Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik, Episode 01

by

Ang Nakaraan: Pagkatapos ng kasal nina Eli at Jackie ay may babaeng lumapit sa kanila at sinabing hindi man siya kilala ng mga ito may makikilala rin nila kung sino siya. At sinabi ng babae sa sarili na akala lang nina Eli na tapos na ang lahat at masaya na ang lahat, nagkakamali daw sila dahil magsisimula pa lang ang lahat…

Ipinagpawalang bahala na lang nina Eli at Jackie ang sinabi ng babae para hindi masira ang pagdiriwang ng kanilang kasal. Pagkatapos ng 6 na buwan, nagpunta sa Spain sina Eli at Jackie at siempre nagla-labing-labing ang dalawa.

Ganoon din ang ginagawa nina JB at Celine, by the way😉 .

Habang nasa balkonahe si Eli at ini-enjoy ang magandang tanawin sa Spain, ipinakita na masaya na ang lahat:

Sina Fidel and Monique habang nagja-jogging.

Nagpropose si JB kay Celine at nag-yes naman siya.
Isang masahista si Lena (Angelica Panganiban) at habang nagmamasahe ito ay tinangka siyang gahasain ng isa sa mga kliyente niya. Buti na lang at nakakuha ito ng panlaban at sinabi niyang sasaksakin niya ang DOM kung hindi siya nito titigilan.

Sinabi ni Celine kay JB na nagiguilty ito dahil kung magkasundo sila ng mommy niya, sigurado raw na nagtatrabaho siya kay Thomas, doing what he loves (corporate world). Pero sinabi ni JB na he made the right decision dahil Celine is his happiness.

Dinalhan ng meryenda ni Amang (Phillip Salvador) si Veronica (Rossana Roces) sa pabrikang pinagtatrabahuhan nito. Sinabini Veronica na may nakuha na siyang pruweba para harapin ang matagal na niyang hinahanap. Medyo doubtful si Veronica sa gesture na pagpapahiram ni Amang ng pera sa kanya. Baka raw pinipigilan siya nito dahil sabit si Eli sa plano niya. Sinabi ni Amang na kaibigan niya si Veronica, hindi niya ito kaaway.

Sinabi niya Jackie kay Eli na naghihinala siya na baka buntis siya. Kaya nag-iisip na sila ng ipapangalan sa magiging baby nila (Fidel Diosdado Roxas). It turned out it was a false alarm dahil dinatnan si Jackie while she was in the shower. Abot ang iyak nito dahil dissapointed siya dahil hindi pa niya mabigyan ng anak si Eli. Okay lang naman kay Eli (dapat lang na okay lang no!).

Naroroon sa labas si Veronica sa inaguration ng bangko ni Fidel. May naglagay ng bomba sa loob ng gusali at sumabog ang bangko. Natumba si Veronica dahil sa lakas ng pagyanig. Inalis si Fidel ng mga tauhan niya sa scene. Napanood nina Monique, Gloria, Corazon, Tomas (not in the same room obviously) ang pagsabog sa balita.

Nakaramdam ng matinding sakit sa tiyan si Celine. Gusto ni JB na magpatingin si Celine sa doktor pero nagdahilan si Celine at sinabi niyang may nakain lang siya na nagpsama sa tiyan niya. Akala ni JB buntis si Celine kaya nagsasaya ito at sinabing kailangan nilang madaliin ang kasal at engagement nila.

Pag-uwi ni Lena, napansin niyang may pasa ang nanay niya (dahil sa pagkakatumba before) pero sinabi ni Veronica na naulog siya sa imburnal. At first nagtatawanan sila hanggang sa naiyak na si Lena at sinabi sa nanay niya ang muntik na panggagahasa sa kaniya ng customer niya. Naiyak naman si Veronica sa nangyari sa anak. Hindi raw ito ang pangarap niya para sa anak at humihingi siya ng pasensiya kay Lena. Sinabi niya sa anak na hindi na ito babalik sa trabaho niya. Saan naman daw kukuha ng pera para makapagpatuloy siya sa pag-aaral niya ng nursing? Sinabi ni Veronica na malapit na niyang makamit ang pangarap niya. Nasense ni Lena ang binabalaj ng ina kaya sinabi niya dito na huwag na niyang simulan ang balak.

Umuwi na sa Pilipinas sina Eli at Jackie dahil sa nangyari sa bangko. Nagalit si Fidel kay Eli dahil hindi nito naclose ang deal sa kausap nito sa negosyo. Later nagsorry si Fidel sa panenermon niya kay Eli.

Nagtatalo sina Lena at Veronica. Twenty five years na raw siyang walang ina, hindi na raw niya kakailanganin ng isa. Sinabi ni Veronica na ang ama lang nito ang makakatupad sa pangarap niya. Tumanggi pa rin si Lena.

Ipinapalabas ng media na kaya pinasabog ang bangko ni Fidel ay dahil wala raw itong konsensiya. May sinasabing muntik na raw magpakamatay ang asawa ng isa sa mga may utang kay Fidel kay bangko pero hindi pa rin niya ito binigyan ng palugit at bumagsak ang kumpanya nito. Sinabi ni Jackie sa ama kailangan nilang gumawa ng paraan para makita ng tao na hindi talaga sila masama.

Habang ninigarilyo si Veronica sa labas ng bahay nila. Naalala niya ang nakaraan nila ni Fidel:

Prostitute si Veronica at nabuntis siya ni Fidel pero ayaw maniwala nito. Kahit na lumuhod pa si Veronica sa harapan ni Fidel. Tinapunan lang siya ng pera ni Fidel.

Noong nakaratay sa ospital si Fidel (dahil sa nangyari sa kanila ni Oca), pinuntahan siya ni Veronica sa ospital. Narinig ni Veronica na sinasabi ni Fidel ang pangalan ni Monique noong natutulog ito. Nahurt naman si Veronica diyan. Nagising si Fidel at sinabi ni Veronica na matagal na silang hindi nagkikita at 20 years old na ang anak nila. Pinalayas siya ni Fidel sa ospital, hindi raw niya kikilalanin ang anak nito. Kaya galit na galit si Veronica sa kanya.
Pumunta si Veronca sa ospital kung saan nagkakawangga sina Jackie at Celine. Nagpanggap ito at sinabing idol ng anak niya si Jackie. Humingi ito ng pabor kay Jackie at hiningi niya na dalawin ni Jackie ang anak niya. Ipinakuha ni Jackie ang address ni Veronica sa secretary niya…

8 Tugon to “Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik, Episode 01”

  1. No Car Says:

    Thanks PTVJ sa blog, I’m at work didnt got a change to watch. Buti na lang nadyan ka! I love you…..😉

  2. annedito Says:

    GALIT AKO SA BOOK 2!!! papatayin nila si celine (iyak ako). the way they set up the plot, she’ll end up with terminal illness tapos patay na siya! that makes me mad! i guess i can take comfort knowing that anne curtis will be the bida sa “the wedding”. pero galit pa rin ako…she’s the best character on the show. CELINE AND JB FOREVER!!!!!! okay lang if they kill her, i can watch my other shows when the hollywood strike is finally over…hehe

  3. ptvj Says:

    Nocar, walang anuman. hindi ko nga agad na-update dahil gumala pa ako😀

    annedito, oo nga! kaya siguro kasama na rin si toni.😦

  4. annedito Says:

    ayaw na ayaw ko pa naman kay toni. i mean, i really really DISLIKE her. hindi marunong umarte tapos feeling cute pa lagi…to think na linigawan daw siya ni sam milby. mukha naman siyang katulong ni sam. hay nako…

  5. allucarde Says:

    grabe!!! ang jologs jologs naman ng tawagan nung dalawang character… “ASAWA KO!!!” masuka suka ako dun ng mapanuod ko… nag mukha tuloy cheap ang character ni bea at john lloyd… sino bang scriptwriter nyan??? dapat yan tini terminate!!!! and to think hinayaan ng ABS CBN…

  6. dean Says:

    DONT KILL ANNE. the shows ratings will probably go down. Anne’s the best. Kill bea nalang wag lang Anne. Please ABS CBN, here us. were the viewers. i swear i’ll stop watching talaga. you could kill anne at the ending. wag lng ngayong start palang tpos ipapalit nyo si TONI? NO WAY!!! the show would suck less with Anne in it and it would sUCK a lot if she’s not. so please. i love the show coz annes there plus the story is nice. but killing her makes everything in maging sino ka man sucks. thanks. and please lang don’t kill celine.

  7. dean Says:

    DONT KILL ANNE. the shows ratings will probably go down. Anne’s the best. Kill bea nalang wag lang Anne. Please ABS CBN, hear us. were the viewers. i swear i’ll stop watching talaga. you could kill anne at the ending. wag lng ngayong start palang tpos ipapalit nyo si TONI? NO WAY!!! the show would suck less with Anne in it and it would sUCK a lot if she’s not. so please. i love the show coz annes there plus the story is nice. but killing her makes everything in maging sino ka man sucks. thanks. and please lang don’t kill celine.

    namali lng yung here us- lol. kasi nakakaasar eeee

  8. cez Says:

    tnx sa info… tagal q n d nakakapanod ng tv at tlga inaabangan q ang pagbbalik ng MSKM… kaso nagkataon naman sobrang bc aq s biz namin… galing ng naiisip m. (clap, Clap)…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: