MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 02

by

Habang ipinaghahanda ni Jackie si Eli ng almusal sinabi ni Eli na gusto niyang samahan sina Celine at Jackie sa pagpunta niya mga tutulungan nila (kasama nila doon si Veronica na kasalukuyan namang pinapauwi si Lena sa bahay nila). Pero may iniutos si Fidel sa kanya kaya hindi siya nakasama.

Si Celine naman patuloy pa ring tinatago ang tunay niyang nararamdaman (physically) kay JB. Malala na talaga siguro ang sakit niya dahil marami siyang gamot na iniinom.

Ayaw makumbinse ng kausap ni Eli na si Mr. Jimenez (si Tommy Abuel ba iyon) dahil maganda man daw ang proposal ni Eli, pangit pa rin ang reputasyon ni Fidel at the moment. Sinagot naman siya ni Eli na ang engosyo ang pinag-uusapan nila hindi ang pamilya niya (he said it nicely naman). Ayaw pa ring makumbinse ni Mr. Jimenez, he’s a ruthless businessman daw. Medyo nagalit na si Eli dahil sa pinagsasabi ni Mr. Jimenez pero hindi talaga siya makumbinse. This time galit na ulit si Eli at ipinagtanggol si Fidel. Sinabi nitong at least ang daddy niya may palabra de honor.

DUmating na sina Jackie at Celine sa bahay nina Veronica na may dala-dala pang korona ng patay. Akala yata nila patay ang pupuntahan nila. Sinabi ni Celine na hindi iyon ang inaasahan nilang aabutan nila (walang tao, tapos naka red pang tank top si Veronica) dahil umiiyak pa nga raw ito noong nasa ospital siya. Tinanong ni Veronica, na hindi raw ba siya iiyak kung ang anak niya ang kinakawawa, na parang mamamatay ka dahil hindi mo siya mabigyan ng kaunting pag-asa.

Ipinakita ni Veronica ang DNA result ni Lena. Ayaw maniwala nina Celine at Jackie. Sinabi ni Veronica na akala daw niya mabait is Jackie kaya ito ang nilapitan niya pero kamukha rin pala daw siya ni Fidel. Dumating si Lena at tinalakan sina Jackie at Celine. Sinabi na rin niya na pareho nga sila ng tatay. Shocked pa rin si Jackie pero pumalakapak siya sarcastically at sinabing nag-enjoy siya sa palabas nila bago ito umalis.

Sa board meeting ng kumpanya ni Fidel, sinabi niyang marami ng perang nawawala sa kumpanya nila. Sinabi ng isa sa mga board member ni Fidel na dahil ito sa nangyayaring assasination ng media sa pagkatao ni Fidel and they can’t afford another scandal.

Ipinakita nina Jackie at Celine kay JB ang folder na ipinakita ni Veronica sa kanila. Sinabi ni JB na hindi naman iyon proof na DNA sample nga ni Fidel ang ginamit doon. Nagkaroon ng pag-asa si Jackie para isiping hindi nga niya kapatid si Lena. Sinabi in Celine na mabuti nga raw iyon, dahil kung totoo silang magkapatid sa nakita daw niya araw araw silang magbabangayan.

Gusto ni Jackie na malaman pa rin ang totoo. Kung kapatid daw talaga niya si Lena hindi niya alam kung paano niya pakikitunguhan ito.

Nag-aaway naman sina Lena at Veronica. Ayaw na raw ni Lena na ipagsiksikan ang sarili niya. Naglayas si Lena. Habang nag-e-empake si Lena, tinanong naman ni Veronica kung pupunta naman daw ba ito kay Joaquin? Hinabol niya si Lena.

Nagalit naman si Fidel kay Eli dahil binastos daw niya si Mr. Jimenez. Sinabi ni Eli na hindi daw nila kailangan ng kagaya ni Mr. Jimenez. Sinagot naman siya ni Fidel at sinabing investment ang mahala sa kanila at this point. Ginagawa raw ni Fidel ang lahat ng ito hindi para sa kanya kung hindi para kina Eli, Jackie at sa magiging pamilya nila.

Dumalaw si Eli sa puntod ni Dadoods at ni mama. Inihinga niya ang mga pressures ng pagpapatakbo ng isang kumpanya. Kung pwede nga raw na lumayo na lang sila ni Jackie, gagawin niya. Pero dahil iyon ang nakagisnang buhay ni Jackie, gagawin niya ang lahat. Sinabi nitong magiging the best na tatay siya sa mga magiging anak niya. Kagaya daw niya Dadoods, itinuring siyang parang tunay niyang anak. Kaya para sa kanya, ito ang tunay niyang ama.

Nagkukwentuhan naman sina Veronica at Amang tungkol sa paglalayas ni Lena at sa pagkakahumaling nito kay Joaquin (na bulag pala). Nakukunsumine na si Veronica kaya ang sabi ni Amang sa kanya, anak niya iyon kaya responsibilidad niya iyon. Sinagot naman siya ni Veronica na bakit siya ang responsibilidad niya kay Eli tinatalikuran niya. Hindi naman nakasagot si Amang.

Sinabi ni Jackie kay Celine na sinabi na ni JB na baka buntis si Celine (duh edi magpapregnancy test kayo). Nalungkot naman si Jackie dahil nasa lahi pala nila ang matagal bago magkaanak, mahirap magkaanak or walang anak. Sinabi naman ni Celine na huwag itong mawawalan ng faith dahil iyon lang ang mapapanghawakan niya.

Nalaman ni Lena sa isang dating kakilala na mula noong umalis siya, hindi na rin nagpakita si Joaquin. Naglalakad-lakad sila Lena at noong makarating siya sa lugar kung saan sila unang nagkakilala ni Joaquin at naalala niya kung paano sila nagkakilala:

Flashbacks:

Tumatakbo si Lena at nakita niyang may nagka-carve ng isang statue. Itinanong niya kung bakit daw nakayapak si Lena e ang lakas ng ulan. Nasira pala ang mga tsinelas ni Lena habang tumatakbo. Ibinigay ni Joaquin kay Lena ang statue ng isang babae at lalake.

Pilit na kinuha ni Veronica si Lena kay Joaquin.

Nasakay sina Lena at Joaquin sa bus at may isinuot ito na singsing kay Lena.

Nakarating ng Sta. Rita si Eli at nakita siya ni Lena. Dahil sa pagkakashock ni Lena dahil nga nakita niya si Eli, nagsagi ito ng isang jeep habang tumatawid siya ng daan dahil sa kakasunod kay Eli (na pumunta doon sa mga nagtitinda para bumili ng pasalubong for Jackie). Narinig ni Eli ang pagkakagulo ng mga tao.

Hindi nakilala ni Eli si Lena, tinanong nito kung ano ang masakit sa kanya…

4 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 02”

  1. No Car Says:

    Ummm…. ummaandar na naman ang pag ka madam auring ko.
    Nakikita ko na magigigng complication dito…

    first malalang sakit para kay Celine, hindi sila makakatuluyan ni JB dahil ayaw ng mommy niya kay Celine.
    Conflict nila Eli at Fidel tungkol sa family business nila.
    Pag takwil at hindi pag tanggap nila fidel kay Veronica at Lena dahil mababang klaseng tao sila. in short iniisip ni Fidel na pera lang ang habol nila.
    Magaaway din sila Eli and Jackie dahil hindi sila magka anak and magiging 3rd party itong si Lena.

    ssariling kuro kuro ko lang naman.

  2. Sleeplessinwgtn Says:

    Hi,

    Thanks for your prompt postings.

  3. annedito Says:

    i agree No Car tapos si eli at lena mag-bond over being rejected by their biological fathers. tapos sobrang selos ni jackie at super insecure pa siya kasi gusto ni eli ng maraming anak at hindi niya mabigyan.

    tapos si celine naman patay from her sakit then jb will fall in-love with her katulong na sobrang pa-cute…then enters toni…LOL! then tapos na ang panonood ko ng MSKM2.

  4. nawawala Says:

    bwiset naman! bakit nila papatayin si celine!!!!!!!! maganda na nga yung loveteam, sisirain pa! sino bang nag-request na ipasok si toni!! hmp!!!
    parang sana hindi na lang pala nila ginawan ng book 2 kung papatayin din nila si celine!! kainis!!

    at… uhm… 2nd episode pa lang, irita na ‘ko sa bagong style nila na dugtungan ng salita at maiiksing scenes.. parang minamadali yung manonood! waaaahhh…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: