Pangarap na Bituin, Episode 54

by

Siempre Lena dissuaded Emerald of her plans na buwagin ang grupo nila. Sinabi ni Lena na nagkagulo lang naman sila dahil kay Cocoy. Inakusahan naman ni Sapphire si Emerald na inggit sa kanya. Sinabi ni Ruby kay Emerald na na-i-stress lang daw ang lahat dahil bukas na ang concert.

Dinalaw ni Emerald sina Cocoy. Doon na rin nakatira si Chorva sa kanya. Dinalhan niya ng groceries ang mga ito.

Narinig ni Jimbo ang usapan nina Alberta at Loren tungkol sa panunuod nila ng concert ng Jewel sisters at ang tungkol kay Terrence. Sinabi nito na ibebenta niya ang istorya niya tungkol kay Terrence sa mga tabloids kung hindi siya bibigyan ng mas malaking pera ni Alberta. Alam nitong siya ang ama ni Terrence.

Nagtapat na si Sapphire kay Terrence. Sinabi niyang mahal niya si Terrence. Binasted siya ni Terrence, mahal daw niya ito bilang kaibigan.

Nag-de-deteriorate na ang kundisyon ng tatay ni Sapphire. Habang pinag-uusapan nila ni Lena ito, bumaba ng stairs si Emerald kaya sinabi ni Sapphire na ikinukwento lang niya sa nanay nila ang date nila ni Terrence at feeling daw niya magpopropose na ito sa kanya. Tahimik lang si Emerald kaya tinanong ni Sapphire kung ano ang problema niya. Siguro daw nagseselos siya. Umamin na rin sa wakas si Emerald at sinabi niyang kahit inagaw ni Sapphire sa kanya ang mga endrosements, etc. sana hindi na lang daw niya inagaw si Terrence sa kanya.

Sa gabi ng concert, nalaman nina Ruby na may sariling dressing room si Sapphire. Pero noong nalaman ni Sapphire na mas malaki ang kwarto nina Ruby at Emerald, kinuha niya ang kwartong iyon at iyon ang ginawa niyang dressing room. Nagreklamo si Berns pero pinigilan siya ni Lena.

Hindi pinayagan ni Alberta si Jeffrey na manood ng concert. Noong nalaman niyang walang flowers si Alberta for Sapphire, nagreklamo siya pero sinabi ni Terrence na hindi na niya kailangang gawin iyon dahil hindi naman talaga iya girlfriend ito. So, si Alberta na ang nagpadala ng bulaklak kay Sapphire, pero kunwari galing kay Terrence.

Sinabi ni Berns na dumating na sina Terrence sa Alberta sa audience, pero wala si JEffrey (nanood din siya of course, hindi nga lang alam ng nanay niya).

Nag-umpisa na ang performance nila. At one point bumaba pa ng stage si Sapphire at hinalikan si Terrence.

Hindi pumunta si Cocoy sa concert pero ayaw daw nitong maging negative ang concert nila para sa kanya. During their phone conversation (Cocoy and Emerald), narinig ni Cocoy na sinisigawan siya ni Lena, kaya sinabi nitong hindi kailangang magtiis ni Emerald. Habang kumakantan ng “Someday” si Emerald, nag-walk out si Terrence. (Bwahahaha!)

Nag-speech si Sapphire (iyong sa first episode), kumanta na sila ng “Pangarap na Bituin.” Nag-quit na si Emerald at nag-walkout ito sa stage. Nasa balita na ang pag-ku-quit ng The Jewel Sisters.

Nagsasaya naman si Alberta at sina Shirley nag champagne pa sila nito to drink to the “Most Tragic Concert in History.” DUmating si Jimboy to break the party pero hindi pa rin nagpahalata si Alberta kay Shirley.

Lena naman is pouring drinks at niyaya niya si Sapphire na uminom dahil akala niya silang dalawa lang nasa bahay at tuwang-tuwa nitong sinabi na “This is it! Atin na ang tagumpay!” pero hindi nila alam nakikinig si Emerald sa stairs.

Bumaba si Emerald at nagpakita sa kanila at tinanong kung ano ang tagumpay na sinasabi niya…(Kung sanang nagtago siya longer, e di maririnig niya pa ang mga usapan nila).

Naging defensive naman si Lena, sinabi niyang mahal daw niya ang pamilya nila. Sinabi ni Emerald na ni minsan daw ay hindi niya naramdaman na maging ina niya. Nagdrama si Lena pati na si Sapphire.

Pinalayas ni Lena si Emerald dahil wala daw itong kwentang anak. Sinabi ni Emerald na nabulag na siya sa kasikatan ng pera. Sinabi ni Lena na ayaw na niyang makita ang pagmukmukha ni Emerald dahil siya ang lason sa pamilya niyang ito…

Putol ang napanood kong teasers, pero nagdudua na si Emerald tungkol kay Lena. And it seems, may ibang Sapphire talaga.

8 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 54”

  1. Ay naku! Says:

    Yehey….basted si Sapphire. Beh buti nga.

    So Emerald it is time to get out of that house. Be with your erpat, Chorva and Terrence, ok.

  2. nawawala Says:

    oo nga.. bakit di pa nakinig ng mas matagal si emerald? ba’t lumabas agad? buti naman at nag-quit na si emerald! yey!!! at buti yan, wala na sya sa bahay na yoN!!

  3. nawawala Says:

    pinakita sa preview na may isang babae sa mental hospital na sinasabi nya na sya si sapphire!! !YES!!! hehehe..

    grabe, gigil na gigil ako kay Lena!!

  4. maka-TerrenceEmerald Says:

    Nice episode dahil nabasted nga si Sapphire…Salamat naman at si Emerald ang forever na nasa puso ni Terrence. Good for Emerald dahil kasama ulit niya sina Erpats at Chorva, ang original na kapamilya niya…Happy ako sa pag-quit ni Emerald. Hindi na niya kailangang magtiis..Lumalaban na siya at nagdududa na kina Lena at Sapphire…Magpa-investigate ka kaya to know the truth….Sana magka-ayos na sila ni Terrence.

  5. charmel Says:

    pwede i papakita c abby ng always………….

  6. charmel Says:

    diba ka lovetriangle niya d2 si ruby kay jeffrey…………

  7. queen Says:

    hay naku, buti naman at mukhang nagkakaroon na ng liwanag ang ating bituin, ha ha ha. ok, approve ang episode na to. manonood na siguro ako ng mga susunog na episodes🙂

  8. NoCar Says:

    Malungkot si Emerald dahil sa nangyari sa kanilang pamilya at sa Grupo nilang “the Jewels sister”………
    …… Na pinag-se-celebrate naman ng mga impaktang kontrabida na sila Miss A, Sapphire and Lena.
    Pero hindi nila alam na sa ginawa nilang ito lalo lang silang mabubuking na mga impostora ang mga impaktang Sapphire ang Lena.
    ……Kaya Emerald and Ruby huwag na kayong magbulagbulagan gumawa na kayong paraan na malaman ang katotohanan. Erpat and Papi Berns tulungan nyo ang dalawa. At Ruby please huwag ka ng mag go between. Maniwala ka na lang kay Emerald. Noon naman okay kayo kung hindi lang dumating at nakialam ang impostorang Lena at Sapphire.
    ….. And lastly, SCRIPT WRITTER ng PNB, please wag mo ng gawing super bobo ang mga bida at super galing naman ng mga kontra. Sana ibalance mo naman para patas ang laban. At Para hindi na kami mabadtrip at maembiyenna ng todo! okay!!! (*_*)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: