Ysabella, Episode 110

by

Dumating si Lima. Sinabi nito na gusto lang niyang malaman nilang siya ang nag-handle ng account nila. Naroroon na raw iyon, sabi ni Trining. Inamin na ni Lima na magkaibigan sila ni Reno at ito ang kasakasama niya sa bahay noong umalis ito 2 years ago. Hindi na raw alam nina Trining kung ano ang gagawin nila sa dalawa. Sinabi ni Lima na tapusin na lang nila ang project and then maghiwa-hiwalay na lang sila. Sinabi ni Ysay na makakaalis na si Lima at umalis na ito.

(E bakit ba galit sila kay Lima? Di ba dati naaawa pa sila dito?)

Sa board meeting, may mga press na inimbitahan si Victoria at sinabi niya na darating sa Victoria’s Coporation si Ysay.

Nakita ni Christina si Albert na nagwawalis sa labas ng bahay.

Sinabi ni Ysay kay Alex na ilang taon na niyang pilit na iniiwasan ang mga Amarillo pero sabay sabay naman siyang pinapalibutan ng mga ito. Dito lang naman ni Alex na nagkita sina Ysay at Albert. Si Albert ang sinisisi Alex sa pagkakasakit ni Ysay. Sinabi ni Ysay na wala raw siyang balak sabihin kay Mito dahil gusto niya itong protektahan. (Asus, wala ka namang ginagawang masama, para nakasalubong mo lang iyon tao — unless of course, ikukwento mo sa kanya kung paano ka nagngangawa sa CR pagkatapos).

Sinabi ni Lima kay Reno na dapat na siguro nilang tapusin ang pagkakaibigan nila. Masyado na raw kasing kumplikado ang lahat, especialy for Reno. Mahihirapan lang daw ito dahil sa kanya at ayaw niyang mangyari iyon. Kinuha na rin ni Lima ang copy ng susi ng bahay niya kay Reno. Inilagay lang ni Reno ang susi sa mesa at umalis na ito.

Nabigla si Albert noong nakita niya si Ysay sa labas ng bahay niya. Pagkakita nito, aktong aalis si Ysay. Pinigilan niya si Ysay at sinabi nitong mahal na mahal niya pa rin ito. Sinabi nito “Mahal kita ANDREW, mahal na mahal” at nagyakap sila. At nagising si Ysay.

Bumaba ito at nakita niya si Alex na nakaupo sa may living room at tahimik lang ito. Hindi raw kasi pumapalo ang sales ng album niya. Nalulungkot siya dahil iyon daw ang gusto niyang gawin [ang pagkanta] at iyon lang ang alam niyang gawin. Sinabi ni Ysay na huwag daw itong sumuko kaagad. Ang pagkanta raw parang pagluluto, ilang beses raw na magluluto, na masusunog ang mga niluluto bago sumarap ang luto. Try and try until you die daw. Nagpasalamat si Alex sa tiwala ni Ysay at kung hindi raw ito bumaba, baka nagpakamatay na siya sa tulog. Sinabi ni Ysay na sa kwarto na raw niya matulog si Alex dahil binabangungot siya.

Papaakyat na sila Ysay at Alex ng dumating ang lasing na lasing na si Reno. Paulit-ulit nitong sinasabi na “mahal ko siya…”

Naalala ni Christina ang past nila ni Andrew. Sinabi niya na makakaganti daw ito kay Andrew…

3 Tugon to “Ysabella, Episode 110”

  1. Kris d, Says:

    Hey one’s again salamat,nbbsa ko na ulit ang ysabella sana dka mag sawa, thanks,

  2. nawawala Says:

    tanong ko lang, kanino bang bahay yung tinutuluyan ni lima? diba nung una, maliit lang yung bahay?

    {ps: halatang pampahaba lang itong episode na ‘to. ang boring. hehe}
    pero salamat sa pag-update talaga ah! =)

  3. NoCar Says:

    Itong Christina na ito, Ano na naman ang kinalaman sa kwento? Kay Andrew? Hay!!! Maryosep!!!! Pampahaba na naman ito. I’m sure wala lang ang character niya dito. Prang si “Venice”. 🙄

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: