Pangarap na Bituin, Episode 68

by

Finally tinawagan na ni Emerald ang nurse. Dumating ang mga doktor, nurses, kasama na sina Benedict at Alberta. Nagising si Terrence at sinabi niya kay Emerald na si Lena ang bumaril sa kanya. Umalis si Lena at hindi na siya nahabol nina Benedict. Habang tumatakas si Lena tinawagan niya si fake Sapphire at sinabing magtatago muna ito pero tuloy pa rin ang pagkukunwari ni Sapphire at padadalhan siya nito ng pera or else tigok ang tatay niya.

(Bakit kasi kumuha pa siya ng security e kayang-kaya naman niya si Lena.)

Ibinalita ni Emerald ang nangyari kay Jade. Natatakot namang pumasok si Jade sa kwarto ni Ruby sa ospital dahil hindi raw nito alam ang sasabihin niya kung naroroon si Ruby, baka raw hindi niya matanggap si Jade. Kaya si Jeffrey na lang ang pinapunta niya don. Inassure naman siya ni Emerald na nabigla lang si Ruby. Niyakap ni Jade si Emerald pati na si fake Sapphire.

Nagising na si Ruby (sabi kasi ni Jeffrey gumising na ito or else baka mainip siya at kay Abby na lang siya😆 ). Sinabi na ni Jeffrey na totoo talagang nanay niya si Jade. Hindi pa raw siya handa na harapin si Jade. Nakalabas na ito ng ospital.

Noong nagkita sila ulit ni Jeffrey, matamlay pa rin ito. Nagmukha raw kasi siyang tanga at naniwala kay Lena. Inaway-away pa niya ang ate niya. Sinabi ni Jeffrey na hindi namahalaga iyon, at least hindi ngayon alam na niya kung sino ang tunay niyang pamilya. Siempre binigyan siya ng words of wisdom ni Jeffrey.

Pag-uwi ni Ruby (LOL saan sila nagkita ni Jeffrey? Ibig sabihin nagdate muna siya bago siya umuwi?) nagyakap sila ni Jade.

Iyakan ulit… .

Mula noong gumising si Terrence, hindi pa siya dinadalaw ni Alberta. Hinahanap na siya ni Terrence. Tinawagan si Benedict para sabihing pumunta na siya doon. Sinabi ni Alberta na busy lang siya. Pagbaba ng phone, umiyak ito ng umiyak.

Dinalaw ni Emerald si Terrence. Sinabi ni Terrence na ayaw niyang makulong si Alberta pero ano raw ang sasabihin niya kapag kinuhanan siya ng statement ng mga pulis. Sinabi ni Emerald na sabihin niya kung ano ang tama…kung ano ang tama para sa kanya.

Habang kumakain household ni Emerald, nagbibiruan silang lahat pero tahimik lang si fake Sapphire at napansin iyon ni Jade. Sinabi niyang pinagmamasdan lang daw niya sila kapag nagtatawanan.

Nakauwi na rin ng ospital si Terrence at kahit doon ay iniiwasan siya ni Alberta. Pero sinabi ni Benedict na pupunta ang mga pulis doon at kailangan naroroon din siya. Ni-rehearse ni Benedict si Terrence para ready siya sa mga tanong ng mga pulis. Ayaw sabihin ni Terrence kung sino ang 2nd woman na naroon.

(Sana sinabi na lang ni Terrence na walang ibang babae doon since boses lang ang naririnig ni Perla.)

Hindi na makaya ni Alberta ang ginagawang pagtatanong ni Benedict. Kaya inamin na niya ang lahat lahat. Sinabi na niya na siya ang babaeng naroroon. At siya rin ang nag-hire kay Lena para magkunwari. At anak niya si Terrence.

Galit na galit si Benedict kay Alberta. (Bakit kaya hindi niya sinabing ni-rape siya ni Jimbo!) Inawat lang siya nina Terrence at Jeffrey. Nag-walk out si Benedict. Habang umiiyak lang sa isang sulok si Terrence. Samantalang si Jeffrey inaalo naman ang nanay niya.

Finally sinabi ni Terrence kay Alberta na kahit hindi pa niya sinasabi sa kanya ang totoo, ina na ang tingin nito sa kanya. Tinawag siyang mommy ni Terrence. Nagyakap sila.

Pinuntahan ni Terrence si Emerald at humingi ito ng sorry. Sana raw kung sinabi sa kanya ng nanay niya ang totoo, sana raw hindi na siya nasaktan. Sinabi ni Emerald na kahit maraming ginawang masama si Alberta sa kanya, alam nitong ginagawa niya ang lahat para lang kay Terrence. Sayang raw kung kelan niya nalaman na siya ang nanay niya doon pa siya mawawala.

Nag-ready si Alberta para sumuko sa pulis (she’s all made up tapos naka white siyang blouse with pearl earrings). Naaresto na siya (finger print, mug shots, etc). Nakulong na siya…

Kudos to John Arcilla and Cherry Pie Picache! Ang galing nilang umarte!

9 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 68”

  1. safiya Says:

    gusto ko yung scene ng pag-amin ni Alberta at yung galit ni benedict..di naman pala tanga eh…gusto ko rin yung pagsuko ni Alberta. Buti pa si Ms. A marunong umamin at sumuko samantalang si Victoria puro arte at paikot lang na kinukunsinti ni Albert. Hustisya hinarap ng mag-inang Alberta at Terrence pero ang mag-inang Victoria at Albert…walang ka-moral moral story!

  2. Sam Says:

    kailan ba matatapos ng series nito? parang malapit na, no? salamat sa lahat!

  3. Sleeplessinwgtn Says:

    Hi Sam,
    The teleserye is ending on Friday, so 2 more episodes to go and it’s bye…bye… to the Jewel sisters.

    Na-accelerate iyong turn of events in the last 2 weeks, ano?

    Thanks to PTVJ for the consistent postings of each episode synopsis.

    Cheers!

  4. hanna javier Says:

    ang galing talagang umarte ni cherry pie picache…. halos lahat kameng magkakapatid nadala sa acting niya…hehe…pati si sarah ang galing din!!!!

    BAGAY SINA JEFFREY AT RUBY….!!!1

  5. PNBaddict Says:

    omg..this episode made me cry. I couldn’t believe that Terrence forgave Alberta that quickly eventhough she is his mom… and he should not have apologized to Emerald. Si Alberta sana, afterall that she has done to her. GRRRR..oh well, she’s getting what she deserves.
    I’m so sad that it’s ending…this is the only show i watch everyday. I just only hope that Terrence and Emerald decide to try out their relationship again. I mean, what happened to the ring that he gave her?! she needs to wear that on her finger lol

  6. NoCar Says:

    Correct kayong lahat magaling nga si Miss A and and Tito Benedict dito. Itong episode pa lang ito ang may heavy dramang may sense.

    Sana lang ganito rin kaganda pag na buking na si fake Sapphire and pag nakilala na si true Sapphire.

    Si Lena mahuhuli pa kaya sya? wish ko lang bongga rin sana ang pagkahuli niya.

    Parang engot lang ang acting nila Jade and Lola Perla dito. Pang finalle pa naman siya parang walang kwenta at mababao ang acting.

    Also Erpats and Papi Berns wla na rin sila big eksena dito. Kawawa nanaman siya sila pa naman ang bida sa mga ‘d Jewels noon.

  7. Mums Says:

    Dalawang araw na lang hindi pa nakikilala ang true Sapphire. Parang masyadong maraming artista dito ngayon, yung iba tuloy wala ang papel.

    I can not wait this to end. Para MSKM2 na!!!!

  8. Me on the GO! Says:

    oo nga naman mums… 2 days na lang d pa rin nakikilala ang totoong saphire.. but i guess, c rica ata ang totoong saphire.. ksi dba c rica ang nasa CD album ng pangarap na bituin.. at ndi c nikki gil??? sey niooo???? kung c nikki gil ang nasa picture ng CD album eh di sya nga ang totoong saphire.. hayy ewan ang gulo! lols :))=))

  9. nawawala Says:

    bumawi itong episode na ‘to sa lahat ng ka-eng-engan na nangyare before. hehe!! naiyak ako sa pag-arte nila alberta at benedict! ang bigat!!! tsaka gusto ko yung part na pumasok na si alberta sa kulungan, slowmo pa tapos humawak sa rehas at pumikit… ganda non!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: