Pangarap na Bituin: Final Thoughts

by

Namimiss ko ang PNB, nagkakawithdrawal syndrome ako.

Okay naman ang ending, predictable pero may puso. Naks. Kaysa naman patayin ang main character kagaya ng ginawa sa Maria Flordeluna. Pucha, isipin niyo the whole story inaapi siya ni Mamita at Wilma tapos ilang beses silang nakidnap tapos madededo pa siya sa bandang huli. Alta presyon tuloy ang inabot ng mga manonood.

Anyway, back to the finale…

As I said, okay naman siya pero medyo abrupt. Ang dami pang loose ends na hindi inaddress ng mga writers.

Unang-una na diyan iyong singsing na ibinigay ni Terrence kay Emerald noon. Alam kong agree kayo sa akin tungkol dito dahil may mga nagcomment about dun. Importante naman talaga iyon di ba dahil heirloom iyon and Terrence chose to save it for Emerald and not to give it to Cazzie kahit siya ang girlfriend niya noong mga panahong iyon. Sana kahit man lang iyong pasimple, kahit doon sa stage man lang. Sana kahit noong kumakanta sina Emerald at Terrence sa stage, hawak kamay sila tapos mapapansin ni Terrence na suot ni Emerald ang singsing. Tapos magtitinginan sila ng may meaning.

Bitin din ang exposure ng totoong Emerald. Sana kahit noong mga Monday of the finale week na lang nila ini-reveal ang totoo and then they can work on the Terrence-Alberta-I’m-your-real-mom story pagkatapos nun. At least hindi may enough time pa rin na ipinakita ang tunay na magkakapatid na nagpe-perform.

Sana rin ipinakitana nagka-closure na si Bridget sa pagkamatay ng tatay niya (or at least she came into terms with it) ng hindi niya nalalaman. I know he was cremated pero sana may ipinakita pa rin kahit papaano man lang.

Both Boots Anson-Roa and Sandy Andolong are excellent actresses pero hindi nila nagamit ang talent nila dito sa show na ito. Para kasing ang mga characters nila mga dekorasyon lang doon, except for a few instances, walang depth.

Eto pa ang iba kong kinaiinisan sa show:

Unang-una ang hindi nila pagpapa-DNA test (or kahit blood test man lang) noong nagpakilala si Lena sa kanila. Nakalimutan yata ng mga writers ng show na ito na 2007 na. Kahit inalter pa ang mga results to keep the story going, okay lang at least hindi iyong parang mga engot ang mga characters, ano?

Inconsistent ang development ng mga characters. Si Jeffrey, minsan ang tapang tapang niya sa pagtatanggol kay Ruby, minsan naman wala siyang masabi kapag kaharap niya ang nanay niya.

Noong nag-drift apart sina Terrence at Emerald, nangyari iyon dahil nabulag si Terrence ng self-pity niya. Pero when they became reunited, parang wala naman talagang nangyaring something big to prompt their reconciliation.

Para ding ang shallow ni Alberta sa galit niya kay Emerald. Sana may ginawa silang subplot na nagda-justify sa matinding galit ni Alberta kay Emerald. Sana ginawa nilang mag-ex boyfriend sina Cocoy at Alberta o kaya naman ay kahit na magkalabang mortal sila kaya ayaw niya kay Emerald, hindi iyong naiinis lang siya dito kaya niya ginawa ang mga criminal acts na ginawa niya.

Don’t even get me started with real Sapphire’s supposedly psychiatric condition. Hindi tama ang portrayal ng condition niya!!!

Tapos sa bandang huli lumiit na lang ang papel nina Berns at Cocoy sa buhay ng mga anak nila. Hay naku.

Maganda ang plot, palpak nga lang ang execution.

Maganda ang umpisa, minurder ang gintna, minadali ang huli.

Iyon lang ang naiisip ko right now.

Sa maganda naman tayo. Oo, kayo naman siempre may maganda rin sa show na ito, kaya nga pinapanood natin kahit na gusto na nating batuhin ang TV or computer.

I was really surprised na hindi sila talaga magkakapatid. Kasi di ba pinro-promote nilang tatlo ang show. O di ba, at least surprised ako dun.

Maganda rin na ipinakita na loving and supportive ang mga adoptive parents nila at close na close sila sa mga ito.

Magaling umarte ang buong cast. Hindi ba’t nainis tayo kay Lena? Ang galing talaga ni Rio Locsin, effective na effective na kontrabida. The same thing goes to Cherry Pie Picache. Feel na feel ko talaga ang muhi ko sa kanya everytime na she’s playing as Alberta. Natawa at naawa naman ako kay Jimbo (hindi kasi ako naiinis sa kanya noong bina-black mail niya si Alberta). Natawa ako noong sinasabi niyang “Joke lang.” Naawa naman ako kasi mas pinili niyang papaniwalain si Terrence na hindi siya interesadong magkaroon sila ng father-son relationship kaysa sa makipag-close siya dito. By distancing himself from his son, he was redeeming himself from all the bad things that he did in the past. At saka nakita naman natin na iniisip pa rin niya si Terrence sa bandang huli.

I can say the same thing with the rest of the cast. Magagaling lahat umarte. I especially liked that scene sa supposedly kasal nina Cazzie at Terrence. Emerald was singing while crying tapos iyong expression din ni Terrence, priceless din.

Correction lang pala dun sa PNB Finale entry ko: Hindi lang manager si Cocoy, kung hindi may talent agency na ito and he was even managing Jeffrey’s career. Assistant naman niya si Chorva.

Iyon lang, tapos na so I have to move on…bwahaha. Ang drama e…

8 Tugon to “Pangarap na Bituin: Final Thoughts”

  1. Me on the GO! Says:

    kawawa naman c chorvah.. natapos na lang ang PNB lahat lahat, alalay pa rin ang role nya… hehehe..

  2. ptvj Says:

    hehe, oo nga. pero at least may future na siya🙂

  3. dramaville Says:

    nakakatawa ang comments mo! oo nga, talgang 2007 na! walang dna test at parrafin test! at isa pa, kahit walang dna test, kahit papaano, ang mag-iina at magkakapatid magkakamukha o at least man lang may hawig! anong klaseng istorya ba eto! pinagmumukhang tanga ang audience!

  4. dramaville Says:

    katulad ni chorva (cathy gonzaga), kamukha niya talga si toni gonzaga dahil magkapatid sila. kahit di sila ipa-dna test at kahit di ko alam, mahuhulaan ko dahil magkamukha, magboses at parehong umarte! nakakatawa siya pareho ng ate niya. i like her! i also like maja and rio locsin. magaling ang acting nila. isang progress lang siguro ng soap na eto eh hindi tanga si emerald. usually ang bida inaapi at tatanga tanga.

  5. NoCar Says:

    ptvj agree ako sa lahat lahat lahat lahat (x1000000) na sinabi mo.

    pareho tayo na haka haka!!! 😉

  6. NoCar Says:

    sayang lang…….

    maganda sana kaya lang pumanget!!!!

  7. PNB addict Says:

    i totally agree with everything u wrote here ptvj..i also still can’t get over bout PNB.. i come home from school and rush to watch the show and now i’m sad thats its over…..i’m still not quite happy about the ending because there are still missing pieces to the puzzle…i know that the Jewel Sisters have fulfilled their “pangarap” of becoming a family once again and Terrence and Emerald have become successful like they planned when they were kids, however, its like the show went downhill…everything was so interesting right from the start and thats what got me hooked and then i don’t know what happened……im starting to watch MSKM 2 and its weird cuz i was hooked on the first one but it seems like i can’t let go of PNB so i don’t bother watching it lol… ..oh well, we’ll get over it someday..hopefully =) i’m just hoping Jericho and Sarah make other projects because I think they really click together even though i had doubts from the beginning..
    thank you for all the posts=) have a good weekend.

  8. Relle Says:

    Agree po tlga ako sa lahat ng cnabi nyo ptvj…
    and PnB Addict, haha we’re the same…i wnat PNB to stay,,kc namn ang bilis ng ending tas hindi pa nagkatuluyan si terrence at emeng kaya nakakainis din……pero di parin ako nanunuod ng MSKM lol..kc namn pinabilis ata yung ending ng PnB dahil dyan…humpphh…!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: