Ysabella, Episode 103

by

Si Ysay at Mito umaalembong sa isa’t isa habang si Albert naman humaba ang buhok.

Pagkatapos makituloy ni Lima kay Bonnie kay Reno naman ito nakituloy dahil mahigpit daw kasi kina Bonnie at ipinuslit lang siya nito dati.

(What, wala siyang pera? Wala siyang friends na iba?! Geez…)

Ikinuwento ni Reno na mayaman daw sila dati dahil nakadispalko ng malaking pera ang nanay niya. Pero tatay niya ang umako ng kasalanan kaya siya ang nakulong. Nagalit daw si Reno sa nanay niya at hindi nito nakayanan kaya nagpakamatay ito. Nagpalaboy-laboy daw ito at kinupkop siya ni Albert (I though it was Andrew…dahil matagal ng wala sa Pilipinas si Albert?). Pinayuhan ni Reno si Lima na magpalamig lang daw ito pero pagkatapos noon bumalik na siya sa nanay niya (who, by the was, was crying).

Masayang ibinalita ni Lima kay Reno na nakahanap ito ng bagong trabaho. Samantalang on strike naman ang mga tauhan ni Victoria. Nilapitan ni Victoria ang mga ito at nasaktan siya on the process.

Nag-meeting ang board at si Victoria. Iniisip nila kung paano pabanguhin ulit ang pangalan ni Victoria. Gagawa si Victoria ng charity works para makabawi sila sa bad publicity.

Binigyan ni Mito si Ysay (na bagong hairdo) ng application form para sa isang business school.

Iminungkahi ng board kay Victoria na para lalo silang makabawi, makipagbati daw ito kay Ysabella. Ayaw ni Victoria, over her dead body raw.

Masayang pumasok si Ysay sa first day ng klase niya. Iyon na raw ang simula ng pag-ahon niya…

Isang Tugon to “Ysabella, Episode 103”

  1. queen Says:

    I agree, bakit kina Reno pa siya nakituloy? Wala ba siyang pera pambayad ng apartment?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: