MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 04

by

Nagalit si JB kay Celine sa pag-iimbita nito kay Corazon. Hindi daw nila kailangan ang approval ni Corazon. Sinabi ni Celine na iniisip lang daw niya na maaalagaan siya ni Corazon. Si Celine lang daw ang kailangan niya, sabi ni JB. Naiyak naman si Celine.

What’s wrong daw sabi ni JB? Sinabi ni Celine na may maghihiwalay sa kanila and no matter what they do this will come into an end. Sinabi na ni Celine kay JB na may sakit ito and that she’s dying. Lumabas ng kwarto ang hindi makapaniwalang si JB.

Nagtatawanan habang nag-iinuman ang mag-inang Veronica at Lena habang tahimik lang si Amang. Pasalamat daw sila naroroon si Eli at may utang na loob si Lena sa kanya kaya hindi niya masyadong “inumbagan” si Jackie. Sinabi ni Amang na dapat daw na hindi sila nanggulo.

Nagugulumihan naman ang pamilya nina Jackie. They have to do something para tumahimik sila. Balak nilang ipa-DNA test ulit si Lena or ipasuri ang existing DNA test. Tinanong ni Monique kay Fidel kung ano ang toto. Tahimik lang si Fidel. Nag-walk out si Monique at umiyak ito. Sinundan siya ni Fidel. Nagpasorry ito kay Monique. Sinabi niyang mahal niya ito at si Jackie at ayaw niyang masira ang pamilya nila. Nagyakap sila.

Nagpasorry si Celine kay JB sa pagtatago nito sa sakit niya. Hindi lang daw niya alam kung ano ang gagawin niya. Niyakap ni JB si Celine ng buong higpit.

Nakipagkita si Fidel kay Veronica kasama ang lawyer nito. Ayaw tanggapin ni Veronica ang condo, money for education at new job offer na ibinibigay kay Lena. Ang gusto daw ni Veronica ay mahalin niya si Lena at tanggapin niya ito buhay niya.

Parehong ayaw nina Jackie at Lena ang magkasama sila sa isang bahay. Sinabi ni Eli na kailangan nilang gawin iyon dahil nga hindi mabango ang pangalan nila sa media. Pati si Monique pumayag na rin siya kahit ayaw niya.

Nag-aaway din sina JB at Celine dahil gusto ni JB na magpatingin pa si Celine sa ibang doctor. Hindi raw nila afford iyon sabi ni Celine. Kanino daw hihingi ng tulong si JB, kay Fidel, sa mga kaibigan niya? Ayaw ipaalam ni Celine sa kahit sino man beside the two of them ang sakit nito. Pumayag si JB pero ipinapangako niya si Celine na they’ll fight it together.

DUmating na si Lena. Minasama nito ang pagpapatulong sana ni Monique sa katulong nila para buhatin ang gamit nito. Hindi raw siya lampa, malakas pa siya sa kalabaw. Noong inihatid siya ni Jackie sa kwarto niya, pinaalis nito ang sapatos niya at sinabing mahirap daw linisin ang malaking kwarto. Sinabi ni Lena na siya ang maglilinis sa sarili nitong kwarto. Nabangayan pa sila, etc. etc. (Andaming satsat ni Lena e.)

Pancreatic cancer ang sakit ni Celine, Stage 2 (that’s still curable, di ba). Even the doctor told them na maliit ang chances ni survival ni Celine, it’s like asking for a miracle. Sinabi ni JB na they’ll take those chances.

Sinundan ni Eli si Amang at nasundan niya ito sa isang restaurant kung saan nagkita sina Amang at Mr. Jimenez.

During dinner, sumali naman si Lena. Masaya sina Jackie, Fidel at Monique. Nakikisali sa usapan si Lena pero hindi siya masyadong pinapansin ni Fidel.

Nagalit naman si Thomas kay Corazon dahil napublish sa magazine ang eskandalong ginawa niya sa engagement party nina JB at Celine.

Tinanong ni Eli si Gloria tungkol sa tatay niya. Magaling daw itong magpiano noon at scholar siya kahit mahirap lang sila marami itong pangarap. Gusto nitong makatulong sa pamilya niya. Sinabi ni Eli na kung nagtagumpay na ito ngayon, bakit niya itinatago. Sinabi ni Gloria na hindi lahat ng ipinapakita, iyon ang totoo. (Habang sinasabi niya ang speech niya, ipinapakita kung paano tinutulungan ni JB si Celine, kung gaano talaga kalungkot si Veronica, Lena at si Amang, paano itinatago ni Fidel ang totoo niyang nararamdaman).

Habang nasa balkonahe si Lena, nakita niyang dumating na si Eli. Kinawayan siya nito…

4 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 04”

  1. nawawala Says:

    bwisit naman tong LENA na ‘to! ano ba yan… LENA pa ulit pangalan!! masyadong mataray at mabunganga! ayoko si angelica! arte! pati bra strap nya binaba pa at pati pag-inom ng tubig eh, nakapikit pa! anokayayon! lande….

  2. No Car Says:

    Correct ka Nawawala. super landi ni Lena (angelica).
    HHHHindi ko rin sya gusto!!!!!

  3. annedito Says:

    HAHAHA…hindi bagay kay angelica ang malandi. sana si michelle madrigal nalang kinuha nila. parang papilit pa yung pang-landi niya. i like her better as little ms. innocent. kahit naman sa ysabella eh, hindi bagay yung party girl image sa kanya. pero okay rin siyang mang-asar kay jackie. nagmumukha tuloy eng-eng si jackie with her politeness na puro taglish.

  4. No Car Says:

    at least effective syang kontrabida diba. parang lena (rio locsin).
    Pero ayaw ko pa rin kay Angelica.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: