Pangarap na Bituin, Episode 62

by

Ibinaba ni Emerald ang cellphone at dumating na si Mercado. Habang kausap ni Mercado si Emerald, tumawag si Alberta at itinanong kung bakit siya tumawag ulit, sinabi ni Mercado na baka raw napindot lang niya ang cellphone niya at dali-dali niyang ibinaba ito (dahil nga kausap pa niya si Emerald). Sinabi ni Emerald na gusto rin niyang makatulong kay Ben Fernando. Sinabi ni Mercado na balita daw niya ay umuwi na ito ng probinsiya at sinabi niyang susubukan daw niya itong i-trace.

Itinanong ni Benedict kay Alberta kung may dapat itong malaman dahil tumawag si Jimbo sa kanya at gustong makipagkita. Sinabi ni Alberta na baka raw magsusumbong lang daw ito sa kanya dahil lagi siyang napapagalitan sa mga kapalpakan niya. Dapat daw hindi na pinapansin ni Benedict ang mga ganoong bagay.

Galit na galit naman na nagsumbong si Emerald sa erpats niya sa natuklasan. Sinabi ni Cocoy na sina Chorva ang magmamanman kay Alberta.

Tuwang-tuwang pinagmamasdan ng lola nina Emerald ang mga billborads nila.

Inunahan ni Alberta si Benedict at pinuntahan si Jimbo. Ibinato nito sa kanya ang sobre ng pera at sinabing pasok na ulit siya sa plano. Dumating si Benedict at sinabi ni Jimbo na joke lang daw at hindi niya alam na pupunta talaga siya. Nagalit si Benedict.

Samantalang sinusubukan naman ni Sapphire na kontakin ang ospital sa Japan para malaman ang kalagayan ng tatay niya pero hindi niya maalala ang pangalan ng ospital. Sinabi ni Lena na tatanungin na lang daw niya ulit si Miss A.

Nagpunta sa studio ang lola nina emerald (ano ba ang pangalan niya?) pero sinabi ng guard na wala ang mga Jewel Sisters doon. Bumalik na lang daw siya sa linggo dahil siguradong naroroon sila for ASAP.

Nagpunta sa mental hospital si Emerald at namigay ng mga pagkain. Abot ang pasalamat ng admin sa kanya pero ang sabi naman Emerald naiintindihan daw kasi niya kung paano ang mag-isa at walang nakakaintindi sa iyo. May fundraising daw sila at inimbitahan ulit si Emerald pati na ang mga kapatid niya. Dumating ang totoong Sapphire at umiiyak niyang niyakap si Emerald. Napaiyak na rin si Emerald. Gusto pa sana siyang kausapin ni Emerald pero huwag na raw muna at baka mas ma-agitate ang totoong Sapphire.

Sinundan nina Cocoy at Chorva ang kotse ni Alberta habang kasama ni Alberta si Loren (may masama siyang binabalak against Jimbo, by the way).

Noong papaalis si Emerald, hinabol siya ni (real) Sapphire at umiiyak ito habang pinipigilan si Emerald. Nag-promise si Emerald na babalikan niya ito.

Nagalit si Ruby kay Jeffrey noong i-insinuate nito na baka raw tama si Emerald sa mga kutob niya.

Nagkita sina Lena at Alberta at sinabi ni Lena na gustong makita ni Sapphire ang tatay niya sa Japan. Nagtatago sa garbage bin sina Cocoy at Chorva at kinuhanan ni Chorva ng picture ang dalawa. Sinabi ni Alberta na i-book niya ng i-book si Sapphire para mawalan ito ng energy at hindi na ito nagtatanong tungkol sa tatay niya. Napi-feel ni Alberta na may nagmamanman sa kanya kaya sinampal ni Alberta si Lena at inaway-away pa niya ito.

Habang inaalo nina Sapphire at Ruby si Lena, tinanong ni Emerald kung bakit daw hindi ito lumaban e alam naman nilang lahat na kayang-kaya niyang lumaban.

Ipinakita ni Chorva ang picture, sinabi niya na napaka-ironic naman na daw na ang mortal nitong kaaway pa ang gumanti sa kanya at sinaktan ang nanay niyang nananakit sa kanila. Baka raw naman talaga si Lena ang nanay nila, sabi ni Cocoy (hay naku ang tanga!). Hindi pa rin naniniwala si Emerald, iba raw kasi daw ang nararamdaman niya. At alam niyang hindi si Lena ang tunay nilang ina.

Ibinili ni Emerald si Ruby ng damit as a peace offering. At sinabi ni Emerald na lahat ng ginagawa niya ay para lang protektahan si Ruby. Ayaw pa ring maniwala ni Ruby, sana raw tigilan na ni Emerald ang nanay nila.

Nagtatakbong papalabas naman ang totoong Sapphire habang paulit-ulit na sinasabi ang pangalan ni Emerald.

Nabigla si Lena noong nalaman niyang Lola ng mga Jewel Sisters, ang nanay ni Jade, ang babaeng nasa pintuan ng bahay nila. Sinabi ni Lena siya ang manager nina Emerald. Gustong hintayin ni Perla ang mga apo niya pero sinabi ni Lena na gagabihin sila kaya sila na lang daw ang pupunta sa kanya. Humingi muna ng tubg si Perla at habang hinihintay niya si Lena, tinignan niya ang photo album na nasa coffee table at ikinumpara niya ang mga pictures na naroroon sa mga dala niya.

Tuwang tuwa niyang sinabi kay Lena na sila nga ang mga apo niya…

9 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 62”

  1. nawawala Says:

    SOBRANG TANGA!! sino ba namang hindi tatanga-tanga na mag-iimbistiga lang eh, magdadala pa ng camera na ginamitan ng FLASH!!! hello?!?!?!?! eh di sana video cam na lang.. at hindi naman nilang kailangang sumilip sa likod ng basurahan para marinig yung usapan no! sana nakinig na lang sila ng nakatago!! at baket, di ba nakakakita sa gilid ng mata ang mga tao??? TANGA-TANGA talaga!! nakakainis!!!!! dapat na nga sigurong tapusin na nila ‘to!! freaking ridiculous!!!!!!

    at alam kaya ng lola na nagpapanggap si lena as JADE? eh dapat naman andon yun sa magazine na binasa nya diba? kase andon daw yung istorya ng jewel sisters.. eh di dapat andon din mommy nila! diba?? hay naku!!! sana lang alam ng lola.. at dapat sana wag na syang umalis sa bahay!!!!!! pakshet!!!

    *hayblad*hayblad*

  2. ptvj Says:

    puso mo.😀
    tangengot nga talaga no? bakit ba ayaw nilang maniwala kay emerald? grrr. tapos si cocoy naman…………hay naku!

  3. maka-TerrenceEmerald Says:

    Bakit nga ba ang haba at ang daming mga scenes ang mga kontrabida hanggang ngayon na less than 10 episodes na lang…kasama na dito si Ruby….Kailan ba talaga magkakaroon ng scenes na medyo mahaba at marami ang tunay na mga bida na sina Terrence/Emerald? Aba eh konting episodes na lang, di ba? Magtira naman ang mga writers sa main characters. Huwag namang pabayaan hanggang sa huli….Please…..

  4. ptvj Says:

    oo nga, akala ko pa naman nung nagbati na sina terrence at emerald, tuloy tuloy na iyon.

  5. annedito Says:

    TANGA! nakaka-hayblad talaga mga writers. bakit yung lola nila eh “pearl gomez” ang pangalan? tapos nanay daw ni jade iyon. diba ang gomez talaga e yung tatay? sana iniba naman last name ng lola kasi dapat maiden name ni jade ang ginagamit ng lola pearl na yan.

    tapos pati na rin yung pag-spy ni chorva at emerald sa ospital last week. pa-disguise-disguise pa si emerald tapos si chorva naman ganu’n pa rin ang itsura. di kapag nakita ni sapphire si chorva, siguradong makikilala ito…TANGA!

  6. ptvj Says:

    hindi ko naisip yun ah. bakit nga kaya gomez ang ginamit, lol.

  7. queen Says:

    I agree, bakit wala masyadong scenes sina Terrence and Emerald eh matatapos na to? Ang ganda ng umpisa nila tapos pumapalpak sa huli. Grrr!

  8. nawawala Says:

    annedito– oo nga ‘no!!! hehehehe….

  9. jane AZUL Says:

    hay naku…super ganda talaga ka2excite ang susunod na mangyayari…sana may part 2 pa…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: