Pangarap na Bituin, Episode 59

by

Nalaman nina Sapphire at Lena na walang nagturo sa kanya sa kinakanta niya. Pero alam ng mga kumupkop sa kanya sa mental hospital na biktima din siya ng pagsabog ng bulkan. Nag-aalala at nakokonseniya na si Sapphire sinabi ni Lena na gawin na raw ni Sapphire regular charity ang hospital para daw mabantayan nila ang totoong Sapphire.

Sinabi ni Jeffrey na sayang sina Terrence at Jeffrey. Nanghihinayang din daw si Terrence pero hindi pa naman huli ang lahat, pwede pa niyang ayusin.

Binisita ni Terrence si Emerald. Inamin nitong namiss rin niya. Ano raw ba ang nangyari sa kanila bakit sila nag-drift apart. Siguro daw wrong timing lang daw at hindi pa sila handa. Bati na sila, best friends na sila ulit. Niyakap pa ni Terrence si Emerald.

Binigay ni Ruby kay Cocoy ang demo CD ni “JT.”

Sinabi ni Emerald kay Terrence na hindi sila masyadong busy kaya makakapunta sila ni Cocoy sa Bicol. Inamin na ni Emerald kay Terrence na nagdududa siya kay Lena. Hinawakan ni Terrence ang kamay ni Emerald.

Habang nasa kotse si Alberta, narinig niya ang kanta ni “JT.” Nagka-interes ito at gusto siyang i-manage. Pinacontact ni Alberta kay Buboy ang radio station para tanungin kung sino si JT.

Masayang pinapakinggan nina Ruby at Jeffrey ang kanta nito. Tinatanong ni Jeffrey kung ano ang say ni Emerald sa boses niya, sinabi ni RUby na hindi niya pinarinig kay Emerald ang kanta at medyo may tampo pa ito sa kanya. Tinext niya lang ito ng “bye” bago siya nagpunta sa Bicol. Pero kakausapin daw niya ito pag-uwi niya.

Pag-uwi ni Ruby sinalubong siya ng pananakit ni Lena. TUmakbo ito paalis. Ipinuslit ni Jeffrey si Ruby sa bahay nila dahil ayaw niya itong dalhin sa hotel baka raw may makakita sa kanila ano pang isipin nila at matsismis sila.

Kinabukasan, tinatanong ni Sapphire si Ruby. Masayang ikinuwento ni Lena na lumayas na ito. Pina-realize ni Sapphire kay Lena na kapag nalaman ng mga reporters na sinasaktan niya ito, negative ang publicity. Kaya umiyak ito sa The BUzz at nanawagan na umuwi si Ruby.

Pag-uwi ni Emerald, tinanong niya si Lena kung ano ang nangyari. Sinabihan lang daw niya ito.

Nakausap ni Emerald si Ruby, nagsinungaling ito at sinabing hindi siya sinaktan nina Lena at Sapphire. Hindi nito sinabi kung nasaan siya, pero inassure niya si Emerald na safe siya.

Kinancel na ni Sapphire ang laro niya sa Deal or No Deal. Nawawala si Ruby paano raw siya magsasaya.

Nagkita ulit sina Terrence at Emerald noong sinundo ni Terrence si Sapphire para sa fans day nila. Nakita ni Sapphire na sweet na sila ulit. Sinabi rin ni Emerald kay Terrence na wala silang nadiscover sa Bicol.

Nakikipag-bonding si Emerald at gusto niyang sumama kay Lena. Sinabi ni Lena na magbihis ito. Pag-akyat ni Emerald, tumakas si Lena para makipagkita kay Alberta.

Pumunta ang isa sa mga nagtatrabaho sa mental hospital kina Emerald para itanong kung nasaan sina Sapphire at Lena. Nag-commit daw kasi sila na kakanta si Sapphire sa program nila pero hindi raw sila sumasagot ng phone. Emerald felt bad dahil nga nagsadya pa ito sa kanila, pero hindi niya naabutan sina Sapphire. Nag-volunteer ito na siya na lang ang kakanta kahit na walang bayad ang performance niya.

Habang kumakanta si Emerald, dumating ang totoong Sapphire at hinawakan si Emerald habang paulit-ulit nitong sinasabi ang pangalan niya…

10 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 59”

  1. Che Che Says:

    YEHEY! At least Emerald and her real sister finally MET! WAHOOO!! now its just a matter f time how these dumb writers will twist the story para magkalayo na naman sila.. whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!

    Thanks for the update!

  2. cheesygarcia Says:

    saang website ka nanonood ng PNB videos? putol yung last part ng nasa pinoychannel.tv eh.

  3. Sleeplessinwgtn Says:

    Thanks for your regular updates for Pangarap na Bituin. I am more excited now with this series than Ysabella.

  4. ptvj Says:

    cheesygarcia, iyong sa telebisyon.spreebb.netšŸ™‚

  5. ptvj Says:

    sleeplessinwgtn, tinatamad ko na ring panoorin ang ysabella. masyado ng mahaba, dapat ng tapusinšŸ˜€

  6. Kris d, Says:

    Thanks sa update ng pangarap, at sana sa ysabella,completo araw ko f read the story, thank u thank you talaga,
    mwuah mwuah tsup, bukas uli see u,

  7. nawawala Says:

    excited na ‘ko!!! nakita na ng totoong sapphire si emeraald!! yes!!
    kaso nasasayangan ako kase friends na lang si terrence at emeraldšŸ˜¦ pero ok lang din, at least magkasama na ulet sila. kinilig na naman ako kay JERICHO kase inakbayan nya si emerald! hihihi…

    at! ang cute ni jeffrey at ruby nung kumakain sila! hehe..

  8. imelda pajarillo Says:

    Im so excited sa pagwawakas.

  9. imelda pajarillo Says:

    Sana naman 7.30 na mag umpisa para naman makatulog ang mga anak ko ng maaga. Imagine my younger son he is 6 years old nanonood so late na ang pagtulog niya.

  10. Madagascar Says:

    Thank you Abs-Cbn sa teleserye na Pangarap na Bituin. Wish ko land sana and Lastikman ay 7.30 na maipalabas. Goodlock and more power .

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: