MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 05

by

Nagtalo sina JB at Celine dahil sabi ni JB she’s been working too much. Celine’s statement about her not wanting to walk the aisle bald (due to her treatments) broke the ice (or the fire dahil nag-a-argue sila) and they both laughed.

Talak ng talak si Jackie bago sila matulog ni Eli dahil sa inis niya kay Lena. Sinabi ni Eli na baka naman daw nagseselos siya at iniisip niya na baka hindi na siya ang prinsesa. Inassure siya ni Eli na temporary lang siguro ang stress na nararamadaman niya. Nagkilitian sila jan at naririnig ni Lena (na kasalukuyang nag-e-emote ang tili at tawanan ng dalawa). Kinuha ni Lena sa drawer ang statuette na ibinigay sa kanya ni Joaquin at pinagmasdan ito.

Sinabi ni Celine kay JB na ayaw na niyang magpagamot dahil advanced na raw ang sakit niya at parang nag-iiliusyon na lang sila kung aasa pa silang gagaling siya.

Kinabukasan, nalaman ni Monique na papasok pa rin sa masahihan si Lena. Minasama ito ni Lena pero sinabi ni Monique na kung tutuusin lang daw kasi ay she doesn’t need to work, hindi ba raw sapat ang kinikita niya. Ayaw daw kasi ni Lena na palamunin lang siya at gusto niyang kumikita rin siya ng sarili niyang pera. Ayaw raw kasi niyang umupo na lang maghapon at mag-seating pretty. (Kulang na lang sabihin niyang “kagaya mo” kay Monique). Tinanggihan din niya ang alok ni Monique na ihatid ito ng driver kahit na sa labas ng subdivision lang.

Nag-clash na naman sina Eli at Fidel tungkol sa business nila. Nagdesisyon si Eli na humingi ng tulong kay Amang kahit alam nitong galit ito sa kanya. Galit nga si Amang at tinanggihan niya si Eli. Sinabi nitong umalis ito sa harapan niya.

Nagkita sina Lena at Veronica (I guess hindi talaga siya pumasok). Habang nagsusukat sila ng mga sapatos, ikinukwento ni Lena ang pagiging tactful ng mga kasama niya sa bahay.

Nakausap ni Celine ang mommy niya. Sinabi nito na uuwi siya sa kasal ni Celine.

Gigil na gigil pa rin si Jackie sa pagtira ni Lena sa kanila. Talak pa rin ito ng talak habang naghihiwa siya ng mga prutas sa kusina. Hindi raw talaga niya matanggap na kapatid si Lena. Kung daw may gusto niyang maging kapatid, si Celine daw iyon.

Sinabi ni Celine kay Jackie na bigyan na lang niya ng chance si Lena and in no time mari-realize din ni Lena kung gaano siya kabait at kamahal-mahal. Give her chance daw dahil not everyone is being given the chance to make things right (parang naninibago si Jackie kay Celine).

Nadiyaryo ang sabunutan na nangyari (blind item) at nabasa ito ng isa sa mga investors nila. Habang nag-aalmusal sila, tumawag ang isa sa mga investors. Inassure ni Fidel na kung ano man ang nangyayari sa pamilya niya, wala itong kinalaman sa pagpapatakbo niya ng business. Dumating si Lena at sinita siya ni Fidel mukha daw itong prostitute sa suot niya. Umalis na silang lahat at sina Lena at Monique na lang ang naiwan. Tinanggihan ni Lena ang alok ni MOnique na kumunsulta sa mga stylists na kilala ni Jackie.

Na-shock si Jackie noong dumating ito ng bahay at nakita niyang mga kalalakihang nagkakagulo sa gate nila. Nagdidilig kasi si Lena ng naka-two piece lang.

Hinila ni Fidel si Lena papasok sa bahay. Nagdrama naman si Lena at sinabi niyang walang gustong kumausap sa kanya, hindi naman siya makapag-aral dahil kulang ang allowance na ibinibigay nito sa kanya, na gusto na niyang bumalik sa nanay niya pero ang gusto ng nanay niya ay mapalapit siya tatay niya. Tumakbo ito paakyat sa kwarto niya at sinundan siya ni Fidel.

Gigil na gigil pa rin si Jackie at talak ito ng talak (she’s starting to annoy me now, LOL). Gusto daw kasi ng daddy niya na isama niya si Lena sa paglabas-labas nito. Sinabi niya kay Eli na sumama ito sa kanila.

Hindi makatulog si Eli dahil sa pressure na nararamdaman niya tungkol sa pamamalakad ng business nila. Hindi rin makatulog si Lena kaya noong bumaba si Eli para kumuha ng alak, naroroon din si Lena.

Tinanong ni Eli kay Lena kung kilala niya ang tatay niya. Matagal na raw siyang kilala ni Lena kahit noong hindi pa sila magkakilala. Parang tatay na rin daw ang turing niya kay Amang, kwento ni Lena sa kaniya. Mahilig daw itong uminom at magbasa ng libro. Noong highschool daw ito si Amang ang tumatapos ng mga book report niya, mabait daw kasi siyang tao.

Nagising si Jackie at hinanap niya ang “asawa ko.” Bumaba ito at naabutan niyang nagkukwentuhan sina Eli at Lena. Umakyat na ulit sina Eli at Jackie but not before giving Lena a second look.

Nagpunta si Veronica sa bahay ni Lena dahil inimbitahan siya nito. Nakita siya ni Monique at kahit imbyerna na ito wala siyang magawa. Sinabi ni Lena na si Veronica ang stylist ni Lena. Dinala ni Lena si Veronica sa kwarto niya. Umutang ng damit si Veronica para ipasuot kay Lena.

Naiinis na si Jackie dahil ang tagal ni Lena na mag-ayos. Noong bumaba na ito, napatayo si Eli sa hitsura ni Lena at napansin ito ni Jackie…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: