Pangarap na Bituin, Episode 67

by

Sinabi ni Lena sa mga “anak” niya na dahil sa nangyari kay Terrence, narealize nilang maiksi ang buhay kaya ipinapangako niya na makikita nila kung gaano sila kaimportante sa kanila. Si Ruby lang ang excited.

Dinalaw ni Emerald si Terrence at umiiyak si Emerald. Siya lang daw kasi ang kakampi niya dahil wala na raw naniniwala sa kanya. Sinabi rin niyang sa puso niya si Perla talaga ang lola niya pero paano raw kung nagkamali na naman siya. Kailangan daw niya si Terrence.

Pinuntahan ni Emerald si Jimbo sa preso. Itinanong niya kung bakit niya kinidnap si Perla. Sinabi ni Jimbo na hindi niya alam ang lahat pero ang alam niya pero, oo, sina Lena at Alberta ang mastermind ng kidnapping. Natatakot daw si Lena na kapag lumitaw si Perla, buking si Lena sa mga pinaggagawa niya. Bago umalis si Emerald, kinumusta ni Jimbo ang kalagayan ni Terrence (bakit daw gusto niyang malaman, sabi ni Emerald. Masama raw ba ang mangumusta, sagot naman ni Jimbo). Binalaan na rin ni Jimbo si Emerald na mag-ingat siya kay Lena dahil likaw ang bituka nito at bantayan na rin niya si Terrence against Lena dahil baka anong gawin nito sa kanya.

Wala pa ring pagbabago ang kundisyon ni Terrence sabi ni Jeffrey kay Emerald. Nagsisisi si Jeffrey dahil kung sumunod raw siya kay Terrence noong gabing iyon baka raw hindi ito nangyari sa kanya. Sinabi rin ni Jeffrey kay Emerald ang sinabi ni Terrence sa kanya, na hindi si Lena ang tunay nilang ina. Nalaman ni Jeffrey na alam na rin ni Emerald at tinanong nito kung bakit nakatira pa sila kasama si Lena. Sinabi ni Emerald na huwag daw itong mag-alala, alam niya ang ginagawa niya at wala na raw masasaktang tao si Lena.

Binigyan ng regalo ni Lena sina Berns, Cocoy at Chorva. Napag-usapan din nila na may Christmas special sila sa New Haven Hospital. May nag-doorbell, dumating sina Jade at Perla. Sinabi ni Jade na layuan ni Lena ang mga anak niya.

Tinawagan ni Jimbo si Benedict. Sinabi niyang hindi na joke ito at kailangan ng makinig ni Benedict sa kanya.

Sinabi ni Jade na siya ang totoong ina nina Emerald. Tinanong ni Jade kung hini na raw ba siya namumukhaan ng mga anak niya? Sinabi ni Emerald na siya, naniniwala siya na si Jade ang tunay nilang ina. Naguguluhan naman si Ruby. Ano raw ang pruweba nila sabi ni Jade, sinabi ni Perla na ang mga pictures daw na alam niyang ninakaw ni Lena ang pruweba nila.

Nagkagulo sila, tumakbo si Ruby papalabas. Nabundol siya ng kotse.

Tinignan ni Lena ang pictures na ninakaw niya kay Perla at naconfirm nila Lena at Sapphire na si Jade nga si Jade. Sinabi ni Chorva na naaksidente si Ruby.

Nag-usap sina Jade at Emerald. Sinabi niya na magaan ang loob niya ka Jade, hindi raw niya naramdaman iyon kay Lena. Natatakot raw siya na baka magkamali siya. Nagyakap sila at ginawa ni Jade iyong ginagawa niya sa tenga ng mga anak niya noong bata pa sila (na natutuhan niya from Perla). Sinabi ni Emerald na walang ibang gumagawa sa kanya noon kung hindi ang nanay niya. Nagyakap sila ulit.

Tissue please…

Sinabi ni Jade ang mga naaalala niya: na naglalaro si Emerald noong nasugatan ito, Hinabol niya si Sapphire at nakita niyang hinihila ni Sapphire si Carlo at nahulog si Carlo sa bangin. Paggising niya sa ospital, isang taon na ang nakakalipas. Ang tagal na raw niyang hinanap ang mga anak niya pero hindi siya nawalan ng pag-asa. Sinabi ni Emerald na hindi rin siya nawalan ng pag-asa, at nagyakap na sila. Nakatanggap ng tawag si Emerald.

Pagdating sa ospital nina Emerald, Perla at Jade, naroroon na sina Jeffrey, Berns (na umiiyak at inaalo ni Jeffrey), Cocoy, Chorva, Lena at fake Sapphire. Nagalit si Lena kay Emerald dahil sumama ito kina Jade at akmang sasampalin na sana niya ito pero pinigilan siya ni Jade.

Sinabi ng doktor okay na si Ruby pero maraming dugo ang nawala sa kanya. Type A si Jade at Type O si Lena so pareho silang nagdonate ng dugo.Nag-aaway sila kung sino ang magdodonate ng dugo, kaya sabi ng umiiyak na si Berns na since nag-aaway din naman sila, pareho na lang silang kunan ng dugo.

Kinuha ni Jade ang bulak na ginamit ni Lena pagkatapos nilang magdonate ng dugo. Sinabi niyang ipapa-DNA test daw niya ito (Lol, buti pa ang nanay may utak). Walang nagawa si Lena.

Sinabi ni Jimbo kay Benedict na siya ang dating boyfriend ni Alberta. Kahit na noon daw sila na, may namagitan pa rin sa kanila. Tinutuya ni Jimbo si Benedict, kaya niya sinuntok si Jimbo at umalis na ito.

Habang binabantayan ni Alberta si Terrence, sinabi niyang kasalanan niya kung bakit naroroon siya. Gusto lang daw niyang mapatumba ang kumpetisyon, kagaya ni Emerald at inaagaw daw kasi ni Emerald si Terrence sa kanya. Nagpadala daw siya sa galit at emosyon niya. Sa halip na protektahan daw siya nito, nagpadala siya sa galit.

Alam daw nito na paggising niya, masasabi na raw nito ang tunay na nangyari at makukulong daw siya. Pero mas pipiliin na raw iyon basta mabuhay lang daw siya.

Sinabi ng fake Sapphire na tigilan na nila ang pagkukunwari nila dahil malapit na silang mabuko. Inutusan ni Lena si fake Sappire na nakawin ang blood sample niya sa bag ni Jade. Pag-alis ni fake Sapphire, sinabi ni Lena na siya na ang bahala kay Terrence.

Galit na hinarap ni Benedict si Alberta tungkol sa nalaman niya kay Jimbo. Huwag na raw daw muna nilang pag-usapan iyon pakiusap ni Alberta. Pumayag si Benedict, pero sinabi niya na once na nalaman niyang niloloko siya ng asawa niya…

Pinuntahan ni Lena si Terrence at pinatay niya ang machine na nakakabit sa kanya. Dumating si Emerald at sinabi ni Lena na namatay daw ang machine. Ayaw maniwala ni Emerald na kusa na lang namatay iyon dahil gusto daw ni Lena na hindi na magising si Terrence. (E kung tumawag kayo ng doktor kaysa mag-argue kayo diyan… .)

Naghingalo si Terrence…

10 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 67”

  1. NoCar Says:

    Yung machine na nakakabit ka Terrence sa normal na buhay nag aalarm yoon sa nurse station kapag nagalaw. Ang besides hindi iyon napapatay basta basta lang. ginagawa talaga tayong enngot ito eh sila ang sobrang enngot!!!!

  2. nawawala Says:

    t*ngina naman o! ba’t di pa agad tumawag ng pulis at sinama ang pulis pag punta nila jade sa bahay!!! bakit malaya pa rin ang gagang lena!!! ANO BA YAAAAAAAAN!!!!!!!!!

  3. queen Says:

    Ano ba naman, puwede naman kaya na sila na lang ni Emerald ang magpa-DNA at di na nila kailangan si Lena. Ito naman si Jimbo, ang dami dami pang sinabi sana sinabi na lang niya na anak nila ni Alberta si Terrence. At tsaka si Emerald, nakita na ngang naghihingalo si Terrence, di agad tumawag ng doktor. Hay naku, tatlong araw na lang, sana matapos na ang gulo para marami pa silang araw na magkakasama na masaya na wala ang mga kontrabida.

  4. cheesygarcia Says:

    nakakatawa nagpapakahirap sila sa bulak na yon, e nakuhaan na nga ng dugo si lena diba, edi sana yun na lang ang gamitin para sa DNA test😀

  5. mhe Says:

    nagdadalawang isip lumabas si emerald kasi naman baka tuluyan na ni lena, hindi naman lalabas si lena

  6. myra Says:

    hahaha, gaano ba kalapit ang canada at ang bilis namang nakabalik ni perla?

  7. safiya Says:

    natatawa ako sa mga comment nyo….hala, nakikinuod lang kayo magaling pa kayo sa director…bwahahahahaha

  8. Me on the GO! Says:

    ang ganda talaga ng blog mo PTVJ.. d gaya ng ibang blog na sobrang OA!

  9. queen Says:

    Myra, oo nga. Bakit kailangan pa nyang bumalik sa Canada? Bakit di na lang pinasunod si Jade o kaya sabay na silang nagpunta at dala-dala lahat ng ebidensiya na sinasabi nilang meron sila. Bakit kailangan pang magpabalik-balik. Dapat may dala may lawyer na agad sila. Puro drama, ginagawa namang tanga ang mga manonood. Grrr!

  10. ptvj Says:

    huminahon kayong lahat😈

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: