Pangarap na Bituin, Episode 64

by

Emerald did not take what Sapphire said seriously. Sinabi ni Emerald na kahit siya man ay kapatid na rin ang turing niya kay real Sapphire. Kinanta ni Emerald ang Jewel Song at tuwang tuwa si Emerald dahil ang galing naman daw niya dahil kakalabas lang daw noon at alam na niya agad. Sinabi ni real Sapphire na matagal na niyang alam iyon. Hindi raw naiintindihan ni Emerald na siya si Sapphire kaya alam niya ang kanta. Nagwala ang totoong Sapphire, natapon pa nga at nasira ang cellphone ni Emerald. Patuloy na nagwawala ang totoong Sapphire kaya sinabi ni Emerald na siya si Sapphire. Kaya sinabi ni Emerald na naniniwala siya na siya ang kapatid niya para tumigil.

Hindi alam nina Terrence at Jeffrey kung bakit nagkikita sina Lena at Alberta –at bakit nakadisguise pa si Lena. Nakita nilang inabutan ng sobre ni Alberta si Lena. Sinabi ni Terrence na susundan niya si Lena at pinasunod niya si Jeffrey kay Alberta.

Nalaman ni Sapphire na Lena booked another show kasabay noong dapat magso-show sila sa Japan. Dahil daw sa nangyari, may kinuha na ring iba ang mga promoters sa Japan. Sinabi ni Berns na mukhang ayaw talagang umalis ni Lena.

Nakita ni Ruby na natutulog ang real Sapphire sa kwarto ni Emerald noong pinuntahan niya si Emerald para manghiram ng charger. Medyo natatakot si Ruby dahil nga mental patient siya pero sinabi ni Emerald na hindi naman siya delikado. Unang kita palang daw ni Emerald sa kanya sa ospital, magaan na ang lob nito sa kanya. Siguro daw dahil Sapphire din ang pangalan niya. Inaminnaman ni RUby na mukha naman siyang mabait.

Nasundan ni Terrence si Lena sa bodega. Kinuha ni Jimbo kay Pearl ang mga pictures nina Emerald na dala-dala ni Pearl at ibinigay niya kay Lena. Nakita ni Terrence si Perla Ledesma (Ayan hindi na siya Gomez). Nakausap ni Terrence si Perla at nalaman niyang siya ang lola siya nina Emerald. Narinig ni Lena ang mga kaluskos ng ginawa ni Terrence kaya pinapunta niya si Jimbo para tignan kung ano ang ginagawa ni Pearl. Kaya hindi na siya nailigtas ni Terrence pero sinabi niya na babalik siya.

Tinawagan ni Terrence si Jeffrey at itinanong kung nasaan si Alberta. Sinabi ni Jeffrey na nakauwi na si Alberta.

Sinabi ni Terrence na tama ang hinala ni Emerald na hindi si Lena ang tunay nilang ina. Sinabihan niya si Jeffrey na sabihin kay Ruby ang totoo. Nawalan ng signal si Terrence kaya hindi na niya naipaliwanag kung bakit niya nasabi iyon. Hindi niya makontak si Emerald (dahil nga nasira ang phone niya). Tinawagan niya si fake Sapphire at sinabi niyang kailangan lang niyang makausap si Emerald, importante lang daw. Tinatanong ni Sapphire kung ano ang napakaimportanteng kailangan niyang sabihin. Sinabi ni Terrence kay Sapphire hindi si Lena ang tunay nilang ina. At sinabi na rin niya kung nasaan siya at kung ano ang nakita niya.

Samantalang nakausap naman ni Ruby si Jeffrey pero ayaw pakinggan ni Ruby ang mga sinasabi ni Jeffrey at panay ang talak nito. Dahil di ba galit nga siya kay Jeffrey.

Nahuli ni Jimbo si Terrence habang tumatawag ito sa pulis. Ayaw ipaalam ni Lena na pati si Terrence ay captive na nila. Gusto ni Lena na patayin na ni Jimbo si Terrence, pero sinabi ni Jimbo na hindi siya kikilos until sinabihan siya ni Alberta.

Fake Sapphire confronted Lena noong pag-uwi nito kinaumagahan tungkol sa hindi nila pag-uwi sa Japan at alam na ni Terrence ang totoo. Sinabi ni Lena na hindi na problema iyon, naayos na niya.

Tinanong ni Terrence na since Jimbo works for Alberta, e di may kinalaman din si Alberta sa lahat ng mga nangyayari. Sinabi ni Jimbo na huwag na siyang magtanong dahil baka raw ayaw nitong malaman ang lahat ng alam ni Jimbo tungkol kay Alberta.

Nag-aalala pa rin si Sapphire, pero sinabi ni Lena na lahat ng may alam ay nasa poder na nila at kahit daw ang totoong Sapphire baka lumulutang na sa Ilog Pasig iyon. Dumating si Ruby sa dining room at nag-set ng additional plate at masaya niyang sinabi na may bisita sila.

Bumaba sina Emerald at ang totoong Sapphire sa hagdanan.

Sinabi ni Lena na baka raw hinahanap na siya sa ospital. Nakausap na raw ni Emerald ang mga tao sa ospital at susunduin nila ito later on. Nagvolunteer sina Lena at fake Sapphire na sila na lang ang maghatid dito pero sinabi ni Emerald na okay lang daw iyon. Hindi nga raw daw niya alam kung bakit ang gaan ng loob nito sa kanya. Gustong manood ng real Sapphire ng TV at gusto daw niyang panoorin ang Jewel Sisters, kaya hindi na kumain sina Emerald at Ruby at pinapanood ito ng TV.

Gusto ng tumigil ni fake Sapphire sa mga deception nila, pero sinabi ni Lena na hindi sila mabubuko at ginamit na naman niya ang tatay ni fake Sapphire as a leverage.

Para daw tadhana na ang nagintervene sabi ng isa sa mga staff ng ospital, dahil si Emerald pa ang nakakita kay real Sapphire, noong sinusundo na nila ito. Sinabi ni Lena na tsamba lang daw iyon. Ayaw umuwi ni real Sapphire. Ayaw umalis ng real Sapphire dahil doon na raw siya nakatira kasama ang mga kapatid niya.

Tinanong ni Emerald kung pwede ba raw na doon na tumira si Sapphire…

15 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 64”

  1. nawawala Says:

    “talak” is a good word para i-describe ang pagdaldal ni ruby… bweheheheh!!! kung ayaw nyang makausap si jeffrey, eh baket sinagot pa nya yugn phone. bwiset na ruby yan!

    bakit ang dali naman maisip ni lena na pumatay ng tao? tsk tsk…

  2. safiya Says:

    buti na lang nabasa ko ito una ginanahan ako uli manood kse bigla bumilis istorya. LOL ayoko kse ng maraming twist nagkakalokohan na. Ubod ba ng tanga si fake sapphire para maniwala sa sabi ni Lena. Sa totoo lang kung ama mo na mahal mo may sakit na malubha di ka makukuntento na di mo sya makita kse gusto mo matiyak ok kalagayan nya di ba. Ano ba yan!!!! Sineryoso ko na naman ang teleseryeng Pinoy. LOL

  3. annedito Says:

    You think that nag-basa mga writers dito kaya pinalitan si Lola Gomez? lol

  4. ptvj Says:

    nawawala, oo nga grabe siyang magtatalak dun. sumakit ang ulo ko sa kanya. ang tanga namang si jeffrey, bakit hindi niya tinext? tsaka, tama ka ang sama naman ni lena no.

    safiya, korek ka diyan! if i were her i’ll be demanding more info at kukulitin ko siya ng kukulitin no.

    annedito, hahaha. dapat nilang mabasa ang mga comments dito para naman hindi nila ginagawang mga tangengot ang mga characters ng mga teleseryes.

  5. cheesygarcia Says:

    si terrence naman smart na sana at sinundan si lena, pero tama ba naman dun pa sa warehouse magtatawag ng tao?? e wala na nga siyang signal hindi pa rin lumipat ng lugar!

    pansin niyo si jimbo paboritong linya, “joke lang joke lang” LOL

  6. Mums Says:

    Matatapos na lang itong teleseryeng ito. Nananalo pa rin ang mga kontrabida. Bwissssit kayo!!!!!
    Ang mga bida karamihan tanga pa rin. Kakainis!!!! Ang Eengot!!!!
    Two weeks na lang ‘no. Sana maganda na lahat.!!!!!!
    Ayaw ko sa hahat yung last 2 days or last one day doon na lang gaganda tapos, END na. Kakainiiiiisssssss yon!!!!!!!
    HAAAAAAy!!!!!!!!!!!
    Biruin nyo last week na next week. Baka may bagong bida nanaman lumabas. Bukod sa Lola nila, Si Jade kaya buhay pa? Ang papel lang nila eh i meet at ma reunite sa “d Jewels sisters”.
    Eh ano na magigigng papel nila Papi Berns, Erpats at Chorva. Ngayon parang hindi na sila kasali. Diba malaking part sila sa buhay nila Emerald and Ruby noon umpisa? Ngayon parang wala lang sila at mukhang hindi na sila gannon importante sa kwento.
    Yung tutoong Sapphire, magiging matino ba ang pagiisip niya later? Lalabanan ba niya yung fake na Sapphire?
    Kasi nga dapat noon pa pinaganda na nila ang storya. Hindi ganitong laging LAST TWO MINUTES na lang!!!!!!!😈

  7. ptvj Says:

    cheesygarcia, natatawa din ako pag sinasabi niyang joke lang😈

    mums, oo nga sana naman matagal iyong masaya sila hindi iyong last minute na lang. siguro si sapphire gagaling din siya eventually, especially makikita na niya ang pamilya niya.

  8. nawawala Says:

    oo nga, mums! laging ganon no! tipong last two minutes ang banat! tsk tsk…

    tsaka kung ako nga si sapphire (fake) magdedemand akong makita ama ko, kung hinde, hindi ako kikilos!!! mag-gamitan sila, aba!!

    at oo nga cheesy, smart na sana si terrence eh kaso dun pa nagtawag! bwehehe!! kaso inisip ko na lang (binigyan ko ng excuse) na balak pa rin nyang iligtas si lola kaya andon pa rin sya sa mga oras na yon…

  9. repah Says:

    uy!!! ang ganda na nga ng pangarap na bituin ngayun…kala ko tlga si rica ung tunay na sapphire.. buti n lng c nikki gil.. pra mas bagay ang role.. hehe kakapanabik ng manuod talga.

  10. maka-TerrenceEmerald Says:

    I hope the remaining episodes somehow focus on Terrence/Emerald relationship. Magkabalikan na sana sila kahit na in the middle of all those problems and kontrabidas….Puede namang magsingit ng scenes in between di ba? There should be a confirmation of their love for each other kahit na short scenes lang on each episode. I’m sure the writers can do something about this now!!!!

  11. Ay naku! Says:

    Ay naku tama kayo lahat. They treat the viewers as engot kagaya ng mga characters they have created except si Emerald and real Sapphire. Please do not insult our intelligence. Bigyan nila dapat ang viewers with enough episodes that will end up happy not only for Emerald and Terrence but also for the Gomez family. We the viewers crave for happy episodes. Hindi iyong sa last day lahat ipakikita. Sana naman the whole of next week will be good ones.
    Wishful thinking!

  12. mbsclass Says:

    Hi ptvj, meron pa bang update even last week na.

  13. ptvj Says:

    mbclass, meron. teka lang pinapanood ko pa😀

  14. mbsclass Says:

    Thank you ng marami!!!!

  15. hanzzzz Says:

    hay sayang natapos na….:-( I love it soooooooo much… sana meron ng lyrics nung Jewel Song… la LSS ako sa kantang yun……. Good Job guys!!!!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: