkita sila ni Celine. Binigyan na naman siya ng words of wisdom ni Celine.

Nagpunta sa Cancer Institute sina JB at Celine. Habang nagpi-fill out ng form sina JB at Celine, nagkita ni Celine ang isang babaeng nahihirapan at nagsusuka kaya tumakbo ito papalabas ng ospital. Noong mahabol siya ni JB nag-iiyak ito at sinasabing hindi nya ito kaya…

2 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 06”

  1. safiya Says:

    ok pa lang umarte itong si anne curtis.

  2. No Car Says:

    okay talagang umarter si anne curtis.

    pero etong Lena (angelika) subrang arte naman. 😈

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: