Ysabella, Episode 112

by

Nabigla si Tado Albert at itinanong sa sarili kung ano ang kinalaman ni Andrew sa babae sa picture.

Patuloy pa rin ang field trip ng klase ni Ysay sa restaurant ni Victoria. Skeptical pa rin si Ysay kaya wala pa ring siya kibo habang tinu-tour siya ni Victoria. Dinumog si Ysay ng mga reporters at ipinagtanggol kunwari siya ni Victoria at sinabi iyang huwag siyang guguluhin ng mga reporters. At sinabi pa niyang magaling na estudyante si Ysay, etc. etc. Tinanong ng mga reporters kung napatawad na raw ni Ysay si Victoria. Sinabi ni Ysay na maliit lang daw kasi talaga ang mundo nila kaya hindi pwedeng pumili ng mga makakasama all the time pero wala pa naman daw humingi ng kapatawaran sa kanya. Nagpa-picture pa sila. Sinabi ni Victoria na hindi raw niya alam na naroroon ang press. Ayaw maniwala ni Ysay. Gusto lang daw pabanguhin ni Victoria ang pangalan niya kaya pati siya ginamit nito. Pero siempre hindi naman aamin si Victoria.

Tinawagan ni Albert si Lima para itanong kung alam nitong may kilala siyang Christina. Hindi rin ito kilala ni Lima.

Nagugutom na ang anak ni Christina pero dahil nga nawala ang wallet nito kaya hindi sila makabili ng pagkain. Ayaw namang bumalik ni Christina kay Albert (na akala niya si Andrew).

Inis na inis si Ysay habang ikinukwento niya kina Trining at Alex ang mga nangyari sa field trip. Sinabi ng katulong nila na kailangan nilang mapanood ang balita. Pinalitaw ng news na nagkabati na sina Victoria at Ysay (they edited the interview to make it appear like that).

Tawa ng tawa at nag-ha-happy dance (lol singkil ata ang sinasayaw niya) si Victoria habang pinapanood ang balita. Habang bwisit na bwisit naman si Ysay dahil mukha raw siyang kontrabida. Inirereklamo parin iyon noong kausap niya si Mito.

Hindi raw makatulog si Ysay so kinantahan siya ni Mito over the phone (kikiligin sana ako kaso hindi sila bagay…hehe). Noong nakatulog si Ysay, nag goodnight si Mito at hinalikan nito ang phone niya…

10 Tugon to “Ysabella, Episode 112”

  1. chinx Says:

    hi! natawa ako when you striked out tado…i agree with you…ryan kinda reminded me of tado with the long hair. hahahaha

  2. ptvj Says:

    hehe. actually, i liked ryan during is penshoppe days, pero ngayon parang nawalan na siya ng appeal.

  3. Me on the GO! Says:

    whahahaha.. the new look of tado.. lols

  4. ptvj Says:

    parang naging mestiso lang si tado hehehe. actually, parang kamukha pa niya iyong lalaking nakawheel chair sa scary movie 2😈

  5. Rose Says:

    Wah bakit ako kilig na kilig kina Judai at Derek.

  6. Rose Says:

    Ay hindi lang kayo ang nakapansin sa Tado look ni Ryan marami pa sa ibang site.

  7. ptvj Says:

    rose, oo nga feeling ko ako lang ang hindi kinikilig sa kanila. re. tado, bakit ba naman kasi porke’t “lumayo” ang tao kailangan ng pahabain ang buhok. imposible namang walang barbero dun.

  8. omg Says:

    ano ba kayo kakainis kau puro kayo reklamo at puro kayo pintas kat ryan parang kagaganda nyo nood naman kayo ng nood

  9. safiya Says:

    mga tado kayo!!!! lol

  10. donya Says:

    sobrang mahal talaga ni Mito c Ysay kaya kahit magmukha syang tanga na kinakantahan si Ysay sa phone ok lang sa kanya. This only shows na lahat gagawin nya para kay Ysay, even in small things like that. D pa b kayo ma i in love nyan?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: