Pangarap na Bituin, Episode 66

by

Hindi makapaniwala si Emerald na si Perla nga ang lola nila dahil marami raw nagpapanggap na mga kamag-anak nila, kaya hindi daw siya maniniwala kung walang ebidensiya. Sinabi ni Perla na naiintindihan daw niya si Emerald. Dinala na sa presinto si Perla para kunan ng statement.

Hysterical naman si Alberta habang nasa ospital ito dahil abot ang pag-aalala niya sa kalagayan ni Terrence.

Sigaw ng sigaw naman si Jimbo habang nasa preso ito at sinasabing si Alberta ang mastermind.

Kinompronta ni fake Sapphire si Lena noong mapanood ni fake Sapphire sa TV na nabaril si Terrence dahil sigurado ito na may kinalaman si Lena. Ginawang alibi ni Lena si fake Sapphire. Dumating ang mga pulis para kausapin si Lena.

Sinabi ni Perla na si Jimbo lang ang nakita niya pero may kausap ito sa ibang kwarto, sabi niya sa mga pulis na may kinakausap daw ito na isang babae. Kasama niya si Emerald habang kinukunan ito ng statement.

Nabigla naman sina Ruby, Berns at Cocoy sa balitang nabaril si Terrence noong sinabi ito ng mga pulis. Tinanong ng mga pulis kung kilala ni Lena sina Perla at Jimbo, pero siempre dineny niya ito. Sinabi ni fake Sapphire na magkasama sila ni Lena the whole time. Pero isinama pa rin ng mga pulis si Lena sa line up sa presinto. Ayaw sana niya pero sabi ni Cocoy, mabuti ng sumama siya dahil wala naman daw siyang ginagawang masama at para agad na siyang mawala sa listahan ng mga suspect.

Pati si Alberta, isinama ng mga pulis. Sasamahan sana siya ni Benedict, pero sinabi niyang wala siyang kasalanan kaya okay lang na siya na lang ang mag-isa.

Hindi na-identify ni Perla ang mga boses nina Alberta at Lena sa isang voice line up.

Itinanong ni Perla kung sino si Lena kay Emerald. Sinabi niya kay Emerald na hindi si Lena ang anak niya.

Noong maiwan sina Lena at Alberta na mag-isa, nag-away sila dahil sa pamamaril na ginawa ni Lena kay Terrence. Sinabi nitong ginawa lang niya ang nararapat or else mabubuking lang sila.

Nagkitakita sa ospital sina Alberta and family at sina Lena and “family.”

Sinabi ng mga doktor na natanggal na nila ang bala sa ulo ni Terrence at stable na ang kalagayan niya pero nagkulang daw ng oxygen ang utak ni Terrence at baka hindi na raw ito magising.

Sinabi ni Emerald na gusto niyang maniwala kay Perla. Naniniwala daw si Emerald kay Perla pero mahirap daw kumbinsihin ang mga kapatid niya. Sinabi ni Perla na may mga pictures ito noong bata pa sila at naroroon na din ang picture nina Jade at Carlo. Sinabi rin ni Perla na mag-ingat daw sila kay Lena dahil ito ang nagbigay ng address kay Perla where she got kidnapped. Babalik daw ito sa Canada at pagbalik niya dala na iya ang katibayan na totoo ang sinasabi niya.

Pag-uwi ni Emerald, curious na curious si Lena sa mga pinag-usapan nila ni Perla. Gusto ni Lena na mag-spy si fake Sapphire kay Emerald at alamin kung ano ang mga pinag-usapan nila ni Perla. Ayaw na ni fake Sapphire hindi raw siya kikilos until ipinakita ni Lena ang tatay niya pero sinampal siya ni Lena and sinabi nito na baka kung ano ang magawa niya especially now na leeg na niya ang nasa firing squad.

Sinabi ni Emerald kay fake Sapphire na sinabi ni Perla na siya ang lola nila pero hindi raw niya ito pinapaniwalaan. Masaya namang nakikinig si Perla sa usapan nila.Ibinalita ito ni Lena kay Alberta. Wala na raw silang problema dahil nasa kulungan na si Jimbo at umalis na si Perla. Sinabi ni Alberta na wala siyang pakialam.

Nasa Canada na ulit si Perla.

Ibinalita niya kay Jade na nahanap na niya ang mga anak niya…

7 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 66”

  1. nawawala Says:

    hay naku…. EWAN!! di na ‘ko makapaghintay!!!

  2. ptvj Says:

    heheh ako din. ang tagal naman bakit hindi pa niya isinama si jade nung nagpunta siya…sabagay 4 episodes pa may room pa sila para paikutin tayo.

  3. Selosa Says:

    hay naku, nakakainis na si Lena! nakakabadtrip ang muka nya kontrabida!!

  4. Mums Says:

    Ano ba yan……?????? Talagang wala na atang pagasa na magkabalikan sila Terrence and Emerald… Eh mukhang baldado na si Terrence. Eto naman Emerald parang walang pakialam kay Terrence hindi siya masyadong nagwoworry.
    Whatever…… tapusin nyo na ito dahil hindi na kami tatutuwa!!!!! đŸ˜ˆ

  5. NoCar Says:

    Nanunuod nalang kami kahit pangit na talaga ang kwento kasi curious na lang kami anyway pa tapos na ito. BWISSIT!!!!!!

  6. jd Says:

    to ptvj:
    i just want to thank you for having this site wherein we can do as you said kaokrayan. it always makes my day after reading all the comments. it just remind me of being with my sisters kung mag ookrayan kami about life when i go home to pinas for a vacation. deep down inside me talagang makapilipino pa rin ako kahit adapt na adapt ko na ang buhay tate pati some of may pag-iisip. there’s nothing like the philippines!!!!!!!!!! lalo na ang mga teleserye hehehe!

  7. ptvj Says:

    naku jd, walang anuman. naghahanap din ako ng outlet…ine-extend ko na lang sa internet ang inis ko. hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: