Pangarap na Bituin, Episode 69

by

Binisita ni Terrence si Jimbo sa preso para makilala daw niya ang ama niya. Pero ayaw ni Jimbo, sinabi niyang sa kanya man nanggaling si Terrence, ibig sabihin magulang na siya nito. Pag-alis ni Terrence, makikita ang lungkot sa mukha ni Jimbo.

Ipinagsabi na ni Ruby noong nagba-bonding sila sa living room nila na si Jeffrey si JT noong bumisita sina Jeffrey at Terrence sa bahay nila.

Bumisita si Emerald kay Alberta at humingi ng tawad si Alberta kay Emerald.

(Namiss ko iyong part tungkol kay Chorva, ano iyong nasa folder).

Patuloy pa rin ang sustento ni Sapphire kay Lena.

Masaya na ulit sina Terrence at Emerald together.

Sinabi ng staff sa mental hospital na konti lang ang isasama niya sa concert ng Jewel Sisters. Nagprisinta si real Sapphire na sumama with the promise na magbi-behave daw siya. (Duh! Dapat siya ang priority nilang isama dahil malapit siya kina Emerald).

Pag-uwi ni fake Sapphire, kinausap siya ni Jade. Sinabi niyang parang hindi niya kasama ang tunay niyang anak. Nagdrama si fake Sapphire. Humingi ng sorry si Jade, iba raw kasi ang nararamdaman niya. Humingi rin ng sorry si fake Sapphire masaya daw siya pero ayaw lang niya maging kagaya noong kay Lena dati. Bigyan daw siya ng panahon ni Lena.

Pagkatapos nilang mag-usap dumiretso sa kwarto si fake Sapphire at umiyak siya. Pilit niyang sinasabi na para sa kanya raw ito.

Ipinarinig ni Jeffrey kay Alberta ang kanta niya. Proud na proud naman si Alberta. Tanggap na ni Jeffrey na kapatid niya si Terrence. Hindi pa rin dumadalaw si Benedict kay Alberta.

Habang nag-e-ensayo ang magkakapatid, humingi ng break si fake Sapphire. Kinausap ulit siya ni Jade kaya akala niya nagdaramdaman pa rin si fake Sapphire sa pinag-usapan nila the previous night.

Kinausap ni Terrence si Benedict. Nagpapaalam ito dahil alam niyang hindi pa tanggap ni Benedict ang nangyari. Hindi pumayag si Benedict, labas raw si Terrence sa problema nila. Siya na raw ang nagpalaki kay Terrence kaya he’ll always be like a son to him. Nagyakap sila.

Nakakita ng resibo for cremation si fake Sapphire sa planner na naiwan ni Lena. Fake Sapphire confronted Lena about it. Pero siempre magdedeny si Lena. Sinabi niya buhay na buhay si Lena at hindi raw niya alam kung saan nanggaling ang resibo. Binigyan ni Lena si fake Sapphire ng contact number ng ospital na kinalalagyan ng tatay niya.

Sinabi ni Benedict kay Jeffrey na pinapayagan na niyang kumanta si Jeffrey dahil magaling daw ito. At saka pinanood na siya nito sa bar na kinakantahan niya. Nakumbinse nilang dalawin ni Benedict si Alberta.

Hindi makacontact si fake Sapphire sa number na ibinigay niya. Dumating si Emerald at tinanong si fake Sapphire tungkol sa phone bills ni dahil andaming calls sa Japan (engot sana ginamit mo cellphone mo). Itinanong ni Emerald kung may problema daw siya. Nagalit si fake Sapphire, pero biglang dumating sina Ruby at Berns at nagyaya na sila pa pumunta na sa benefit concert nila kaya hindi na sila nakaag-usap.

Nag-usap na sina Benedict at Alberta at sinabi na ni Alberta sa asawa ang lahat ng nangyayari.

Sinasabi ni real Sapphire sa mga nanood na mga kapatid niya ang kakanta. Naki-ride naman sila sa kanya. Nakita ni real Sapphire na dumating si Jade at nakilala niya ito. Tinatawag niya itong nanay at akala ng mga workers sa mental hospital ay hindi totoo ang sinasabi niya. Nakita siya ni Jade.

Itinanong ni Jade kay Chorva kung sino siya. Peo sinabi ni Chorva na huwag na siyang mag-aalala dahil may nag-aalaga naman sa kanya.

Nag-pe-perform na ang Jewel Sister.

Nakatakas si real Sapphire sa mga workers sa ospital. Nakihalo ito sa mga pumapasok sa concert hall.

Nalaman na nina Terrence na fake si Sapphire dahil sinabi na ni Alberta na pinipilit pa rin siguro siya ni Lena at ginagamit pa rin niya ang tatay nito bilang pain. Hindi ma-contact ni Terrence si Emerald kaya nagpunta na lang sila sa concert. Sinabi na rin ni Alberta kay Terrence na sabihin kay fake Sapphire na hindi na niya kailangang sundin si Lena dahil patay na ang tatay niya.

Pinuntahan ni Terrence si fake Sapphire sa backstage (during Emerald’s solo number). Tinawag niya itong Bridget at sinabi niyang alam na niya ang toto. Sinabi ni Bridget na alam niyang mali ang ginagawa niya at nagsisisi na nga siya sa ginagawa niya kaya lang ay buhay ng tatay niya ang nakasalalay.

Sinabi na ni Terrence na patay na ang tatay niya. Iyak ng iyak si Bridget…

Spoiler for bukas: Makakapunta si real Sapphire sa kinauupuan ni Jade at yayakapin niya ito at tatawaging nanay habang nagpeperform ang tatlo. Mahuhuli na rin si Lena.

Bukas pala mga kapatid, late ako ng konti sa update (mga 1am Philippine time), finals ko kasi. Wrong timing :twsited: .

9 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 69”

  1. Mums Says:

    Mystery ang character ni Chorva ha??????

  2. maya Says:

    hi just want to know the title of the song what Emerald was singing while Terrence is talking to Bridget backstage. thanks

  3. ptvj Says:

    maya, i was trying to recall as well. it’s on the tip of my tongue! agh…

  4. Me on the GO! Says:

    PTVJ, cguro nagaudition c chorvah as a singer… cguro tanggap sya sa audition kaya merong folder..??… di ko lng alam ever!

    d na ako makapaghintay sa mskm book 2.. !

  5. nawawala Says:

    yun ba yung “healing”??

  6. PNBaddict Says:

    oh, i think the paper that was in the folder was some kind of name certificate for Chorva..kasi, remember the show when Terrence went to find Emerald and Mang Cocoy in Boracay…Emerald was telling Terrence something about how Chorva keeps changing her last name..part of the family nga siya eh..parang Jewel Sister na rin..so Gomez na ang last name niya=)

    awww last episode tomorrow=S very sad..pero i’m glad things have worked out for everybody….Jewel sisters are going to be reunited at last..Terrence and Emerald are together ulit…one big happy familly =D

    love the daily updates ptvj..thanks!

  7. kaye Says:

    aww last episode tomorrow! i wish there was a book 2 or at least an extension of this one. i really like the real sapphire. i wish nikki got more scenes, she’s promising as an actress. the real sapphire is awesome; she’s a fighting spirit like emerald at mataray tulad ni ruby. hehehe. they really are sisters!

  8. Sam Says:

    whoa! Last episode tomorrow?!!?!? DANG that was hecka quick, wasn’t it?! maraming salamat sa pagupload mo. and good luck sa finals mo.

  9. Ay naku! Says:

    Thank u PTVJ for taking the time to give us vivid summary daily of PNB (with comments). At least for the past several months, our minds were lifted from everyday problems. Until then when the next Sarah Geronimo’s teleserye or project comes. It goes without saying, until Jericho’s project too.
    Thank u and take care all of you readers and commentators as well!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: