Pangarap na Bituin, Episode 61

by

Lola ng mga Jewel Sisters (Boots Anson Roa) ang tumitingin sa mga pictures.

Flashback: Naglalaro sina Sapphire, Emerald at Ruby at ang lola nila pero malungkot sila dahil pupunta ito ng Canada. Sinabi ni Emerald na pareho ang lola nila at ang nanay niya na kapag hinahawakan ang tenga nila, nawawala ang sakit. End of flashback.

Sinabi ng madre sa Lola nila na naniniwala ito na sila ang mga nawawala niyang mga apo. Matagal din pala silang hinanap ng Lola nila. Ayaw raw munang magsaya nito hangga’t hindi pa siya nakakasiguro dahil ayaw niyang umasa sa wala.

Galit na hinarap ni Alberta si Jeffrey. Sinabi ni Jeffrey na sinasaktan si Ruby ng nanay nito kaya siya umalis at kaysa naman saan pa ito mapunta, pinatuloy na lang niya sa kanila. Wala daw pakialam si Alberta kahit anong mangyari kay Ruby. Dahil daw masamang impluwensiya si Ruby kay Jeffrey at tumitigas raw ang ulo nito. Sinabi ni Jeffrey na hindi si Ruby ang dahilan kung bakit matigas ang ulo niya, kung hindi dahil sa pananakal ni Alberta. Masyado na raw siyang unreasonable sarado na ang isip niya. Sarado na raw ang isip nito sa paliwanag ni Jeffrey. Ang mahala lang daw kasi sa kanya ay ang mga utos at pandidikta nito.

Sinabi ni Alberta na walang magagawa si Jeffrey dahil nanay siya at anak lang si Jeffrey. At habang nasa pamamahay daw niya ito, ang gusto niya ang masusunod. Sinabi ni Jeffrey na aalis na siya. Hinabol siya ni Alberta hanggan sa hagdanan (Duh! Bakit hindi ka umakyat?).

Kausap ni Jeffrey si Ruby habang nag-eempake siya. Sinabi niya na hindi lang naman si Ruby ang dahilan kung bakit ito lumayas kaya huwag daw itong maguilty. Hindi na rin daw kasi niya ma-take ang mga ginagawa ng mommy niya sa kanya kaya aalis na siya. Nagplano silang magkita (at nagpadala na rin ng pagkain si Jeffrey kay Ruby😀 ). Mawawala daw kasi ang impact ng pag-wo-walk-out niya kung dadaan pa siya sa kusina.

Naabutan ni Benedict na pinipigilan ni Alberta si Jeffrey na umalis. Sinabi ni Jeffrey sa Daddy niya na maiintindihan din siya nito, sabay alis. Hahabulin pa sana siya ni Alberta pero pinigilan siya ni Benedict. Nagalit si Alberta at bakit daw siya pinipigilan nito. Si Ruby daw ang mga kasalanan kung bakit nagkakaganoon si Jeffrey. Sinabi ni Benedict na hindi ang Jewel Sisters ang sumisira sa pamilya nila kung hind siya (First time in this series ata na pinagtaasan ng boses ni Benedict si Alberta…bwahaha).

Nakita ni Ruby si Emerald na naghahalungkat ng mga gamit ni Lena. Nagalit si Ruby sinabi niyang si Emerald daw ang sumisira sa pamilya nila at ang dahilan ng pagkakagulo nila.

Tinanong ni Sapphire kung kumusta na ang Tatay niya. Mukhang nagdududa na siya kay Lena. Pero siempre pinaikot na naman siya ni Lena kaya napaniwala niyang walang nangyayari behind her back. Nagsumbong si Lena kay Alberta pero sinabi ni Alberta na habang nasa kanila ang Tatay ni Sapphire ay gagawin ni Sapphire ang lahat ng gusto nila. Nagtatawanan sila ni Lena noong tumawag si Jimbo at sinabing patay na ang binabantayan niya (Paano naman kasi ang gagong si Jimbo, nakainom yata at akala niya may drugs iyong life support ng binabantayan niya kaya inalis niya ang tube at sininghot ito. Ayan nadedo tuloy).

Galit na galit si Alberta kay Jimbo. Sinisante ni Alberta si Jimbo. Sinabi ni Jimbo na pagsisisihan ito ni Alberta.

Habang kumakain sina Emerald, Ruby, Sapphire, Lena, at Berns napag-uusapan nila ang mga guestings nila. Sinabi ni Sapphire maninibago siya sa hosting gig niya sa ASAP pero ita-try niya. Pinaringgan ni Ruby si Emerald at sinabi niya kay Sapphire na buti pa raw siya willing tumanggap ng mga bago. Ipinaabot ni Emerald ang tubig kay Ruby pero hindi niya iniabot instead si Berns ang pianbigay nito ng tubig. Tinanong ni Lena kung nag-aaway ang dalawa. Itinanggi naman ito ni Ruby, sabay tayo dahil masakit daw ang tiyan nito (sinundan siya ni Berns).

Tinanong nina Lena at Sapphire kung ano ang ginawa ni Emerald kay Ruby. Kontrabida daw talaga si Emerald sa pamilya nila. Sinabi ni Lena nakakawalang gana daw siya sabi ni Lena. Tumayo na si Lena at Emerald.

Pupunta sa Pilipinas ang Lola nina Emerald. Gusto daw niyang kausapin ang mga Jewel Sisters.

Inihinga ni Emerald ang sama ng loob niya kina Cocoy at Chorva dahil nga galit na si RUby sa kanya. Narealize niya na siguro maganda na rin siguro na wala itong alam. Para kapag nagkaalalaman na hindi na ito madawit sa gulo. Hinihintay pa rin daw niya ang resulta ng pag-iimbestiga ng imbestigador.

Tinawagan ni Jimbo si Benedict, may sasabihin daw siya tungkol sa asawa niya.

Nagkita na sina Emerald at ang imbestigador. Sinabi nito na magaling na si Ben Fernando at nasa probinsiya ito kasama ang pamilya niya (Duh! Makipagkita ka kaya kay Ben Fernando). Wala naman daw siyang nakitang anomaly sa mga papeles nina Lena.

Noong nasa sasakyan na si Emerald, narealize niyang naiwan niya ang mga papeles na ibinigay niya sa imbestigador. Narinig niya ang usapan nito at ni Alberta tungkol sa pagpapaniwala ng imbestigador kay Emerald, etc., etc. Pero hindi ipinaalam ito ni Emerald, instead magiliw pa niyang binati ulit ang imbestigador. Sinabi nitong may mga itatanong pa raw sana siya kaya papagmeryedahin na raw daw muna niya ito. Emerald shook the soda in can before she gave it to him kaya nag burst noong binuksan ng lalaki. Umalis ito at nagpunta sa CR para punasan ang sarili. Naiwang nakabukas ang attaché case nito pati na ang cellphone niya. Tinawagan ni Emerald ang number ni Alberta (pero hindi pa nito alam na ito ang tinatawagan niya).

Nasa Pilipinas na ang Lola nina Emerald.

Noong sinagot ni Alberta ang phone, tinanong niya kung bakit na naman ito tumatawag at kung may update ba ito tungkol kay Emerald…

13 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 61”

  1. maka-TerrenceEmerald Says:

    Wala na namang kahit isang scene sina Terrence/Emerald…Kahit naguusap lang sa telephone din? Bakit ba ganoon…2 weeks nalang naman…sana magkaroon ng kahit isang scene for each episode hanggang sa matapos…We want them to be together sa ending….not just as friends…..Bakit kaya ganoon ang ginagawa ng writers sa main characters? Any ideas kung bakit parang na-sabotage ang relasyong Emerald/Terrence? Ang dami pa namang fans na sumusubaybay sa kanila. Nagtatanong lang po….Iyong kina Ruby/Jeffrey ay nakapagsisingit sila ng scene kahit papano..bakit hindi magawa kina Emerald/Terrence…..ang talagang bida sa soap na ito…..

  2. Mums Says:

    Engot na writter na naman. Si Ben fernando naka “life support”? Naka “intubate” ang pasyente. Hindi naman pwendeng dalhin sa bahay other than Hospital yon no. And hindi pwedeng i operate ng kahit sino lang yon other than Medical people like Nurses, Respiratory theraphist or anesthetic people. Nasa ICU dapat ang pasyente hindi pwede sa bahay. Dahil kahit hindi tinanggal ni Jimbo ang life support niya talagang mamatay si ben fernando. And also ang “Intubate” hindi basta basta binubunot sa bibig dahil suppose to be hanggang ilalim ng lalamunan ito. mahirap ito tanggalin. 🙄

    But what so ever. Who cares about Ben Fernando anyway.

  3. cheesygarcia Says:

    ang sarap jombagin ni ruby lol

  4. mika Says:

    wow magkakaalaman na hahahaha

  5. nickki Says:

    lolz to chees,mums n maka terrenceemerald🙂 cnabi nyo! i wanted 2 comment about Ruby’s attitude! pero sabi ko sa pinsan ko wag na lang kasi nakita ko nga last week end na 2 weeks na lang daw ang PNB, kaya sabi ko ay wag na lang matatapos na pala buti naman! but then ito binisita ko tong site i change my mind kaya comment nalang ako :)! yeah cnabi mo cno ba namang matinong tao ndi mag dududa ke Rio ano! tapos eh cra nga talaga c ruby, imagine cnasaktan ka tapos ndi ka ba naman mag iisip na baka nga totoo ang cnasabi ni emerald and besides wala ba syang feelings, ndi ba nya alam yung tinatawag na intuition, she knows emerald long time ago b4 dumating sa buhay nila yung 2 kontrabida n she knows how gud emerald is, kung gaano sya nag papaka marter sa pang aapi sa kanya ni Alberta (basta sya lang wag lang galawin pamilya nya) tapos naging judgemental sya sa nararamdaman ni emerald, dapat ndi ganun dapat nag iisip sya ano!🙂 hay naku sa bagay mums yong writer me kulang sa utak hehehehe ako inisip ko lang na cguro super yaman at connected c alberta kaya merong personal nurse n doctor na nag aalaga dun sa bahay na pinag dalhan sa cno nga ba yun🙂 kasi imagine bawat galaw at balak ni emerald meron kagad naka abang na counter attack c alberta bah super connected galing ng writer ano?…:) at maka terence emerald napapanay cla ruby n jefry, baka kaya tatapusin kasi ayaw nilang matulad sa Ysabella humaba ng humaba nakakailang teleserye na ang natapos, kaya tatapusin na ang PNB kasi baka mag karoon naman ng book2🙂 lam mo na nauuso yata ang book2 book2 na yan, bitin ang mga ending, nakakainis, remember yung kila Claudine n Piolo…. anyways lets see……🙂

  6. nawawala Says:

    napa-YES! ako pagkatapos magsalita ni benedict!! bweheheheh!! tameme si alberta!!!

    AT bwisit na ruby… what the heck is wrong with her??!?!! bakit kaya wala man lang syang trust kahit papano kay emerald eh mas matagal silang magkakilala? tsaka dati naman hindi sya obsessed sa pagbuo ng pamilyaa nila ah!! grrrrr.. bwiset. ito namang si papi berns parang wala nang papel!! hay naku.

    pero exciting pa rin kase parating na si lola!!! yey!

  7. Kris d, Says:

    Ako walang comment kc hanggang reading lang me, hehe thank ulit, pero matatapos na, huhu,

  8. Me on the GO! Says:

    ayy salamat at laking kagaanan din pag natapos na yan noh! ndi ko maintindihan ang mga eksena ng PNB… i mean, maganda nga sya pero predictable naman ang mga nangyayareh.. excited na ako sa lobo… =)) ang cute kse ni piolo dun ahahaha!!

  9. Me on the GO! Says:

    uiii nga pala PTVJ, pag natapos na ang PNB, gawa ka naman ng mga summary para sa Lobo pag nagumpisa na….. tutal matatapos din naman ang PNB.. lagi ko naman binabasa ang mga entries at summaries mo hehe..

  10. ptvj Says:

    walang anuman mga friendship🙂

    nawawala, oo nga buti kay alberta. hehehehehehe.

    me on the go, try ko. hindi ko pa alam kung ano ang i-a-update ko after ng PNB. it’s either iyong Lobo or MKSM 2. pero isa lang hindi kaya ng powers ko iyong marami…hehe.

  11. Me on the GO! Says:

    salamat PTVJ… kaya naman mabentang mabenta ka dito sa wordpress.. dahil sa mga summaries mo.. 8->

  12. mbsclass Says:

    Hi PTVJ, wala na bang update. Thanks ulit

  13. ptvj Says:

    mbsclass, check back in an hour. kakagising ko lang e😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: