MSKM: Ang Pagbabalik Episode 03

by

Lingid sa kaalaman ni JB, tinawagan ni Celine si Corazon. Pinuntahan ni Celine si Corazon without JB’s knowledge para imbitahan ito sa engagement party nila ni JB. Magpakasal daw sila, magpakamatay daw sila, walang pakialam si Corazon. Kinumbinse pa rin siya ni Celine, pero ayaw pa rin ni Corazon.

Sinabi ni Veronica kay Amang na pag-uwi ni Lena, kakausapin niya ito dahil ayaw na raw niyang manggulo. Binigyan naman ni Amang si Veronica ng idea, i-reveal daw sa radyo ang tungkol kay Fidel para masira ito lalo sa mga tao.

Noong inihatid ni Eli si Lena, nakita niya si Amang. Sinundan niya ito at nakita niyang sumakay siya sa isang magarang sasakyan. Nakarating sa isang building si Amang binati siya ng isang security guard at tinawag na Sir. Sinundan siya ni Eli sa loob up to the rooftop kung saan sumakay ito sa helicopter.

Pagdating ni Lena sa bahay, niyakap siya ni Veronica at nag-iyakan sila. Sinabi ni Veronica na hindi na nila ipipilit ang sarili nila sa mga ayaw magmahal sa kanila.

Pag-uwi ni Eli, sinabi niya kay Jackie na nakita niya ang tatay niya at mukhang mas mayaman pa ito sa daddy ni Jackie.

Umiiyak si Celine noong umuwi ito. Biglang sumulpot si JB at tinanong kung bakit ito ginabi at dahil na rin siguro hindi niya alam kung saan talaga ito nagpunta dahil nakausap niya sa telepono ang dapat ay kameeting ni Celine nong mga panahong umalis ito. Sinabi ni Celine na kasama niya si Danica ang planner para sa engagement party nila. Nagalit si JB dahil alam nitong nagsisinungalin si Celine dahil kasama pala ni JB si Danica.

May kausap si Amang sa phone, mukhang may pinaplano siya. (He’s in a very nice house by the way)

Ikinuwento na rin ni Eli kay Jackie kung paano siya napadpad sa Tondo. Sinabi na rin ni Jackie ang alam niya tungkol kay Lena.

Ayaw pa ring sabihin ni Celine kung saan talaga siya nagpunta. Tuluyan ng nagalit si JB dahil na rin sa mga pains na na-e-experience ni Celine pero ayaw pa rin niyang magpatingin sa doktor. Itinanong ni JB kung kailan at ano ang sinabi ni doktor. Iniligaw ni Celine ang usapan at nagpakadefensive ito. Sinabi niya kay JB na wala na ba itong tiwala sa kanya, etc. Nagsorry si JB, love can make you do crazy things daw. He asked Celine not to keep secrets from him.

May nagtangka namang masama kay Veronica noong gabing iyon. Naka-all black at skimask pa iyong tao. Nakapanlaban siya at nagising na rin si Lena. Narinig ng mga kapitbahay ang mga sigaw nila kaya tumulong na rin ang mga ito.

(Ang tanga naman noong killer e di sana sinorpresa na lang niya si Veronica from behind. Sus.)
Sa tingin ni Veronica si Fidel ang may utos sa pagtatangksa sa buhay niya (ah, eto siguro iyong iniuutos ni Amang sa kausap niya sa phone).

Flashback: Bata pa si Lena (around 9 years old). Hinarang niya ang kotseng minamaneho ni Fidel. Galit na bumaba si Fidel at sinabing kung gusto nitong magpakamatay doon siya sa highway. Sinabi ni Lena kung sino siya pero sinabi rin ni Fidel na iisa lang ang anak niya. Nabasa sa ulan si Lena at nagkasakit ito. End of flashback.

Sinabi ni Lena sa ina na kukunin na nila ang dapat na mapunta sa kanila.

Engagement party na nina Celine at JB. Gumawa ng kanta si JB para kay Celine at kinanta niya ito. Kinuha pa ni JB si Celine mula sa kinauupuan nito para kantahan. Masaya silang nakikinig sa performance ni JB ng dumating si Corazon kasama si Thomas (ang galing ng timing, no?). Pinatapos muna ni Corazon na kumanta si JB bago ito gumawa ng eksena.

Masaya namang binati ni Celine sina Corazon, pero inismiran lang siya ni Corazon.

Kinuha ni Corazon ang mic at sinabi niyang parag reunion daw ito. Naroroon ang longtime partner in crime niyang si Fidel, ang ever naive na asawa niyang si Monique, ang dating catatonic and useless na kapatid niyang si Gloria, and ang anak nilang si Jackie. Mahaba daw ang buhay ng masamang damo. And of course daw ang anak niya. Disappointed daw siya dahil this marriage would only mean one thing: that JB is cutting her ot of his life permanently.

Kinukuha na ni Thomas ang mic away from Corazon pero inignore lang siya nito.

“Let me propose a toast. A toast to sons who abandoned their mothers and to the the sluts (she pronounced it as slots) who take them away. Celine, thank you for inviting me.”

Sabay splash ng champagne kay Celine. Sinabi ni Celine okay lang siya and she wanted the party to continue.

Dumating sina Veronica at Lena. Nakikiusap si Fidel na umalis na sila. Sinabi ni Lena na if she were him, wala siyang gagawing ikakasama ng loob nilang mag-ina. Kakayanin pa raw ba niya ang isang iskandalo? Sinabi ni Fidel na sino raw ba siya, hindi raw ito natatakot sa kanya. Kinompronta ni Lena si Fidel sa pagtatangkang ginawa sa buhay ng ina niya. Ang kapal daw ng muha niya, kung makikipagpatayan daw siya, makipagpatayan siya ng harapan.

Hinahanap naman nina Monique, Eli, at Jackie si Fidel.

Pinilit ni Fidel na umalis sila. Ayan dumating na sina Jackie at Monique, nag-ramble na sila. Sinabunutan ni Lena si Jackie habang pinipigilan naman siya ni Monique. Dumating si Eli at siya ang pumipigil kay Lena.

Nanonood naman from afar si Amang sa mga nangyayari…

10 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik Episode 03”

  1. Kris d, Says:

    Ano ba yan bangayan na kaagad,
    Salamat ulit sana f u have un sa ysabella rin
    thanks ulit!

  2. annedito Says:

    wth? napa-cliche naman ng engagement party na yan. and since when did celine become such a martyr? i still miss yung mga dialogue ni celine. she should’ve told corazon something like “i’m the best slut your son can find,” or something. that’s what i liked about her, palaban. ngayon parang tao-taohan nalang siya like jackie…hay nako…i’m starting to get irritated sa MSKM2. pero siguro isip ko lang ito kasi papatayin na si celine.

  3. ptvj Says:

    kris d, pasensiya na hindi ko muna magagawa ang ysabella, sumasakit lang ang ulo ko sa takbo ng istorya.

    annedito, when she was talking to corazon, celine said something na if corazon was talking down to her before hindi niya ito palalampasin. pero she was just doing it for JB kaya hindi na niya papatulan si corazon.

  4. nawawala Says:

    may article tungkol kay toni sa PEP ah… sabi nya wala raw syang papalitan sa MSKM2. sana nga!

    http://www.pep.ph/news/15750/Toni-Gonzaga-lightens-up-the-heavy-drama-Maging-Sino-Ka-Man

  5. ptvj Says:

    sana nga. baka siguro may sakit nga si celine pero iyon ang magiging pagsubok nila ni jb sa book 2.

  6. NoCar Says:

    MAganda sana madami ng action agad. Pero sumubra ata ninenervious na ako sa mga kontra bida. (may hi blood pa naman ako) lalo na sa teaser na titira si Lena sa bahay nila Jackie. Na kakatense nnaaa!!!

    Parang tanga naman kasi si Veronica Eh diba babaeng bayaran naman siya noon kaya lang siya nabuntis? Eh anong problema niya. Napaka OA naman niya. hindi naman siya minahal ni fidel. Edi pa support na lang siya na pera. HIndi na kailangan tumira pa ang bastarda niya sa nananahimik na pamilya niya. tutal matagal na yon dapat na ka pag move on na sila.

    aayy!!! nagsisimula na ang storya na IMPOSIBLE AND RIDICULUS!!!1

  7. safiya Says:

    tanong ko lang po…the same characters din ba sa book1, di ko kse napanood yon eh. baket naman sila Jackie at Monique nakisagupa rin sa mag-inang Veronica at Lena – parang palengke may sabunutan pa yata. saka eng eng talaga yang hired killer.

    ptvj, sumakit ba ulo mo sa ysabella? hohoho! no offense sa Ysabella fans. maganda simula ng story ng Ysabella pero lumaon naging halo halo, labo labo, bobo bobo, hihihihi.

  8. NoCar Says:

    Mayaman pala si Amang… Paano kaya siya naging mayaman? Bakit ayaw niyang tangapin anak si Eli? Ano kaya yung matindin galit niya kay Fidel? Better be serious, baka naman asar lang siya kay Fidel………. (gaya kay Alberta hehehe…..)
    Bravo for Corason. I love her when she dilivers her dialoge. Very efficient and very demonic.. 😈

  9. nawawala Says:

    Nocar- may point ka dun ah! bayaran nga lang non si veronica, bakit grabe sya umasta diba! dahil siguro naman pag pumasok sya sa ganung trabaho eh, medyo expected na rin na pwedeng mangyari yon… sana ginawa na lang nila na talagang naging magkalaguyo sila ni fidel.. at least yon, mas maiintindihan pa natin ang sitwasyon nya…

  10. annedito Says:

    I agree…BRAVO FOR CHIN-CHIN! I love her dialogue…pang-Chery Gil ang pagka-kontrabida…hehe…I love her and Celine together. Parang ayaw mag-patalo ng isa’t isa. Which is why inis ako sa pagka-martyr ni Celine.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: