Ysabella, Episode 111

by

Habang nagdidistribute ng mga gamot si Albert sa ibang mga charity workers, pinapanood siya ni Christina. At noong abala pa si Albert, binatukan siya nito at tumakbong papaalis. Hindi maintindihan ni Albert kung bakit niya ginawa ito. (Lol, iyon lang ba ang paghihiganting gagawin niya? At saka bakit hindi kamukha ni Andrew ang anak niya? Lol).

Sabay na pinapagalitan nina Trining at Mito (sa magkahiwalay na lugar) sina Reno at Jordan dahil kay Lima. Pinigilan ni Ysay sina Mito at Jordan, pero hindi pa rin sila nagkaayos.

Masayang naglalakad si Christina dahil kahit papaano, nakaganti na raw siya kay Andrew. Noong papauwi siya nakita niyang may mga lalaking naghahana sa kanya. APparently, pinagtataguan niya ang mga ito dahil tumakbo siya at hinanap ang anak niya. Sinabi ng anak niya na alam niya saan sila makakapagtago. Parehong nabigla sina Albert at Christina noong makilala nila ang isa’t isa.

Hinila ni Christina ang anak niya, despite his protest, dahil ayaw niyang magpatulong kay Albert dahil akala niya siya si Andrew. Nalaglag ang wallet ni Christina at pinulot ito ni Albert.

Nagi-guilty si Ysay dahil feeling niya nadadamay lang sina Jordan at Lima sa mga problema niya. Sinabi ni Jordan na kilala naman ni Ysay si Lima, hindi siya kagaya nina Albert at Victoria. Ginawa pa niyang example si Andrew, hindi naman daw inisip ni Ysay na masama ang ugali niya. Sinabi ni Ysay na sundan daw ni Jordan ang puso niya. Pero in the meantime, si Ysay na lang daw muna ang maghahandle ng accounts nila para makapagpalamig si Jordan.

Patuloy pa rin problema ng Victoria’s Corporation per kamante pa rin si Victoria na magagawan niya ito ng paraan. Nalaman niya na may balak bilhin ni Mito ang shares ni Vincent (iyong nag-walk out sa board meeting last episode at contact ni Mito).

Nag-re-ready ng husto si Ysay para sa field trip nito sa Victoria’s Corporation. Paano daw kung makita niya si Albert, sabi ni Alex kay Ysay.

Tahimik lang si Ysay habang si Victoria naman ineestima niya ito ng husto. Nagdududa naman si Ysay. Bakit daw special treatment sila.

(Bakit ganoon ang suot ni Ysay? Dapat at least man lang business casual suot niya? Pffft… .)

Hindi kumakain si Ysay kaya tumawag ng waiter si Victoria para asikasuhin si Ysay. Ayaw niyang kainin kahit na ano pa ang ihanda ni Victoria. Sinabi ni Victoria na kung lalasunin daw niya si Ysay, hindi doon.

Nakita na ni Albert ang picture nina Andrew at Christina sa wallet ni Christina.

5 Tugon to “Ysabella, Episode 111”

  1. No Car Says:

    Christina bahala ka…….. isa ka pang pampagulo sa storya…..

  2. cheesygarcia Says:

    dapat tinapos na nila yung ysabella dati e, puro pampahaba na lang ngayon.

  3. nickki Says:

    ay naku nakakawalang gana na talaga, pinahaba pa, nilagyan pa kunyare ng kung ano anong panggulo at pangpahaba ng story ay jusko!!!!!!! dapat nga tinapos na yan eh marami na namang naka line up na teleserye. buti pa ang pangarap na bituin matatapos na n 2 weeks, dats gud!!!! mababawasan na rin ang pag ka HB ko ke miss A, Rio at Rica!🙂

  4. nawawala Says:

    puro pampahaba eh, no!! tsk tsk..

    pero ang ganda ng make-up ni ysay dito!! pati buhok nya maganda yugn ayos…

  5. Kris d, Says:

    No comment haha bsta happy ako na makabasa,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: