Pangarap na Bituin, Episode 60

by

Pagkatapos ng performance ni Emerald, tinanong niya kung may iba pa siyang magagawa para sa ospital. Sinabi ng babaeng kausap niya before na kung maari sanang pati siya ay maging benefactor ng ospital. Pumayag naman si Emerald at sinabi niyang sasabihin rin niya kay Ruby, siguradong papayag din daw iyon. Habang papadaan sila sa kwarto ng real Sapphire, napansin siya ni Emerald. Nalaman niya na nakilala na rin ito ni Sapphire. Gusto siyang makilala ni Emerald, pero nagpapahinga na raw ito sabi ng babae. Pag-alis ni Emerald, nag-umpisang kumanta ang totoong Sapphire.

Wala sa mood si Sapphire noong inihahatid siya ni Terrence. Niyaya siya ni Terrence na magkape pero ayaw niya. Itinanong ni Terrence kung ano ang problema niya. Tinanong ni Sapphire kung ano ang meron sa kanila ni Emerald. Sinabi ni Sapphire na kitang-kita niya na naghaharutan sila ni Terrence. Agad binawi ni Sapphire ang sinabi niya at oo nga raw pala at “love team lang naman siya” nakalimutan niya.

Pag-uwi niya si Emerald naman ang hinarap niya dahil “nilalandi” niya si Terrence. Sabihin lang daw nito na gusto pa nito si Terrence dahil handa naman niya itong ipaglaban kaysa sa inaahas daw siya ni Emerald. Sinabi ni Emerald na wala naman siyang ginagawang masama pinatuloy lang niya si Terrence at nag-usap lang sila. Wala daw iyong nakita niya sabi ni Emerald.

Gusto ni Alberta na sinampal sana ni Sapphire si Emerald during their confrontation. Gamitin din daw ni Sapphire si Terrence para lalong masaktan si Emerald. Sinabi din ni Alberta kay Sapphire na magastos ang procedure na gagawin sa tatay niya kaya dapat pagbutihin niya ang pananakit na ginagawa niya kina Ruby at Sapphire.

Speaking of Ruby, nagugutom na ito dahil hindi pa siya dinadalhan ni Jeffrey ng pagkain. Wala siyang load kaya hindi niya ito matawagan. Bumaba ito para humanap ng pagkain (nasa pool/guest house si Ruby). Nag-sneak-in ito sa kusina nina Alberta. Gumawa ito ng sandwhich sa kusina (bakit kaya hindi na lang sana niya kinuha iyong mga tinapay at palaman dinala niya sa pool house). Kumuha ng juice si Alberta sa kusina at nagtago si Ruby pero natunugan ni Alberta na may tao. Hindi makita ni Alberta kung sino ang tao dahil nagtago sa pool si Ruby. Kaya nabasa pati ang sandwhich niya.

Mabait si Lena kay Emerald, sinabi nito na gusto na niyang umuwi ang bunso niya. Sinabi na ni Emerald sa kanya na tinawagan siya ni Ruby para sabihing safe siya. Niyakap siya ni Lena.

Umuwi na si Ruby sa kanila dahil hindi na raw maganda ang tinitirhan niya dahil nagbabantay daw na malaking dragon sa ref. Noong nakita siya ni Lena, niyakap siya nito. Hindi raw ba siya galit tanong ni Ruby. Sinabi ni Lena na napatawad na niya si Ruby at huwag na lang daw niya uulitin.

Sinabi ni Emerald na may feeling itong hindi sinasabi ni Ruby ang talagang dahilan kung bakit ito naglayas. Pero sasabihin naman daw nito siguro kapag ready na siya. Dumating si Sapphire at tinanong niya kay Berns ang tungkol sa kaibigan nitong nasa Japan na gustong kumuha sa kanila para magperform para naman daw makapag-out of the country silang lahat. Parang ayaw naman ni Emerald dahil daw nag-aalala siya sa erpats niya dahil walang magbabantay dito (ano siya bata?). Agad namang sinabi ni Berns na okay din naman kung sina Ruby at Sapphire lang ang pupunta, dahil magagaling din naman silang kumanta. Pag-alis ni Sapphire, agad na tinanong ni Berns kung may nadiscover na sila sa Bicol kaya ayaw nitong sumama. Sinabi ni Emerald na wala pa pero pina-i-imbestiga rin nila si Ben Fernando at iyon ang hinihintay niya ngayon.

Nakabangga ni Jeffrey si “Aling Maria” (iyong kasabwat nina Lena na nagsabi kina Ruby at Berns dati na si Bridget si Sapphire) habang pababa sila ni Ruby sa hagdan noong kumuha ng passport si Ruby (magpapaalam daw muna si Jeffrey sa Daddy niya kung makakasama sa ito sa Japan). Hindi maalala ni Ruby kung saan niya ito nakita, pero namumukhaan pa niya ito. Sinabi ni Jeffrey na kilala lang daw niya ang babaeng iyon kung mahilig siyang magpamasahe dahil iyon si Kuring ang masahista ni Alberta. Binayaran ni Jeffrey si Kuring para huwag ipagsabing nakita niya ito. Narinig ni Kuring ang pag-uusap nina RUby at Jeffrey noong papaalis na sila tungkol sa pagtatago ni RUby sa bahay nina Alberta. Tinawagan ni Kuring si Alberta para magsumbong.

Kinompronta ni Lena si Sapphire tungkol sa show na sinasabi ni Berns (iyong show sa Japan). Dapat daw sinasabi ni Lena sa kanya ang lahat dahil partners sila. Sinabi ni Sapphire na iyong paglipat ni Lena sa tatay niya partnership din ba raw iyon? Wala ng nagawa si Lena pero nabigla ito noong malaman niyang sa Japan ang show.

Kasabwat din pala ni Alberta ang imbestigador nina Emerald. Nag-aalala ito dahil baka raw mabuko this time dahil hindi nila nai-ayos ang mga papeles/records ni Ben Fernando (siya rin ang nag-peke ng papeles nina Lena at Sapphire).

Habang hinihintay nina Emerald ang imbestigador, hindi ito mapakali. Dahil daw pagod na siya makipagpatintero kina Lena. Sa mga konting alaalang meron daw siya sa nanay niya, ang alam daw niya mapagmahal ang nanay niya.

Sa Canada naman, may madreng nakakita sa show ng Jewels sa ASAP at sinabing kilala daw nito ang ina nilan si Jade Gomez.

May ipinakitang kamay na tumitingin ng mga pictures ng buong pamilya nina Emerald sa Mayon Volcano…

15 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 60”

  1. safiya Says:

    sana naman yung madre magsabi ng totoo. LOL kaninong kamay kaya yon????

    salamat sa storya mo ha kse pag tinatamad ako manood binabasa ko na lang ito. Sinimulan ko ang PNB pero ng lumitaw ang mga nagpapanggap feeling ko lang mga tanga ang bida kaya tumigil ako. Anyway ng mabasa ko storya mo naisip isip ko di pala tanga si Emerald, masunurin lang sa screenwriter. LOL.

    hoy, more power to you, from your reader in Berlin. .)

  2. ptvj Says:

    thanks din safiya🙂

    sana buhay pa rin ang totoong nanay nina emerald. i guess iyong mga artista hindi umaalma kahit na naiinis din sila kung pangit ang takbo ng istorya dahil kung magrereklamo sila, wala ng kukuha sa kanila.

  3. mika Says:

    hahaha, grabe naman halos lahat kasabwat ni alberta.

  4. repah Says:

    oo nga sana nga mgsbi ng totoo si sis. kc my mga eepal n namang extra chak yun!

  5. nawawala Says:

    t*ng inang mga taong yan o! lahat na lang puro mga BAYARAN ni alberta! ano sya, may superpowers? kontrolado nya ang lahat??? bwiset!!
    ano ba naman ang sumulat neto! OA NA!!!!!!!!!!

  6. nawawala Says:

    tapos ang tanga pa ni ruby dito! ang daldal masyado! salita ng salita!!

    irita tuloy ako… *sigh*

  7. queenbee Says:

    eh? lahat na lang bayaran.

  8. ptvj Says:

    para ngang masyadong powerful si alberta, e manager lang naman siya. unlike si victoria sa ysabella, maniniwala akong kaya niyang kontrolin iyong mga tauhan niya dahil she own a big company at malaking epekto ang mga kilos niya at ng kumpanya niya kaya marami siyang naba-black mail. e si alberta iilang artista lang naman ang hawak niya. sus.

  9. safiya Says:

    naku over talaga..kay hirap maging artista nagmumukha na silang tanga sa mga manonood…di kse naman.

    lam mo tama ka dyan, ptvj, isang alberta lang yan, kung tutuusin kay dali naman silang mabuking sa kanilang kalokohan. ano ba yan????? bakit ba nagre-react eh pang TV lang ito. Isa pa di na akma sa panahon natin ngayon kse nandyan na ang DNA para mabuking ang mga peke. hihihi

  10. ptvj Says:

    sana nga magpa-DNA na lang sila or kahit na blood test man lang. kahit na kasabwat pa rin ni alberta ang mga doktor at techinician na involved sa test at babaligtarin nila ang mga results…sige lang. tutal ginagawa na rin nilang masyadong powerful si alberta, lubos lubusin na nila.

  11. nawawala Says:

    hahahah!! grabe na yon no? doktor, lab tech… wow, superpowerful! maging presidente na rin sya para certified na talaga!!! tsk tsk!!

    kakainis talaga!!!!!!!

  12. Mums Says:

    Eh kanino pa ba ang Mystry Kamay na yon edi sa mga nanay ng the Jewels….

    Maganda sana ang maging kalabasan ng ending ng PNB. Dahil sa pina kikita nila puro kontrabida pa ang nagwawagi sa kwento…….

    ….Sa Dec na pala matatapos ito… baka bigla na lang matapos na parang pinabilis ang kwento….. ayaw namin ng ganoon….

    Kaya Scriptwritters may chance pa kayong pagandahin ito. Hindi Puro Ka “badtripan” ang pinakikita nyo…

    …… and PLeeeeease
    for the last chance Emerald and Terrence sana magkabalikan sila!!!!!

  13. maka-TerrenceEmerald Says:

    Agree ako sa iyo Mums..Sana sina Emerald/Terrence magkabalikan na…..We want them together na sa mga episodes remaining…Please!!!!! mga writers….

  14. ojie Says:

    sa tingin ko may part 2 pa yan. mabubuo pamilya ng jewel sister tapos yng pamilya nman ni terrence ang mawawasak at hindi maalala ni terrence ang mga ngyari sa kanya at pati mga tao sa paligid nya, di na nya maalala. magkaayos lang ang lahat pagbumalik kay terrence ang kanyang alala at mapatawad nya ang kanyang totoong ama at ina. at pagkatapos kasalan na.

    hehehehe. istorya ano?
    pwede kaya?

  15. pangarap na bituin Says:

    pls naman download yo ang pangarap na bituin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: