Pangarap na Bituin, Episode 53

by

Pinigilan ni Emerald si Lena na saktan si Ruby. Noong nagrereport si Lena kay Alberta sa telepono, pinuntahan ni Emerald si Lena sa kwarto nito para kumprontahin kung bakit niya ginawa iyon kay Ruby. Naririnig ni Alberta ang usapan nila kung at tinutuya pa niya si Lena at sinasabing mukhang hindi raw niya kaya si Emerald. Kaya lalo pa itong nagalit kay Emerald. Dumating din si Cocoy. Sinabi ni Lena na dinidisiplina lang niya si Ruby at sinabi niyang may karapatan daw ito dahil siya ang nagluwal sa kanila. Binalaan siya ni Cocoy, sa susunod na even as much as hawakan niya ang mga bata ipapakulong niya si Lena.

Sinabi ni Ruby kay Jeffrey na ayaw niya ng ganoon. Buti na lang daw at nakumbinsi niya sina Emerald at Cocoy na huwag sabihin kay Berns. Sinabi ni Jeffrey na walang kasalanan si Ruby. Namis-interpret ni Ruby ang sinabi ni Jeffrey na paliligayahin niya ito, dinala ni Jeffrey sa harap ng isang building si Ruby. Nag rereklamo si Ruby at wala itong tigil sa kakatalak — until umilaw na ang I Heart (as in heart talaga) Ruby. Kinikilig pero ayaw niyang magpahalata.

Natatakot si Lena na totohanin ni Cocoy ang demanda. Gumawa ng paraan si Alberta. Ginamit niya ang assistant niya at pinatawag si COcoy para sa isang private party. Noong naroroon na sila at kumakanta, may isang DOM na nagdemand na sumayaw sila dahil bayad na raw sila to do EVERYTHING. Nagalit si Cocoy sa DOM at nag-away sila.

Noong lumabas na ang Jewels at si COcoy sa function room, nakita nilang iniinterview sina Terrence at Alberta. Dinumog sila ng mga reporters especially nagsisigaw si Sapphire at sinabi niyang malilinis silang singers at she did not deserve this daw. Sinabi niya infront of the reporters na dinala sila ni Cocoy sa mga DOM at muntik na raw silang ma-rape dun.

Pinagalitan ni Lena si Cocoy. May mga reports against kay Cocoy sa mga diyaryo kaya raw magla-lie-low daw muna siya. Mangungupahan daw muna ito ng iba.

Sapphire and Lena can’t give it a rest. Patuloy pa rin ang pa-interview nila sa mga reporters tungkol sa DOM incident.

Kinumpronta ni Emerald si Sapphire dahil sa mga parinig niya kay Cocoy sa mga interview niya. Tinawag ni Sapphire si Cocoy ng bugaw at mukhang pera. Nagkasabunutan sila. Dumating sina Ruby, Chorva at Lena. Tinanong ni Lena kung bakit ang erpats nito ang kinakampihan niya ngayong sila ang pamilya niya. Sinabi ni Emerald na pamilya nga sila nagkakasakitan naman sila. Sana raw hindi na lang sila nagkita-kita.

Nag-walk out na si Emerald.

As usual, sinabi ni RUby na magpasensiya na naman sila sa mga kawalanghiyaan nina Lena at Sapphire. Para raw sa kanya patawarin na lang niya. Pumayag si Emerald — para daw kay Ruby.

Lumipat na ng bagong bahay sina Emerald. Nagwo-worry si Berns dahil daw baka raw hindi nila kayang bayaran (nasaan si Cocoy? Co-manager siya he has the right to object!). Sinabi ni Lena na marami naman silang mga gigs, esp. si Sapphire. At nag-usap na raw sila ni Alberta at tuloy na ang loveteam nina Terrence at Sapphire.

Kinuwestiyon ni Terrence si Alberta tungkol dito. Bakit daw noong nalilink siya kay Emerald ganoon daw ang pagtutol niya epro ngayon may love team pa sila ni Sapphire. Sinabi ni Alberta na user daw kasi si Emerald. Nag-protest si Terrence sa sinabi nito pero not as strong as before.

Nag-sign na ng contract sina Sapphire at Terrence.

Nakasalubong ni Ruby si Jeffrey at nag-hi ito kahit kasama pa ang mommy niya. May nakadikit na “I love Ruby” sa likod ni Alberta. Noong makita ito ni Alberta inalis niya ito at idinikit sa noo ni Jeffrey.

Pati si Chorva napag-initan ni Lena. Sinabi nito na sampid lang siya sa buhay nila at hindi na siya welcome sa bahay NIYA. Umalis si Chorva.

Sa susunod daw nilang concert dapat daw galingan nila dahil baka raw dalhin sila sa States kapag nagustuhan ang concert.

Excited sina Ruby, Berns at Sapphire. Si Emerald tahimik lang. Noong tinanong siya ni Lena about that, sinabi ni Emerald na malayo na ang nararating nila pero ayaw niya ng ganon [nagkakagulo].

Gusto niyang buwagin na lang nila ang The Jewel Sisters…

14 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 53”

  1. queen Says:

    Sige, Emerald, buwagin mo na nga ang the Jewel Sisters. Puro problema lang naman yan. Bumalik ka na lang sa kayong dalawa lang ni Mang Cocoy at kasama si Chorva. Masaya pa. Kainis na ang mga lintik na kontrabidang to! Grrr…

  2. nawawala Says:

    magrereklamo na naman sana ako pero pipigilan ko na lang… bweheheh..

    diba nakakatawa kase masyado tayong nadadala sa mga dramang ito? hehe! as in ako nababadtrip talaga ako minsan eh! tipong muntik nang masira araw ko.. tipong ganon.. haha!!

  3. cutie Says:

    tanong lng…..khit wla sa scene…..but hindi nkikita ng mga tao cna sapphire at lena pagnagpupuntang hospital db sikat n cya dpt atleast may mkkakita sa knya nagpupunta cya dun at mkita ung pinupuntahan nya….ano b nmn ung mga writer ska ung pkikipagkita nila kay alberta sa parking lot….pwde bang mawalan ng tao sa parking lot wla bang nakakakita nun db mga sikat cla dapat maraming nakatututok n mga mata sa kanila dapt almost reality ung mga story line n gngwa nila para lalong magandang panoorin…..ang interms of terrence at emerald….kala ko b mahal nya c emerald and for that one scene n nkausap ni emerald c jake nawala nang bigla….parang ewan lang…..and to emerald….kung mahal nya talga c terrence but hindi cya gumgawa ng time para magkasama cla kulang cya sa effort but c sapphire nagkkroon ng time para kay terrence eh magkagroup cla…hay naku….niloloko n tau ng mga writers…..and ang tagal nung kadugtong nung sa concert almost 2months nah…..yan lang ang macocomment ko……

  4. nawawala Says:

    cutie, agree ako sa lahat ng sinabi mo!

  5. genoa Says:

    NAKASALUBONG NI RUBY SI TERRENCE AT NAG HI ITO SA KANYA KAHIT KASAMA NIYA ANG MOMMY NIYA.

    BAKIT C TERRENCE ANG NASALUBONG NI RUBY? E DBA C JEFFREY YON?
    TSAKA BAKIT NAMA GANON YUNG MGA EKSENA?BAKIT D PARIN GETS NILA EMERALD AT RUBY NA HINDI NILA 2NAY NA NANAY C LENA!
    KA TOUCH NAMAN C JEFFREY.AYAW PA SAGUTIN NI RUBY.DIBA MATAGAL NA YUNG HINULOG CIA SA POOL? KUNG CNO MAN WRITER NITO,
    NAKAKALOKA!!!!!!!!!!!!!

  6. maka-TerrenceEmerald Says:

    Talaga nga…….Nakaka-bad trip nga naman…kasi nga nawala na ang characters ni Emerald at Terrence noon na hindi basta basta nagpapadala sa flow….lumalaban at nagsasabi ng kung ano ang nasapuso at isipan nila…
    please baguhin naman ang takbo ano..Parati na lang sina Ruby/Jeffrey ang may happy moments…kailan naman sina Emerald/Terrence? Wait nalang nga ako after the concert..

  7. ptvj Says:

    thanks, genoa. minsan kasi hindi na ako nag-pu-proof read😛

  8. Ay naku! Says:

    Tama ka cutie ang mga writers ang hindi nagiisip na gawing makatotohanan ang bawat episode dahil sa tunay na buhay hindi ito pueding mangyari. Mayroon dapat makakita kay Sapphire and Lena anywhere they go dahil nga sikat na si Sapphire.

    Tapos si Mang Cocoy, since siya ang adopted father ni Emerald, hindi siya dapat basta basta umalis dahil dapat kasama niya si Emerald as her guardian and adopted father. Wala nang karapatan si Lena as Emerald’s biological mother (which alam natin na hindi naman) dahil may papeles na adopted si Emerald ni Cocoy. At saka si Lena ay dapat niyang ireport for child abuse for mistreating minors.

    Ay naku… sino ba ang mga writers nito. Sumulat na nga ako sa customer service ng ABS-CBN pero mukhang hindi nakakarating sa kinauukulan.

    Dapat talaga umalis na lang si Emerald at sumama na lang siya kay Cocoy at Chorva. Masaya pa at walang problem. Pati tayong fans walang problema.

  9. NoCar Says:

    Ayoko ng ganito, nakaka EMBIYERNA! Napaka bilis ng maga pangyayari na naiisahan ng mga impaktang kontrabida ang atin mga bida. Ginagawa nila mga TANGA at BOBO ang ang mga character ng mga bida. Kaya naman tayong sumusubaybay nababadtrip ng todo. Kasa pwede naman hindi ganon. Dahil hindi makakatotohanan na gawin ENGOT ang atin mga bida. Pero sige, Okay lang pipilitin namin mga taga subaybay na hindi ma-affectohan. Iisipin na lang namin na FOR THE SAKE OF ART lang ang mga ginagawa nyo. (Mag-pigil kayo mga titas) 😉

  10. nawawala Says:

    “pati tayong fans walang problema”

    HAHAHA!! tama ka dyan, AY NAKU! =D

  11. genoa Says:

    DI KO MAINTINDIHAN!!!!!IBA NA TALAGA PAG MAPAG-MAHAL KA LALO NA SA KAPATD MO. ANG POBLEMA LNG KAPATD DIN ANG KONTRA-BIDA DITO! PERO NANONOOD PARIN AKO,,,WALA NA BA TALAGANG PAG-ASA SILA EMERALD AT TERRENCE? C RUBY AT JEFFREY NALANG BA? E KASI NAMAN WALANG KA LOVE TEAM C SAPPHIRE E. KAYA LAGING NAKIKIAGAW. PERO I BELIVE NA BIDA PARIN ANG MAGWAWAGI HANGGANG SA WAKAS.

    THE END

  12. ptvj Says:

    genoa, small caps next time. please.

  13. Chie Says:

    Sige ate Emerald ma ouit k n sa Jewel Sister pabayaan m n lng cla………….. kayang kaya m yan…………… kw parin ang pinaka magalin…………. fight figth………….. go girls………….

  14. Ay naku! Says:

    Go girl, Emerald umalis ka na lang diyan sa bahay at sumama sa tunay na nagmamahal sa iyo si Erpats at Chorva. Babalik pa ang dating ligaya sa puso mo kung gagawin mo iyan. Huwag kang magtiis. Iyang si Ruby eh pahamak dahil walang inaatupag kung hindi sarili niya. Hindi kasi niya tatay si Cocoy. At si Berns naman ay ride ng ride kung ano man ang sabihin ni Lena.

    Ay naku, gusto ko na tuloy matapos itong teleserye na ito para naman makagawa na ulit si Sarah ng ibang project na hindi siya api.

    Mang Cocoy at Berns kayo ang mga responsible na magulang so kumilos kayo please lang….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: