Pangarap na Bituin, Episode 63

by

Hindi alam ni Lena kung ano ang sasabihin ni Lena kay Pearl. Hiningi nito ang address kung saan naroroon ang mga Jewel Sisters, napunta siya sa isang bodega. Pagdating niya doon, naroroon si Jimbo and she was held in captive.

(Ang tanga naman niya, e mukha namang napakadumi ng bodega. Feeling niya dun mag-re-rehearse ang mga apo niya?)

Gumawa ng charity project sina Emerald sa Jollibe nila ni Terrence (pero wala si Terrence!).

Sinamahan naman ni Ruby si Jeffrey na mamili ng mga gamit sa damit. May nakalimutang bilhin si Ruby kaya iniwan niya si Jeffrey. Nakita ni Jeffrey si Abby at nalaman ni Jeffrey na alam ni Abby na siya si JT. Nagpromise ito na hindi niya sasabihin sa Mommy niya. Sa sobrang tuwa ni Jeffrey nayakap niya si Abby. Nakita sila ni Ruby at nagalit at nag-walk out ito.

Nag-aalala si Sapphire dahil lalong napapalapit si Emerald sa mental hospital kung nasaan ang totoong Sapphire. Huwag daw siyang mag-alala sabi ni Lena. Paano raw kung kantahin ng totoong Sapphire ang Jewel Song. So ang ginawa ni Lena, sinabi niya sa tatlo na gusto niyang i-record at i-release ang Jewel Song. Ayaw ni Emerald dahil daw masyado iyong personal para sa kanya at iyon ang nagbigay ng hope sa kanya na magkikikita-kita pa sila. Medyo nakumbinsi naman si Ruby nina Lena at Sapphire.

Pinapabango ni Lena ang pangalan niya at inimbitahan niya sina Cocoy at Chorva sa bahay nila. Humingi pa ito ng tawad kay Cocy. Laking pasalamat ni Emerald kay Lena at niyakap niya ito.

May bago iniuutos si Alberta kay Jimbo at ibinulong niya ito. Sa ganoong tagpo sila nakita ni Benedict. Nagdududa na si Benedict na may ibang nangyayari. Nagalit si Alberta (defensive).

Sinabi ni Cocoy na mukha daw walang pinupuntahan ang mga hinala niya. Sinabi pa ni Chorva na wag na daw niyang guluhin dahil masaya na sila.

(Pucha naman bakit ba nabola pati si Cocoy. Ang tanga!)

Dahil walang ibang masabihan si Emerald, kaya kinausap niya si Terrence. Sinabi nitong naghihinala siyang may kinalaman si Alberta sa pagpapanggap ni Lena bilang nanay nila. Ayaw maniwala ni Terrence dahil hindi naman daw siguro masamang tao ang tita niya, pero napag-isip pa rin siya ni Emerald.

Nagpunta si Emerald sa mental hospital para dalawin ang totoong Sapphire at nalaman niyang nawawala ito. Humingi ng picture ni Sapphire si Emerald at tutulong daw ito sa paghahanap.

Palakad-lakad naman ang totoong Sapphire sa kalye habang hinahanap niya si Emerald.

Nasa balita na ang pagkawala ng totoong Sapphire at napanood ito ng fake Sapphire at Lena.

Pinapanood ni Jimbo ng TV si Pearl (o Perla?). Napanood niya habang kinakanta nila ang Jewel Song. Sinabi niya kay Jimbo na naaalala niya ang kantang iyon. Kapag narinig daw ito ni Jade siguradong mabubuhayan siya ng loob. Nabigla si Jimbo at itinanong kung buhay si Jade. Sinabi ni Jade na hindi raw siya buhay at imposibleng mangyari iyon (mukha naman siyang nagsisinungaling).

Niyaya ni Terrence si Alberta na magdinner with Jeffrey pero hindi raw ito makakapunta. Alberta asked Terrence to talk to Jeffrey para umuwi na siya.

May nakakilala sa totoong Sapphire bilang ang babaeng nawawala sa mental hospital at pinakain siya.

Medyo tuliro si Terrence dahil hindi maalis-alis sa isip niya ang sinabi ni Emerald na lahat ng tao may itinatago. Sinabi ni Jeffrey na totoo naman iyon. Niyaya niya si Jeffrey na sundan si Alberta.

Nakita ni Emerald sa studio ang totoong Sapphire dahil doon siya isinoli dahil hindi niya macontact ang ospital. Tumakbo papapunta kay Emerald ang totoong Sapphire at niyakap niya ito. Sinabi niyang huwag na raw siyang iiwan ni Emerald. Masaya silang nagyakap ulit.

Hindi pa rin macontact ang ospital at mukhang pagod na pagod na ang totoong Sapphire. Nagvolunteer si Emerald na siya muna ang mag-alaga kay (real) Sapphire since nakapagbonding na raw sila at hindi siya mukhang agitated.

Nasundan nina Terrence at Jeffrey si Alberta at nakita nilang nakipagkita ito kay Lena.

Dinala ni Emerald ang totoong Sapphire sa kwarto niy. Doon na raw ito matutulog. Hindi raw niya alam kung bakit ang gaan gaan ng loob niya sa kanya. Sinabi ng totoong Sapphire na alam niya kung bakit, dahil siya ang totoo niyang kapatid…

10 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 63”

  1. Sam Says:

    Ehhhhhhhhh………….good cliff hanger. sigh, some of the characters can be really stupid and it just drags the story. pero salamat sa post!

  2. nawawala Says:

    nung una, cute yung mga kilos ni ruby kay jeffrey. ngayon, ANNOYING na kase lagi na lang syang nagagalit kay jeffrey. under na under ang dating. kahit biruan kagaya kahapon, di na masaya kse parang laging irita si ruby… haaaaayyy…

    i can’t wait for this to end.

  3. cheesygarcia Says:

    sana magtanggal ng shades si lena para makita nila terrence na si lena yung ka-meeting ni alberta.

    sana naman wala ng mga barilan sa ending, parati na lang ganun pag nagtatapos ang teleserye. sinamahan pa nila ng kidnapping!

  4. ptvj Says:

    sam, oo nga feeling ko emerald lang ang hindi tanga dito minsan.

    nawawala, hay naku sinabi mo pa. dati iyong mga pakipot niya naku-cute-an ako, ngayon nabubwisit ako sa kanya.

    cheesygarcia, lol. oo nga, baka naman mag-reunion sila sa bodega kapag nailigtas nila ang lola nila.

  5. cheesygarcia Says:

    oh no nagkakagulo na sa makati! sana ipalabas pa rin yung pangarap na bituin tonight LOL

  6. ptvj Says:

    cheesy, LOL. nabasa ko nga kanina. grabe ano na naman ang nangyayari…😦

  7. Ay naku! Says:

    tama kayo lahat ng characters dito ay engot. si emerald lang ang nagiisip at true to life ang character. imagine pati si cocoy na nagpalaki sa kanya at ang best friend niya na si chorva since childhood ay bumabaliktad at kumakampi sa isang tao na hindi naman nila kilala ang pinagmulan-grabe talaga. stupid writers….tama kayo tungkol kay ruby-over acting siya.
    ay…naku.. talaga.

  8. acousticpinay Says:

    what happened sa makati??

  9. mainlandbugga Says:

    This really is getting stupid. This can all be resolved in 2 words-DNA TEST. You can’t tell me that Cocoy or Emerald aren’t smart enough to think of this. I can’t wait for this to end either.

  10. NoCar Says:

    Sayang ito PNB. Bilib na bilib pa naman ako noon una. Bongga ang story at magaling ang mga character. Kilig ang love team nila Emrald and Terrence, pati rin kanila Jeffery and Ruby. Then exciting din noon sumisikat ang career na sila Terrence and Emerald sa story. Tapos biglang pumanget noon dumating na ang mga fake na Lena and Sapphire. Lalo pang pumanget ng nag split sila Emerald and Terrence. Tapos dumami ang mga kontrabida. Tapos ginawa pang mga engot ang mga bida. Dahil naniwala ang sila agad sa mga fake na Jade and Sapphire. Tapos eto ang pinaka nakakainis bigla na lang matatapos na, two weeks na lang ang PNB parang pina bilis ang kwento para lang matapos na. Nakakainis talaga!!!!!! We were expecting much more and much better than this.

    Pero siyempre wala naman kaming magagawa dahil nanunuod lang kami. Sige na rin, nakita na naman namin ang full cast ng “Maging Sino Ka man”. Sige na kahit nakakabanas talaga ang PNB dahil Matatapos na ganon ganon lang. Okay na rin ako, basta siguraduhin nyo maganda ang “MSKM2” MAsaya na ako. 😆

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: