Pangarap na Bituin, Episode 65

by

Nag-second the motion naman si Ruby dahil gusto rin niyang tumira ang real Sapphire sa kanya. Pero hindi raw pwede dahil may mga special needs ang real Sapphire ayon sa hospital staff. Pwede langd aw tumira si real Sapphire sa pamilya niya. Pero pwede naman daw siyang ipasyal basta may kasama silang staff.

Sinabi ni Benedict kay Alberta na hindi umuwi si Terrence the night before kaya tinanong niya ang asawa kung nag-away na naman sila. Alam daw kasi nito na may mga pag-uugaling hindi ipinapakita si Alberta sa kanya at hinid lang niya ito pinapansin dahl mahal niya ito. Pero sa palagay daw niya ito ang sumisira sa pamilya nila. iempre may-I-defend naman si Alberta sa sarili. Sinabi ni Benedict na kung totoo iyon, nasaan si Jeffrey?

Pinuproblema ni Lena ang nalaman niyang umaayos ang isip ni real Sapphire. Gusto ring makita ni fake Sapphire ang tatay niya kaya mabuti pa nga raw na magkabukingan na kung hindi rin ipapakita ni Lena ang tatayniya sa kanya.

Masayang namasyal ang tatlong tunay na magkakapatid. Pagod silang nakatulog at nagi-guilty naman silang pinapanood ni fake Sapphire.

Inutusan ni Lena si Sapphire na lagyan ng pampatulog ang juice ni real Sapphire. Ayaw nitong pumayag dahil wala raw sa usapan ang pagpatay. As usual, ginamit na naman ni Lena ang tatay ni fake Sapphire para guluhin ang isip ni fake Sapphire.

Sinabi ni Jeffrey kina Benedict at Alberta ang na sinundan ni Terrence si Lena sa Bambang(?) at tinawagan niya si Jeffrey para sabihing fake nga si Lena. Nag-alala si Benedict at niyaya niya si Jeffrey sa presinto para magreport sa pulis. Nag-aalala rin si Alberta, pero siempre iba ang pag-aalala niya. Nagpa-iwan na lang siya sa bahay para raw sakaling umuwi si Terrence may maaabutan siya.

Dinalhan ni fake Sapphire ng juice at pagkain ang tatlo. Ininom ni fake Sapphire ang juice…pero hindi naman pala inilagay ni fake Sapphire ang mga pills na ibinigay ni Lena.

Gustong ipaligpit ni Lena ang mga witness. Pero siempre hindi naman papatyin ni Jimbo ang sariling anak kaya nagdadahilan ito. Tinawagan ni Alberta si Lena at itinanong kung naroroon si Terrence. Sinabi ni Alberta na pakawalan daw nila si Terrence. Ipinaliwanag ni Lena kay Alberta na nabuking na sila ni Terrence (kaya narinig na lahat ni Terrence ang totoo), pero sinabi pa rin ni Alberta na pakawalan siya.

Pagbaba sa telepono, sinabi ni Lena na sinabi daw ni Alberta na patayin sina Terrence at Perla.

Noong inihatid nina Ruby at Emerald ang real Sapphire, sinabi ni Emerald na baka hindi na sila makapamasyal bukas pero magpi-picknick na lang daw sila. Sinabi ni fake Sapphire na para daw iyong noong ginagawa nila noon(!) pero siempre hindi naman nila napansin iyon. Sinabi ni Ruby na isasama nila ang Ate Sapphire nila, nag-umpisa na namang ipilit ni real Sapphire na siya ang ate nila. Biglang dumating ang isa sa mga staff at naputol ang usapan nila.

Nagyaka ang tatlo bago nagpahing ang real Sapphire. Noong papaalis na sila, bigla silang hinabol ng real Sapphire at itinanong niya kung bakit daw nanay ang tawag nila doon sa babae sa bahay nila, e hindi naman iyon ang nanay nila.

Habang nasa sasakyan pauwi, iniisip pa rin iyon ni Emerald. Pero sabi ni Ruby na huwag na niyang i-over analyze ang mga sinasabi ni real Sapphire dahil nga may diperensiya sa utak. Tinawagan ni Jeffrey si Emerald para sabihing nawawala si Terrence after na sinundan niya si Lena. Alam daw nitong may masamang nangyari sa kanya kaya pupunta sila ng Daddy nila doon.

Siempre nag-alala si Emerald, iniuwi muna niya si Ruby at sinabing may gagawin daw siya.

Samantalang nag-aaway naman sina Jimbo at Lena at pilit na pinapapabaril na ni Lena si Terrence. Itinutok ni Jimbo ang baril kay Terrence pero naalala niya ang pagdududa niya na anak niya si Terrence. Kaya inalis niya ang pagkakatutok ng baril kay Terrence. Nagalit si Lena at inaway na naman si Jimbo, kaya bigla na lang siya sinigawan ni Jimbo at sinabing hindi niya kaya dahil anak niya si Terrence.

Nabigla si Terrence. Hindi lang daw siya kayang patayin nito kaya sinasabi niyang anak niya ito. Dumating si Alberta at sinabi niyang pakawalan si Terrence. At sinabi niyang pamangkin lang niya ito. Itinutok ni Jimbo ang baril at babarilin niya si Terrence since hindi naman daw niya anak ito kaya napilitang umamin si Alberta. Humingi ito ng tawad si Alberta kay Terrence dahil hindi ito nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ito sa kanya.

Tama na raw ang drama, sabi ni Lena kaya inagaw niya ang baril at binaril si Terrence, natamaan ito sa ulo.

Dumating ang mga pulis, narinig ni Lena ang mga pulis kaya tumakas siya. Tumakas na rin si Jimbo pero nahuli siya ng mga pulis.

HUmingi ng tulong si Jimbo kay Benedict dahil lawyer daw ito. At itinuro niyang mastermind si Alberta. Dinala na sa ospital si Terrence may ibinulong si Terrence kay Emerald bago ito umalis, pero hindi ko narinig.

Nagdahilan si Alberta at sinabi niyang naroon lang siya dahil tinawagan siya ni Jimbo dahil nanghihingi ito ng ransom for Terrece. Pitong milyon daw ang hinihingi niya. Naniwala naman si Benedict🙄 .

Nailigtas na rin si Perla, sinabi niya na siya ang lola ni Emerald at niyakap niya ito…

8 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 65”

  1. cheesygarcia Says:

    sana wag mamatay si terrence para mabuking si alberta😀 feeling ko ibablackmail ni lena si alberta kasi alam na niya yung big secret.

  2. nawawala Says:

    nadaplisan lang sana si terrence! todo-todo nang asar ko kung papatayin pa ng writers si terrence ah!! (ba’t kasi di umilag eh! alam na ngang nakatutok sa kanya yung baril!!)

    sobrang dami namang dahilan ni alberta!! talagang professional sinungaleng! bwiset!! may ganun kayaa talaga? kahit under pressure na magaling pa ren magdahilan?? tsk tsk!!

    at ngayong andami nang hint ng totoong sapphire, dapat seryosohin na ni emerald yan! naghahanap sya ng kakampi, ayan na o!

  3. Me on the GO! Says:

    hayy unti unti ng gumaganda ang story! i can’t wait na mabuking ang dalawang pekeng hitad na lena at pekeng sapphire na yan!! hmmph!

  4. all around the world Says:

    i wonder if the mom is still alive!

  5. nickki Says:

    hhhmmm naku baka ending mag ka amnesia c terrence:-O tapos dyan mag cmula ang book 2 hahay bitin ang terrencemerald lab team! sana ayos ayusin nila ang ending baka preho nung kila claudine and piolo, walang kakwenta kwenta, cnusubaybayan yun ng parents ko napapanood ko minsan specially nung malapit nang matapos naku disappointing ang ending!
    anywayssssssss🙂 5 episode nalang mag sasara na ang libro ng PNB. bilib din naman ako ke miss A, super cnungaling sya huh, pwede syang maging politician bagayyyyyyyy🙂

  6. safiya Says:

    bigla nga bumilis istorya muntik na akong mahuli sa kaganapan. LOL ang bait pala ni fake sapphire, tama yan witness sya sa kalokohan ni Miss A.

  7. mhe Says:

    wow masyadong mabilis ang mga pangyayari, pero sa lahat ng jewels sister, ung real sapphire ang gusto ko, teka wala ba siyang kalove-team dito? tungkol kay miss a. ano ba yan kahit lawyer napapaniwala niya sa mga kasinungalingan niya

  8. queen Says:

    Sobra naman ang Alberta na yan, ang bilis mag-isip ng isasagot. Harap-harapan niloloko ang asawa. Feeling niya di magsusumbong si Terrence? Sana magising si Terrence and sabihin niya lahat ang totoo. I hope maparusahan si Alberta sa mga kasalanan niya para naman may lesson ang story nito noh. Para kasing mas binibigyan ng power ang mga masasamang tao and ginagawang tanga ang mga mababait.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: