Pangarap na Bituin, Finale (Episode 70)

by

Tinawagan ni fake Sapphire si Lena para sabihing alam na niya ang lahat. Ayaw pa ring umamin ni Lena sinabi nitong nakausap pa niya ang mga doctor ng tatay nito. Binabaan siya ng telepono ni fake Sapphire. Pinakiusapan ni fake Sapphire si Terrence, siya daw ang magsasabi kina Ruby at Emerald, iyon lang daw ang paraang alam niyang itama ang mga pagkakamali niya.

Natigilan sa pagkanta si fake Sapphire noong nakita niyang niyakap ni real Sapphire si Jade. Hindi na niya matiis kaya sinabi na niya sa harapan nilang lahat na hindi siya ang totoo nilang ate at itinuro si real Sapphire. Humingi ng tawad si fake Sapphire sa kanila. Bumaba sa stage sina Ruby at Emerald at niyakap si real Sapphire. Nagyakapan silang lahat ang nagpalakpakan ang audience. Habang naiwan naman sa stage si Bridget.

Sinabi nina Jeffrey at Terrence kung paano nila nalaman ang totoo.

Humingi ng sorry si Sapphire kina Jade dahil dapat daw hindi na siya umalis at hinabol ang tatay nila. Akala daw kasi niya maliligtas pa niya ito.

Sinugod ni Bridget si Lena at pinagsasampal ito (Yay!). Bumunot ng baril si Lena, sinabi nitong nagawa na niya before na bumaril, magagawa niya ulit pero hindi takot si Bridget. Mas mabuti nga raw na barilin na siya nito para makaparticipation naman siya sa fall ni Lena. Dumating ang mga pulis, hindi na nakatakas si Lena.

Magkasama sa iisang prison cell sina Alberta at Lena. Bwahaha. Inaway siya ng mga alipores ni Alberta.

Iniuwi na nina Emerald ang totoo nilang ate. Malungkot si Sapphire dahil naaalala niya ang tatay nila. Sinabi ni Jade na kung nasaan man ang tatay nila ngayon, siguradong masaya ito dahil nagkasama-sama na ulit ang Jewels sa buhay nila. Kumanta sila habang nasa higaan silang tatlo (dahil ayaw silang paalisin ni Sapphire).

Ipinakita iyong noong mga bata pa sila at masaya silang mag-anak.

Ipinagamot nila si Sapphire.

Binibisita pa rin ni Benedict si Alberta. Love-dovey na sila ulit sila. Sinabi ni Benedict na kahit gaano pa siya katagal sa loob maghihintay ito. Nag-I love you pa siya.

Si Lena naman ang bitch ng mga kakosa niya. Hehehe.

Habang si Jimbo gumagawa ng mga arts and crafts sa preso at inilalagay niya ang pangalan ni Terrence sa bawat nagagawa niya.

Patuloy naman ang pag-usbong ng career ni JT.

May talk show na si Berns.

Mukhang mag-partners naman sina Chorva at Cocoy sa pagmamanage ng mga careers nina Emerald pati na si Jeffrey.

Nag-we-waitress naman si Bridget. Napanood niya ang performance ng mga Jewels at may ultimate reunion ang Real Jewel Sisters.

Sa concert nila, kasama ni Ruby si Jeffrey sa stage sa isa sa mga numbers niya. (Sabay flashback ng gma pinag-daanan nilang dalawa). Nagpropose pa ata si Jeffrey. Lol. Sikat na sikat na sila pati na sa Japan may fan base ang dalawa.

Ipinakilala naman ni Emerald si Terrence bilang pinakamahalagang tao sa buhay niya at bestfriend niya. Nag-duet sila. (May flashback din sila ng past nila.)

Nag-speech si Emerald, tungkol sa hindi pagkakawala ng pag-asa, etc. etc.

Kinanta na nila ang The Jewel Song.

Nanonood sa audience si Bridget.

Bumaba sila sa stage. Kinuha ni Sapphire sina Perla at Jade, si Emerald kinuha si Cocoy at Chorva, Si Ruby kinuha si Berns. Bumaba ulit si Ruby para kunin si Bridget. Kinuha naman nina Berns mula sa backstage sina Jeffrey at Terrence. (Pangarap na Bituin na ang kinakanta nila dito).

Ipinakita sila as the young Emerald, Sapphire and Ruby (hindi siya flashback, though…dahil nakagown sila kagaya ng mga suot ng mga grown up Emerald, Sapphire, at Ruby).

The End.

(Mamaya na ako magko-comment. Nasa school pa ako. hindi ko lang kayo matiis. Uuwi muna ako, gutom na ako😈 )

17 Tugon to “Pangarap na Bituin, Finale (Episode 70)”

  1. Jerome Says:

    Beautifull ending!!

    Sana may Part 2 pa di ba?!

    Andaming puwedeng maging sequel dito…

  2. Me on the GO! Says:

    first to comment! i admit medjo nice ang ending.. napatawad din nila si bridget sa kabila ng panlolokong ginawa nya. that made me teary eyed. MSKM book 2 na!! yeheyyy!

  3. nawawala Says:

    ibig sabihin ba non sila na ulit ni emerald at terrence o bestfriends lang?? di ko pa napapanood pero di ko na matiis magtanong!! hehe

  4. Sam Says:

    salamat sa lahat. parang masyadong masaya yun ending, or is it just me? lol, not to worry. we all like a happy ending! kain ka na!

  5. jeckyll27 Says:

    ahahaha! napanood ko ito kagabi. the best. hahahaha!

  6. PNBaddict Says:

    I’m confused too….i love the ending..Jeffrey and Ruby are so cute but as for Emerald and Terrence…I expected more than the duet…are they just best friends na lang?!! they should have added more to them, kasi sila ang main characters eh..cute naman yung duet though…very sad but very happy at the same time….
    i wish there was part 2, but wala naman pinakita na preview or something =S
    i would like to see the future even though you kind of know what’s going to happen already…u know there’s still things like when Alberta gets out of prison, and will Terrence and Jimbo ever have that father and son relationship..and ofcourse, will Terrence and Emerald ever get married..u know that ring he gave her! sorry guys, i keep bringing up that ring! lol

  7. nawawala Says:

    PNBaddict– bakit nga ba kinalimutan na yung singsing no? at inechepuera na nila yung terrence-emerald love story.. ano kaya yun!! masyadong maraming kontrabida scenes kaya napabayaan na sila! =( bitin tuloy! buti pa si jeffrey at ruby eh maraming pampakilig.. hay naku…

  8. nawawala Says:

    pero ok pa rin naman ang ending kahit papano.. yun nga lang, bitin.

  9. safiya Says:

    Gusto ko ending!!! Medyo bitin ako sa real sapphire. Singer ba yon? Sorry ha di na kse ako updated sa baguhan since 2003. Feeling ko magaling na singer si real sapphire. Lumutang ang acting ni Bridget (Rica P.) sa huli.
    Maraming salamat PTVJ kahit napapanood ko eh binabasa ko pa rin ang summary mo. Sana maipasa mo lahat ng final exams mo. siguro this time busog ka na! buuuuuurpp! hahahahaha

  10. maka-TerrenceEmerald Says:

    Thanks PTVJunkie for the updates…. You’re good at it. For me the best soap itong PNB because of Emerrence kilig moments kahit na nga bitin doon sa last episode…Bakit kaya tinawag pa na controversial ending ito?

  11. ptvj Says:

    salamat sa pagbabasa, mga kapatid🙂

    maka-TerenceEmerald, oo nga akala ko pa naman may mamamatay or may last-minute revelation…sus.

  12. PNBaddict Says:

    nawawala–yaa..wala pa na man “THE END” eh lol…like in Walang Kapalit diba?!

    maka-TerrenceEmerald& ptvj–so true, both of u are right, it seemed like they rushed it so that it will end before MSKM 2 starts..not that i’m not excited for it to come out, pero…bitin naman….if they’re finding a time slot for MSKM 2, di sana they ended PNB in a suspense and make part 2 and show it maybe when MSKM2 is done no?! =D

  13. ptvj Says:

    safiya, ya she’s a singer. wala na rin ako sa pilipinas nung sumikat siya. her name is nikki gil, she was on a coca cola commercial. search mo iyong commercial niya sa google.

  14. NoCar Says:

    Ending was great!!! Although it was kinda old school typical happy ending in Filipino Drama but in this case was still working. Audience were happy thats all important. Medyo bitin lang ng konti kanila Terrence, Emerald, and “the ring”. Sana madinig tayo ng PNB producer na kailangan magkaroon ng part2. Para kasing walang sense kung walang ending yung “ring” na binigay ni Terrence. And also biltin din kami kay real Sapphire isang episode lang siya talagang naging part the “the jewels”.

    About MSKM2 I am excited and nervous in the same time. Marami kasing bagong kontrabidang nakaiinisan natin for sure. Hummmp….. cant wait….🙂

  15. PNB FREAK Says:

    ETO MAY PROPOSE CONTINUATION AKO:

    Nakalabas na ang tatlo (ALBERTA, JIMBO, LENA) sa kulungan. Si Alberta syempre mabait na while si Jimbo nakalaya nga pero ang goal nya ay mapatawad sya ni Terence kind of like Pangako sayo (Yna and Amor male version)

    then ang jewels sisters may competition na mga singers din and ang nag mamanage behind them ay si Lena ang goal ni Lena ay makaganti kay alberta at sa jewels by ruining the relationships between ruby, emerald at ang mga anak ni alberta through flirtations ng mga bagong mga competition ng mga jewels and other plots that will make her plans come true

    tapos yung tunay na sapphire mag kakaroon ng relationship din sa isang celebrity or mayaman na guy and then si bridget ay magiging part ng family ulit kind of like chorva.

    tapos ang final episode will be mamatay si Lena dahil maaccidente sya habang tumatakas from Alberta, Jimbo and everybody. Tapos si Jimbo medyo accepted na ni Terrence. Tapos si Emerald and Terrence will have much closer relationship. Si Terrence nililigawan nya si Emerald and yung relationship nila will not as fast as before, they will grow and trust their love kahit anong hardship and complication ang ibato sa buhay nila…tapos ang final part ng story ay overview ng relationship ng everybody and all jewel sisters found love….

    finally natapos na rin ang paggamit kong word na TAPOS and tapos ng ang story and now I can say ~ THE END🙂

  16. PNBaddict Says:

    PNB FREAK, i lovveeee your continuation of PNB…maybe there’s “the ring” involved lol…..u know, hopefully Terrence can give her the ring ulit….geezz, kulang talaga noh?! wala pang Terrence and Emerald moments..if that was the finale, i expected something that would blow me away….pero, wala na man eh….yung concert lang and a little bit of foreshadowing in the future with Chorva, Mang Cocoy, Ruby, Jeffrey and even Buboy…but why not Terrence and Emerald….so i am a little bit dissapointed….i didn’t see the word “THE END” din eh so im just crossing my fingers..lol

  17. ara Says:

    hay nku..dpat my part 2 pra kna emerald at terrence tsaka bgyang buhay ang wkas pwede po b direk?mganda sna kya lng ndi q type ang wakas!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: