Pangarap na Bituin, Episode 52

by

Nag-away sina Cocoy at Lena at inawat sila ni Ruby, isang performance lang daw iyon pinag-aawayan din nilang magkakapatid (Hay naku Ruby!!!). Pagkatapos nakipagkita na naman sila kay Alberta. Sinabi ni Alberta na agawin ni Sapphire kay Emerald ang bagong endorsement ni Emerald. Hindi pa rin daw kuntento si Alberta doon, dapat daw pahirapan niya sina Ruby at Emerald. Ayaw sana ni Sapphire dahil hindi raw kasama sa usapan iyon pero ipinaalala ni Alberta na may tatay siyang nakaratay sa ospital. Sa bawat luha at sakit na mararamdaman nina Ruby at Emerald, may katumbas na bayad.

May billboard na si Sapphire.

Nag-away sina Cocoy at Lena. Bakit daw kinuha ni Lena ang endorsement ni Emerald. Sinabi ni Lena na bakay komisyon lang daw ang ikinakasama niya ng loob. Ibinigay nito ang parte ni Cocoy pero hindi ito tinaggap ni Cocoy at sinabi niya na hindi mahalaga ang pera, mas importante ang nararamdaman ng mga bata.

Naipaliwanag na ni Jeffrey kay Ruby na hindi niya talagang nililigawan si Abby. At sinabi nito na binabago niya ang sarili niya (bumalik na siya sa pag-aaral at nagtatrabaho siya sa mommy niya) para kay Ruby. Kinilig naman ito pero hindi nagpahalata. Bago ito umalis sinabi niyang hihintayin nito ang panliligaw niya.

Ginawang janitor ni Alberta si Jimbo para kaysa raw lagi siya naba-black mail nito. Sinabi niya kay Loren na may plano ito at sisiguraduhin niyang mabubulok si Jimboy sa kulungan.

May binayarang mga fans si Lena para mag-cheer para kay Sapphire with matching banners pa sila sa peformance ng mga Jewels.

Pagkatapos ng performance nakita ni Sapphire si Terrence. Nalaman niyang bumalik na ito kay Alberta at marami na rin siyang projects. Niyaya ni Sapphire na magkape si Terrence. Noong tinanong ni Terrence kung nasaan ang mga kapatid niya sinabi niyang umalis na ang mga ito. Umalis sandali si Terrence at dumating sina Emerald. Sinabi ni Sapphire na hindi na siya sasabay sa kanila dahil ihahatid na siya ni Terrence pauwi. Nagyaya na rin si Terrence, pero sinabi ni Ruby at Chorva na sumama na rin sila. Pero pinigilan sila ni Emerald dahil lakad daw nila iyon huwag na silang sumama. Maganda nga raw iyon may kaibigan si Terrence. Umalis na sila at dumating ulit si Terrence. Hindi agad bumaba ng stairs si Emerald kaya nakita niyang umalis magkasama sina Sapphire at Terrence.

(I’d feel sorry for you Emerald, kaso para ka naman kasing tanga e! Pwede namang more than one ang mga friends no…geez!!!)

Nalulungkot naman si Ruby dahil nararamdaman daw niya ang tension between Emerald at Sapphire kaya tinawagan niya si Jeffrey at niyaya niyang lumabas. Hindi raw pwede si Jeffrey dahil may study group siya. Nararamdaman daw ni Berns na baka raw may ibang nililigawan si Jeffrey. Sinundan ni Ruby si Jeffrey, in cognito.

Kumakanta ito sa isang bar at pumasok doon si Ruby para manood ng performance.

Pag-uwi ni Sapphire ikinuwento niya kay Emerald na ang sweet ni Terrence dahil akala niyang coffee lang pero dinala niya ito sa isang sweet na lugar. Tinanong ni Sapphire si Emerald kung nagseselos ito at kung okay lang na mag-date sil, sinabi ni Emerald na wala siyang karapatang mag-selos. Tinanong ni Emerald paano kung hindi raw siya pumayag? Bakit daw sabi ni Sapphire, wala naman siyang right para payagan siya or i-forbid siyang lumabas sila ni Terrence. And besides daw, hindi naman niya kailangan ang permission ni Emerald para makipagdate kay Terrence. Sinabi ni Emerald na mag-date daw sila hangga’t gusto nila (in a nice way pa rin…grr!!!).

Inapproach ni Ruby si Jeffrey at nagpakilala. Bakit daw iyon lang palang ang ginagawa niya ay itinatago pa niya dito akala raw tuloy niya may iba na siyang babae. Sinabi ni Jeffrey na panoorin niya ang next set niya. Dinedicate ni Jeffrey ang kanta niya para sa isang babae sa audience na patay na patay sa kanya…pero okay lang daw dahil patay na patay din naman siya dito. Kumanta na ito.

Kinuha ng Love Spell si Sapphire…at nalaman lang nina Emerald na si Terrence ang kapartner nito noong dumalaw sila sa taping. (May kissing scene ba sila? Hindi ko nakita at the end).

Pagkatapos ng taping, dumating si Alberta. May chemistry daw sina Sapphire at Terrence. Ang galing daw umarte ni Sapphire. Gusto daw niya si Sapphire dahil mukhang may pinag-aralan parang may breeding daw hindi raw kagaya ng iba mukhang asong ulol. Pero teka raw hindi raw dapat i-compare siya sa mga aso dahil unfair daw sa mga aso iyon. Sinabi ni Emerald na hindi raw sila dapat kinukumpara sa aso…(dahil daw baka magkarabies si Alberta? Sorry hindi clear ang video e).

Patuloy ang pagsikat ni Sapphire –alone. At sumisikat na rin ulit si Terrence. Patuloy pa rin ang paglabas nilang dalawa. Si Ruby naman pinapanood parin si Jeffrey sa bar.

Hinarap ni Alberta si Jeffrey dahil sa kumakalat na tsismis na magkasama sa bar sina Jeffrey at Ruby. Umamin si Jeffrey at sinabi niyang gusto niya si Ruby at wala siyang magagawa. Tinawagan ni Alberta si Lena.

Sinaktan ni Lena si Ruby…

13 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 52”

  1. Mums Says:

    Ano pa ba ang masasabi natin……… at this point winner ang mga kontrabida.
    …….Pero pasasaan ba mananalo parin ang mga bida natin at the end. …………Which I think hintayin nalang natin. Huwag muna tayong manuod ngayon. Nang hindi tayo masyadong ma badtrip.😆

  2. NoCar Says:

    Emerald huwag kang martyr. Ang pangit tuloy ng dating. Very typical drama. Mas Exciting kung lalaban ka ng sabayan.
    Terrence “fling” mo lang si Sapphire ha pls. lang. Magagalit ang funs nyo ni Emerald.
    Ruby and Jeffery I love you guys your the Best.
    Sapphire masyado kang Malan_____!!!!
    Alberta bruha ka talaga!!!!!
    Lena bwiseet!!!!!!

  3. nawawala Says:

    TANGA-TANGA MO EMERALD!!!!!! nahahayblad ako sayo!! bwiset!!!! kung mahal mo yung tao, ipaglaban mo!! hindi yung pinamimigay mo!! bwiset!!!!!!!!!!!!!!!! tanga!

  4. queen Says:

    Tama ka MUMS, di na muna ako manonood nito kasi after every episode sobrang bad trip ako🙂 Pano naman si Emerald parang tange, bakit niya hinahayaan na lang si Terrence? Isa pa di ba tinanong na nga siya kung ok lang magdate si Sapphire at Terrence, dapat sinabi na niya ang totoo na hindi puwede dahil boyfriend niya si Terrece, in short, usapang kapatid, walang sulutan. Ayan tuloy, naaagaw na sa kanya si Terrence. Kahit ako naman si Sapphire kung di ko alam na bf ng kapatid ko ang lalaki e di i-dedate ko rin and in fairness to Terrence, maghanap na rin nga siya ng iba dahil mukhang di naman siya pinapahalagahan ni Emerald. Hay naku, kainis. Hintayin ko na lang pagmalapit na ending🙂

  5. slim Says:

    i think yan nalang ang gagawin ko, Mum….hindi ko na muna papansinin sina terrence/emerald para hindi ako mabwiset….manonood nalang ako for ruby/jeffrey…pero malamang hihirap na rin ang love story nila ngayon….may pagganti pang nalalaman itong si alberta….sana nga malaman ni benedict yung secret niya para naman makarma siya ng konti…sana po talaga concert na at the end of this week…pls naman po…..

  6. ~luvZ ko pangarap na bituin~ Says:

    ang cute ni ruby at si jeffrey….

  7. watusiboy Says:

    wow..napakacomprehensive naman nitong blog na ito. dapat bigyan ka ng award ng channel 2

  8. luver Says:

    ano ba ang title sa song na kinanta ni jeffrey sa bar kasi gusto ko ang mga kinanta nya. para kasing na in luv din ako

  9. ptvj Says:

    watusiboy, lol baka magalit pa nga sila…pero kung gusto nila akong bigyan ng award…pwede na si piolo. hehehe.

    luver: hindi ko alam, e. meron bang may alam nung kanta? nananawagan po kami…

  10. Ay naku! Says:

    good luck sa midterm mo ptvj

    Sa totoo lang walang kasalanan si Emeral at Terrence. Ang may diferencia ay ang writers ng PNB dahil very strong ang charater ni Emerald sa simula tapos biglang nawala. Bakit ganoon??????

  11. strayed Says:

    ung isang song ni jeffrey alam ko po, HILING po un, check nyo nalang sa youtube.

    go Emerald, Ruby and Jeffrey!🙂

  12. genoa Says:

    LUVER title nung kanta PANGARAP KONG MAHAL.

    KAINIS NAMAN NI2NG EPISODE NA 2.
    HABANG 2MATAGL LALO AKONG NAIINIS.
    BUTI CNA JEFFRY AT RUBY NAKA2TUWA.
    KUNG WALA CLA,BASAG NA T.V. NAMIN.
    TAGAL N.

  13. strayed Says:

    yup Hiling then ung 2nd song Pangarap kong Mahal

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: