Pangarap na Bituin, Episode 57

by

Wala po munang text update today and tomorrow. Busy lang. I was actually doing today’s episode kaso ayaw ng mag-play sa kalagitnaan e marami pa akong gagawin. Here’s what I came up with…

Ben Fernando ang pangalan ng pasyente. Hindi raw alam ng mga nure kung saan nanggaling ang pasyente, basta sa probinsiya raw.

Ibinalita ni Emerald kina Cocoy at Chorva ang nalaman nila. Alam din niya na pumupunta si Sapphire doon sa ospital. Sinabi ni Emerald na bukod sa Jewel song, salita lang ni Sapphire ang nakapagpaniwala sa kanila na nanay nila si Lena. Baka raw isa lang ito sa mga nagpapanggap na nanay nila. Sinabi ni Cocoy na magiimbestiga sila pero mag-ingat muna si Emerald dahil malaking paratang ang naiisip niya.

Umiiyak si Sapphire habang kinakausap ang tatay niya dahil naaawa na raw siya kina Ruby at Emerald sa mga pinaggagawa niya. Pero wala naman daw siyang choice dahil buhay ng tatay niya ang kapalit. (Nag-flashback din noong sinabi ni Alberta sa kanila na sa bawat pasakit na ibibigay niya sa kina Ruby at Sapphire, may kapalit na pera).

Paglabas ni Sapphire sa pintuan ng kwarto ng tatay niya, nakasalubong niya ang isa sa mga hospital admnistrator at sinabi nito na may balance pa sila ng P75K (iyon lang?) dahil nagbayad lang si Lena ng P15K at hindi na ito bumalik pa para i-settle ang balance. Nabigla si Sapphire sa nalaman.

Galit na galit na kinompronta ni Sapphire si Lena. Puro na lang daw shopping ang ginagawa ni Lena. Naging defensive naman si Lena at sinabi niyang nakukuha pang magalit ni Sapphire e andami ng ginawa ni Lena para sa kanya. Kinuha ni Sapphire ang mga damit at mga alahas na pinagbibili ni Lena at inihagis iyon sa kama. Sinabi ni Sapphire na siya ang nagtatrabaho habang siya bili lang ng bili. Naiutulak ni Lena si Sapphire.

Kinausap naman ni Cocoy ang babaeng nagsabi kina Ruby at Berns dati na siya si Bridget si Sapphire. Matagal din daw itong nakatira sa kanya dahil boarder niya ang mga ito kasama ang mga umampon sa kaniya. Tinanong ni Cocoy ang ilang bagay tungkol kay Sapphire. Ano raw ang paborito nitong kulay (red ang sinabi ng babae, which is mali) at ano raw ang paborito nitong kanta (Pangarap na Bituin ang isinagot niya, at hindi niya alam ang Jewel Song).

Napanganga naman si Jeffrey sa bagong suot ni Kimmy. Napag-usapan din nila ang tungkol sa pagkanta ni Jeffrey sa bar. Sabi kasi ni Ruby baka daw may makadiscover kay Jeffrey (duh! manager ang nanay niya). Sinabi naman ni Jeffrey na hindi nga raw alam ng mga parents niya na kumakanta siya doon…

Pero sige pag-usapan niyo dito…ako naman ang bigyan niyo ng spoilers😆 …

5 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 57”

  1. cheesygarcia Says:

    kinausap ni emerald si ruby para sabihin na may ebidensiya na siya kaya lang biglang dumating si sapphire, tapos si ruby na aanga-anga, kinwento kay sapphire na nagdududa si emerald na si lena nga ang nanay nila. nagalit si sapphire kay emerald at sinabing wala siyang kwentang anak. nagpalusot naman si emerald sabi niya, patapusin muna daw siya, ang ibig niyang sabihin nakahanap siya ng ebidensiya na magpapatunay na si lena nga ang tunay nilang nanay. mukhang naniwala naman si sapphire pero nagiguilty pa din siya.

  2. ptvj Says:

    salamat, cheesy. si ruby talaga…haaaay.

  3. Mums Says:

    sorry wala pa akong mabibigay na kwento kasi nasa work ako. Hindi naman pwede manuod ng video dito. Maghihintay na lang ako sa nyong kwento. 😉

    Ruby ikaw talaga pahamak ka!!!! ikaw kaya tuloy hindi ma solve ang mystery ng pamilya nyo!!!!!

    Uuuy!!! may nag comment na maganda daw kung si Rachel Ann Go ang Sapphire. Hey!!! that’s a good idea. Mas okey nga yon!!! maganda ang concert nila pagnagtataon. Patalbugan ng galing. 🙄

  4. Kris d, Says:

    Ate 2loy un kuwen2 ng isabela at pangarap, and maging cno ka man, k2 d2 lang namin nalalaman or nbbsa un nga drama na yan, maligaya na kami, kc wla kming tfc, pls,

  5. cheesygarcia Says:

    kris d, pwede mo naman panoorin sa http://www.pinoychannel.tv

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: