Ysabella, Episode 116

by

Nakarating na sina Albert at Christina sa mansion ng mga Amarillo. Kasunod nilang dumating sina Lima at Tingloy.

Sinabi ni Ysay kay Mito na huwag ng bilhin ang Victoria’s Corporation dahil ayaw na niyang maging komplikado ang buhay nila. Hindi sang ayon si Mito sa gusto ni Ysay.

Ayaw tanggapin ni Victoria na may anak si Andrew at pilit niyang pinapalayas sina Christina, Tingloy at Albert. Hindi pumayag si Albert na umalis sina Christina at kahit na ayaw ni Victoria, doon pa rin niya pinatuloy ang mga ito.

Kahit si Trining, pilit kinukumbinse si Ysay sa gusto ni Mito. Nasaan na raw ang fighting spirit ni Ysay? Sagot naman ni Ysay, ayaw na lang niya ng away, kahit hindi siya ang nag-umpisa.

Nagtalo sina Jordan at Mito dahil kay Lima. Ayaw pa ring tanggapin ni Mito na mahal ni Jordan si Lima. Nag-quit si Jordan sa kumpanya nila.

Nakaupo at umiinom si Mito, naiisip niya ang problema nila ni Jordan at ang hindi pagkakatuloy ng pagbili niya sa Victoria’s Corporation. Dumating si Victor para ibalita na nabulilyaso ang deal nila at hindi na mabibili ni Mito ang vidal Corporation (na gagamitin sana niya para bilhin ang Victoria’s Corporation). Pero sinabi rin niya na karamihan sa mga board members ni Victoria ay willing ibenta ang mga shares nila sa Victoria’s Corporation.

Kahit ayaw ni Ysay, itutuloy pa rin daw ni Mito ang pagbili kahit ayaw na ni Ysay…

(Yawn. Feeling ko ito ang magiging dahilan ng pag-aaway nina Ysay at Mito…para lang sila ni Albert ang magkatuluyan…🙄 .)

7 Tugon to “Ysabella, Episode 116”

  1. donya Says:

    thanks for the update. Maybe, tama ka. Ito ang magiging dahilan para mag-away sina mito at ysay para in the end cla ni albert sa ending. Pero kung titimbangin mo ang mga eksena, mas maraming atraso ang mga amarillo kay ysay, samantalang si mito eh ‘yong pag-iwan nya lang kay ysay noon na hiningi nya na ng tawad kay ysay. Pero kung ang gusto nyo eh si albert at ysay, bahala na lang kayo. Ngaun pa lang STOP na ako sa panonood ng ysabella. Sa totoo lang nagtityaga lang ako ng puyat kc akala ko sina Ysay at Mito sa ending. Hapi viewing at puyatan na lang sa inyo, he he he.

  2. NoCar Says:

    Kawawa naman itong mga teleseryeng ito. lalong pumapanget at nakakawalang gana. Hoy ABS-CBN. Baka lumipat na kami sa GMA kapag laging baduy at none sense ang mga kwento nyo lang kwenta.
    ZZZZZZzzzzzzzz…

  3. queen Says:

    Sinabi mo. Pilit gumagawa ng conflict between Mito and Ysay para lang magalit si Ysay kay Mito tapos di niya ito mapapatawad tapos magkikita uli sila ni Albert (na renewed Christian na🙂 tapos makakalimutan lahat ni Ysay na ang dami-daming kasalanan ni Albert at ng pamilya nito, tapos magkakabalikan na sila. The End. Kainis, ang babaw naman ng pag-aawayan nila ni Mito

  4. queen Says:

    Hindi na rin ako nanonood nito. Pumapangit na kasi, parang paulit-ulit ang kuwento, wala ng sense. Boring na. Ng dahil sa chicken na yan, di matapos tapos ang problema.

  5. hEaVEn Says:

    KEREK ka jan queen! ng dahil sa kinasal na manok… may namatay, may nakulong, may sumabog at mukhang aabutin ng isang taon ang istorya! haha! i religously watched this series for months kaya lang masyado nilang ineextend to the point of boredom… tapos pag last 2 weeks na, nagmamadali na sila na parang walang bukas! hayyyy…

  6. Miks Says:

    Dapat patayin nila si Mito kung gusto nila ng valid conflict para magkatuluyan si Albert at Ysay…kung pag-aawayin lang mababaw ngang reason yan – aminin na lang kasi na endi nya talaga mahal na si Mito ng matapos na…

  7. ptvj Says:

    miks, iyong episode yesterday (december 13), parang may networking business na gustong pasukin si mito tapos skeptical si ysay. baka iyon ang ikakabagsak ng business nila ni ysay at ang eventual fall out nila bilang magsyota…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: