Pangarap na Bituin, Episode 55

by

Pag-alis ni Emerald, tuloy parin ang pagsasaya nina Lena at Sapphire.

Pinipigilan ni Ruby si Emerald na umalis ito kaya raw ba siya nitong iwan? Pumayag si Emerald pero this time daw lalaban na sila.

Hindi alam ni Ruby kung paano niya aayusin ang awayan ng mga ate niya. Biniro siya nito at niyayang magtanan. Naki-ride naman si Ruby at nagtawanan sila at the end.

Dumalaw si Emerald kina Cocoy. Sinabi ni Cocoy na tama ngang hindi siya umalis doon dahil walang magtatanggol kay Ruby. Second the motion naman si Chorva, pinaghirapan daw niya ang bahay na iyon pati na ang mga gamit kaya huwag na huwag siyang aalis doon.

Sinabi ni Emerald na nagdududa na ito lalo na noong narinig niya itong tumawa ng malakas after ng concert. Parang hindi raw talaga ito ang tunay nilang ina. Tinanong ni Cocoy kung wala raw a itong maaalala tungkol sa nanay nila. Wala raw talaga itong maalala.

Samantalang nagpapainterview naman si Sapphire sa mga reporters. Tinanong nila kung “sinulot” ba ni Sapphire si Terrence kay Emerald. Wala naman raw sulutan na nangyari. Noong itanong nilang kung magkakahiwa-hiwalay na raw ba ang Jewel Sisters, kung iyon daw ang gusto ni Emerald, ang sagot ni Sapphire.

Balak ni Emerald na ipapaimbestiga nila si Lena. Sinabi ni Cocoy na sikat na si Emerald, kapag may nakatunog na nagtatanong tanong sila at baka madyaryo na naman iyon. Silang dalawa na lang daw ni Chorva ang kikilos.

Itinanong ni Sapphire kay Lena, since nabuwag na ang Jewel Sisters, baka pwede na raw niyang makuha ang perang ipambabayad niya sa espesyalista ng tatay niya. Pinagalitan ni Lena si Sapphire, tatalikuran lang ba raw niya lahat ng natatamasa nila. Nagi-guilty na raw kasi si Sapphire at pagod na rin siya. Sinabi ni Lena na kailangan pa niya ang raket na iyon at kung hindi siya sinunod ni Sapphire, siya mismo ang huhugot sa life support ng tatay nito.

Nag-sorry si Emerald kay Sapphire dahil nagselos siya kina Terrence. Iyon lang daw ang pinag-so-sorry niya, hindi iyong mas sikat na si Sapphire sa kanya? Sinabi ni Emerald na wala namang kwenta sa kanya iyon. Ang mahalaga raw sa kanya ang magkakasama-sama silang magkakapatid. Kung iyon din daw ang mahalaga sa kanya [Sapphire] hindi raw aalis si Emerald, hindi mabubuwag ang Jewel Sisters.

Nag-dinner sa isang restaurant sina Ruby at Jeffrey. Naka-wig ito ng blonde para daw hindi sila makilala (mas makatawag pansin pa nga iyong wig niya. LOL). Umorder si Jeffrey ng dessert at kinilig naman si Ruby. Sinabi ni Jeffrey na may surprise ang cake, kaya dali-daling kinain ni Ruby (akala ata niya singsing ang nasa loob), iyon pala special strawberry ang surprise na sinasabi ni Jeffrey na nasa loob ng cake.

Ibinalita na ni Sapphire kay Lena na nakipagbati sa kanya si Emerald. Ayaw na sana ni Sapphire na ituloy pa ang panloloko sa kina Ruby at Emerald pero ginamit na naman ni Lena ang tatay nito as a leverage.

Nagtago sa ilalim ng mesa sa restaurant sina Jeffrey at Ruby noong nakita ni Jeffrey si Alberta. May katagpo itong babae. Para daw familiar ang mukha ng babae, sabi ni Ruby (naka-scarf kasi and shades kasi ito) hindi lang niya masyadong makita.

Usapan nina Lena at Alberta: nagsasaya sila dahil napabagsak nila ang Jewel Sisters at ikinukwento ni Lena na inaatake na ng konsensiya si Sapphire.

Galit si Lena kay Berns dahil si Sapphire ang ginagawang kontrabida ng mga press.

Nalaman ni Alberta na nagkikita pa sina Jeffrey at Ruby. Sinaktan ni Lena si Ruby dahil nagpapaalam itong lumabas. Hindi na raw siya makakalabas ng hindi nito kasama si Lena. Nakita ni Emerald na umiiyak si Ruby at susugurin na sana niya si Lena pero nasinungaling si Ruby at sinabi niyang namimiss lang niya si Chorva. (Hay, naku!)

Tinanggap ni Lena ang dati niyang tinanggihang gig sa Mental Hospital para raw luminis ang image ni Sapphire.

During the press interview sa hospital tinanong ni press kung hindi niya kasali sina Emerald at Ruby. Lena gave the impression na hindi sila interesado sa charity work. Sinabi naman ni Sapphire na she’s sure na gusto ring sumama ng mga “kapatid” niya pero hindi lang nag-work-out ang schedule.

Noong kakanta na si Sapphire, may isang babae sa audience/pasyente na nagsisigaw ng “Sapphire!” Inalis ang pasyente sa audience. Kumanta na si Sapphire.

(Sorry guys, grainy iyong video hindi ko alam kung sino iyong babae, pero parang si Nikki Gil). Pilit nitong sinasabi na siya si Sapphire habang dinadala siya kwarto niya…

13 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 55”

  1. Jerome Says:

    Si Sapphire nga yun!!

    Sana mahuli na yang Lena na yan…buwisit siya!!

  2. kaye Says:

    from the teaser, i thought the real sapphire was toni gonzaga but i think i’m way off. we’ll just have to see next week!

  3. meonthego Says:

    c nikki gil ba talaga yon? parang c toni gonzaga..?

  4. ptvj Says:

    i’m not quite sure kung siya nga iyon kasi nga grainy iyong video na napanood ko, although my sister said na si nikki gil nga iyon. but let’s see on monday😉

  5. meonthego Says:

    pero magkahawig rin nman cla ni toni at nikki.? OK let’s just see on monday..

  6. maka-TerrenceEmerald Says:

    Where’s Terrence in this eposide? Wala bang reaction from him after Emerald’s “I quit” scene? Nawawala na naman ang character ni Terrence which, I think, is very essential in the story proper. Bakit palaging scenes nina Ruby/Jeffrey ang dinadagdagan. Wala namang relevance sa storya. Sana may eksena na ulit sina Terrence/Emerald sa next episode. I miss them. Di ba sila ang main characters sa teleserye na ito? Observation ko lang naman ito..nakapagtataka… Happy to know that Nikki Gil might be the real Sapphire..

  7. NoCar Says:

    Uuyy! Hindi ko kilala si Nikki Gil, siya ba yung nasa Wowowee? Eh bakit naloka si Sapphire? Diba sa umpisa nagkaroon lang siya ng amnisia?

    Terrence para kang tange bakit ka naman nag walk-out ng kumanta ng solo si Emerald? Ano yun? Nasan naman ang support mo kay Emerald.

    I really love Ruby and Jeffrey love team. They are so cute. Pero Gusto rin naman namin may Terrence-Emerald din.

    Bruha kayo Alberta and Lena…. may araw din kayo.

  8. muma Says:

    Si Nikki Gil nga ang totoong Sapphire Gomez. I just found out with a reliable source.

    Oh… Say mo gumaganda na ang storya 😉

  9. Ay naku! Says:

    Tama Emerald lumaban kayo kung kinakailangan. Ruby be mature and do not tell lies. Fight for your rights dahil nananakit si Lena, kahit siya man ang tunay ninyong ina o hindi, hindi ba dapat you should realize this is unusual. Kapag nanakit ang isang adult it is child abuse at dapat isumbong sa kinauukulan which is a branch of government that takes care of minors being abused.

    Cocoy and Berns kayo ang adults so do something.

    Bakit nga ba puro Ruby and Jeffrey dating? Paulit ulit lang naman. The story is stagnant.

    Kailan kaya namin makikita ang episode na magkasama ulit si Emerald at Terrence sa scenes? We miss it.

  10. NoCar Says:

    Nikki Gil? Singer di ba sya?

  11. Mums Says:

    Si Nikki Gil nga ang tunay na Sapphire. I just found out from a very reliable source.

    Yeh…Hay!!!! Gumaganda na ang story.

    But wait we still need to see Terrence and Emerald be together again!!!!

  12. ptvj Says:

    noCar, i don’t know if she had an amnesia, pero ang alam ko hindi lang siya nagsasalita dati. that could be a sign of trauma.

    if she’s not “baliw” at napunta siya sa mental. it could just be a reflection of a bad mental health system.

  13. Janariel Says:

    Wow. I really love show!.

    I thought Rachelle Ann Go was going to be the real Sapphire…It would be cool if she was…

    Great Show…Can’t wait for the next episode!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: