Pangarap na Bituin, Episode 51

by

Nagkita sa may parking lot sina Alberta, Lena at Sapphire. (Teka, dito na ba tayo sa part na to? parang putol yata ang napanood ko last week then kung andito na sa part na to. O putol lang ang start ng video for today’s episode? Hmnnn…)

Pamangkin daw ni Lena si Sapphire. At tuwang-tuwa sina Alberta at Lena habang tahimik lang si Sapphire dahil gusto na niyang kunin ang pera na ibinibigay ni Alberta para pambayad sa Tatay niyang nasa ospital. Ibinigay na ni Alberta ang pera at umalis na sila.

Nagmamadaling ibinigay ni Chorva ang telepono kay Ruby dahil nanalo daw ito sa raffle. Si Jeffrey lang pala ang nasa kabilang linya.

Habang papasakay ng kotse sina Alberta at Loren. Kinukwestiyon ni Loren kung bakit ginagawa ni Alberta ang mga panlolokong ginagawa niya sa pamilya nina Emerald (re Lena and Sapphire). Para daw kay Terrence lahat ng ginagawa niya sabi ni Alberta. Nakita ni Loren si Jimbo. Humihingi na naman ng pera si Jimbo (Not clear kung binigyan niya ito ng pera).

Sinabi ni Alberta kay Loren na natatakot siyang sabihin kay Benedict ang katotohanan. Itinago daw niya ang lahat kay Benedict dahil mahal niya ito at ayaw niyang mawala ito sa kanya.

Flashback: Nagkita sina Jimbo at Alberta habang sila na ni Benedict. Jimbo slipped Alberta’s drink with a roofie and raped her. Nabuntis si Alberta — at si Terrence ang bunga.

Kinuha ng advertising head ng Jollibee (who is this guy? He looks familiar!) si Emerald at kinuha nila itong endorser ng Jollibee.

May billboard na si Emerald. Sinabi ni Lena kay Sapphire na mas magaling pa siya kay Emerald at mas maraming darating sa kanya.

Hindi sumasagot ng telepono si Terrence kaya nakiusap si Cocoy na tawagan siya ni Emerald. Ayaw sana ni Emerald pero nag-aalala na daw si Cocoy. Lasing na sinagot ni Terrence ang telepono. Sinabi ni Terrence na wala na silang pakialam sina Emerald at Cocoy sa kanila. BUti pa raw si Sapphire totoo niyang kaibigan. Sinabi ni Emerald na naaawa daw ito sa kanya, sinuntok ni Terrence ang salamin.

Dinalaw nina Cocoy at Emerald si Terence at patuloy pa rin ang self-pity nito. Tinawagan ni COcoy si Alberta.

Iniuwi ni Alberta si Terrence. Sinabi ni Cocoy kay Emerald na masama si Alberta sa kanila pero gagawin daw nito ang lahat para lang maiangat ang career ni Terrence.

Kinonsensiya ni Saphire si Emerald dahil tumatanggap ito ng mga solo endorsements. She made her feel bad about it at sinabi niya na kapag siya ang nakatanggap ng endrosements, tatanggapin din daw niya ito.

Hindi na tinanggap ni Emerald ang endorsements niya para wala na raw samaan ng loob. Pinalitaw ni Sapphire na hindi naman masama ang loob niya and never na sumama ang loob niya.

Sinapawan ni Sapphire si Emerald sa performance nila. Kinanta nito ang dapat na linya ni Emerald.

Sa backstage tinanong ni Cocoy kung nasira ba ang mic ni Emearld bakit hindi ito nakakanta. Sinabi ni Emerald okay naman ang mic niya pero hindi siya binigyan ni Sapphire ng chance na kumanta. Nadala lang daw si Sapphire sa pagkanta kaya itinuloy na niya. Inakusahan niyang kumakampi si Cocoy kay Emerald (this is all happening while Berns, Ruby, Cocoy, Emerald, Sapphire and Lena were all there). Sinabi ni Sapphire na hindi porke’t si Emerald ang nagstart ng grupo, pwede na itong magbida-bidahan.

Itinulak ni Sapphire si Emerald. Huwag daw niya itong itutulak dahil baka raw kung anog ang magawa niya sa kaniya. Sinabi ni Emerald na hindi naman siya nagbibida-bidahan kung hindi si Sapphire.

Sinampal ni Sapphire si Emerald…

11 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 51”

  1. maka-TerrenceEmerald Says:

    Ang nabitin pala na eksena nina Terrence/Emerald ay doon sa emergency room kung saan ginamot ang kamay ni Terrence…Bakit walang continuation ang scene na iyon? More scenes sana nila sa next episodes…as I said kahit secret lang, di ba?

  2. Ay naku! Says:

    Cocoy and Berns why are you allowing these things to happen to your adopted children? If you are the adopted parents of Emerald and Ruby, you should have done a DNA testings to prove blood relationships with Lena and Sapphire. Also, the biological parents has no right to the child once the child is legally adopted. Ano ba kayo, considering na kayo pa naman ang adults. Please do not insult the viewers intelligence, hay naku.

  3. Ay naku! Says:

    sorry for typo, should read: biological parent

  4. queen Says:

    Ano ba yan? Nagiging typical soap na, andami ng conflicts! Ang kapal ni Sapphire!

  5. NoCar Says:

    Wow!!! In fairness, kahit nakaka bwisit ang mga kontrabida, all I can say is “Good Job” effective kayo.
    And to Emerald…. GO Girl!!! fight ka lang. Bida ka pa rin kahit lumalaban ka sa kontra bida. (hindi na uso ang martyr na bida)
    And to Terrence…. na aawa ako sa kanya dahil wala siyang kamalay-malay biktma sya ng sarili niyang nanay, na pati career and love life niya ginawang miserable ng sariling nanay. ;(

  6. slim Says:

    pag wala silang ginawa matapos sampalin ni sapphire si emerald sa harap nilang lahat (lalo na sina mang cocoy at berns), wala na ko talagang masasabi….martyr na siya and ayoko sa mga soap operas ang mga martyr na characters…di kasi makatotohanan…hay naku talaga….

    terrence…be a man and get over it….mas importante ang mga kaibigan/totoong pamilya kaysa sa career mo….

  7. Mums Says:

    Comment lang ha hindi ito tungkol sa episode today……

    Kung fake sila Lena and Sapphire.

    …d kaya si Chorva ang tunay na “Sapphire”? Since at the start Chorva said she do not know her real family and real identity. And She only go wherever she feels to go. Eh diba at the very start she is very supportive and very very close to Emerald, and then got close to Ruby too? (Although hindi nga lang siya sikat na sikat na artista)

  8. maka-TerrenceEmerald Says:

    Come to think of it…Sobra na talaga ang pananmpal kay Emerald…Una si Lena, tapos si Sapphire..Sino pa ba ang susunod…si Alberta,? si Terrence? Lahat na ng characters…Tapos walang action na gagawin sina Cocoy at Papa Berns? Sino ba ang pinalaki at mahal ninyo Ha? Si Sapphire na naman ang bida after ng scene na ito, after na nanampal…hindi ba malalaman ni Terrence ang ginawang ito ni Sapphire? Kaibigan pa rin ang dating niya kay Terrence? Parang impossible naman, di ba? Nagtatanong lang po….

  9. ~luvZ ko pangarap na bituin~ Says:

    …tama si, Ay Naku!….dapat nag pa blood test si Lena, Spphire at si Emerald…and nakakainis si Sapphire, i want her to stay away from Terrence..

  10. nickki Says:

    i used to love this show, cnusubaybayan ko talaga. pero lately yoko na naiinis lang ako super martir no ndi type. c alberta, i hate her!!!!!!!!!! sobra sya kala mo kung cno kung man lait ng tao eh me skeleton din naman pala sa closet!!!! masyado syang bad🙂 meron ba talagang mga taong ganun n real life??? nag tatanong lang poh. c sapphire, 0i wag syang mag magaling , aayaw ayaw pa kunyare nung una tapos super kapal nya ha… kaya antay na lang ako pag malapit na matapos saka ulit ako tututok sa panonood🙂 basahin ko nalang d2 sa site ang nangyare pag ndi tinamad. more or less me idea na rin naman tau kung paano mag end ang telesirye di ba, masarap lang din kasing manood sana kaya lang minsan nakaka HB!!!🙂 kaya pahinga muna c me

  11. queen Says:

    I agree with you nikki, di ko na rin siya sinusubaybayan like before. dito ko na lang tinitingnan kung ano ang mangyayari. I’ll just watch pagmalapit na ang ending. masyado kasi akong affected lalo na pagsobrang martir ang mga bida and sobrang masama ang kontrabida. nakakainis lang.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: