Ysabella, Episode 101

by

Natulala si Trining habang hawak-hawak pa rin nito ang fake bomb.

Tuwang tuwang pinapanood ni Victoria ang balita tungkol sa pagkakadala ni Trining sa ospital at ang takot na dinala niya kina Ysay. Samantalang si Fernando ay nagalit na kay Victoria dahil hindi nito ine-expect na magagawa niya ito.

Na-trauma daw si Trining sabi ng doctor at hayaan na lang daw muna itong magpahinga at eventually ay gagaling din ito.

Sinabi ni Fernando kay Victoria niya ang tagal niyang umasa pero nagkamali daw ito dahil hanggang ngayon daw ay pera lang at pangalan ang mahalaga sa kanya. Nagpakatanga lang daw pala ito, pati si Rosario ipinagpalit niya kay Victoria. Nabigla si Victoria at pinapaulit ang huling sinabi ni Fernando pero umalis lang ito ng hindi inuulit ang sinabi. Dumating ang mga pulis para imbestigahan si Victoria sa nangyari sa Rosario’s Cucina. Itinanggi ni Victoria na may kinalaman ito sa nangyari. Kung gusto daw nitong tumanggi edi sana raw hindi na nito iniurong ang libel case against Ysay.

Bumalik na sa normal si Trining pero hindi pa rin nito naaalala ang part tungkol sa bomba. Hindi na muna sinabi nina Ysay dahil baka raw lalo lang siyang maapektuhan.

Nagtatalo sina Victoria at Lima dahil hindi makapaniwala si Lima na nakuha pa ni Victoria na gumawa ng gulo kina Ysay. Ngayon daw naiintindihan na ni Lima kung bakit siya iniwan ng mga kuya niya dahil nararamdaman na rin daw niya mismo. Aalis na rin si Lima. Sinabi ni Victoria na wala itong pakialam kahit umalis pa si Lima.

Pinuntahan ni Ysay si Mito na nagluluto ng pasta (another commercial-like scene na naman ito). Sinabi ni Mito na walang nakitang ebidensiya ang mga pulis na nag-lilink kay Victoria sa prank na nangyari. Hindi na sigurado si Ysay kung kaya pa niya ang labanan. Sinabi ni Mito na hindi raw siya mawawala sa tabi ni Ysay.

Bumisita na rin sa wakas si Ysay (with everybody) sa puntod ng ina at ni Perry. Humingi ito ng tawad sa ina, pero sa susunod raw hindi na siya magpapatalo kay Victoria. Dumating si Fernando at pilit siyang pinapaalis ni Trining.

Sinabi ni Fernando na naroroon siya para humingi ng tawad…kay Rosario. Kung sana raw na hindi niya iniwan si Rosario baka naprotektahan niya ito from Norman at hindi sana nangyari ang lahat.

Hindi makapaniwala si Ysay sa narinig…

4 Tugon to “Ysabella, Episode 101”

  1. wah!!! Says:

    Wah!!!!!!!lah!!!! lang next episode pls!!!!!!……..

  2. queen Says:

    uy promisingđŸ™‚ baka si fernando ang bago nilang kakampi against Victoria. pero sana naman, matapos na ang gulo at wag nang maging super heavy drama ang soap na to.

  3. nawawala Says:

    sa wakas at nagkaron din ng saysay ang mga sinasabi ni lima… bwehehehe…

  4. NoCar Says:

    Lima!!! At last, you have seen the truth and the light. Sana rin huwag ka ng iiyak ng walang dahilan. Maga na talaga mga mata mo. Mga O.A. ang mga character ng mga Artista dito hindi realistic. Nakaka-umay na ang dating. Saan kaya patutungo ang storya nito, parang paikot-ikot lang. Wlang bagong ino-introduce na story. Kakasawa !!!!!!! ;(

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: