Ysabella, Episode 100

by

Dahil wala pa rin sa mood si Ysay, napag-isipan nina Mito at Trining na sopresahin ito.

(Hay naku ang kukulit niyo! Hayaan ninyo muna mag-grieve ang tao. Geez.)

Umiiyak si Ysay at nagpapasorry sa nanay niya dahil natalo daw ito.

Inutusan ni Trining si Ysay na magbayad ng mga bills para matagal itong mawala sa bahay nila para magawa na nila ang mga sorpresa nila.

Nalaman ni Victoria sa isa sa mga tauhan niya na may okasyong inihahanda ang mga tao sa Rosario’s Cucina. Niyaya siya ni Fernando na kumain sa labas pero tumanggi ito dahil may aabangan daw itong balita later on.

Hindi pa tapos i-ayos nina Alex ang restaurant noong dumating si Ysay. Nalaman niyang sorpresa ito para sa kanya. Sinabi niya sa kanila na okay lang siya. Nagalit ito dahil isinara nila ang restaurant, baka malugi daw sila. Ipinaligpit niya ang mga mga dekorasyon pero sinabi ni Alex na itutuloy daw nila iyon at walang magliligpit. Kumakanta sila (Alex, Trining, Mito at Jordan) sa karaoke habang nakatayo lang si Ysay doon. Umalis si Ysay.

Damage control naman para sa Victoria’s Corporation ang inaasikaso ni Lima.

Humingi ng pasensiya si Mito kay Ysay kung hindi raw nito nagustuhan ang sorpresa nila sa kanya. Gusto lang daw nilang mabalik si Ysay. Sinabi ni Ysay na lumalaban naman daw siya at hindi muna nito kayang maging masaya. Ni hindi raw niya mapuntahan sa puntod ang nanay niya dahil nahihiya daw ito. Nag-sorry si Ysay dahil hindi raw nito kayang maging masaya. Sinabi ni Mito na sa kaso lang daw sila talo hindi sa buhay. Ginawa daw nila ito para ipakita sa mga kalaban na kaya pa rin nilang maging masaya despite everything. Itutuloy pa rin daw nila ang party sa labas, kung nitong sumali bahala na raw siya.

Iniwan na ng tauhan ni Victoria ang gift wrapped box sa Rosario’s Cucina.

Ibinigay ng guard kay Trining ang regalo at binuksan nila ito. Nakita nilang bomba ang laman. Pinagpasa-pasahan nila ito…

Zero na countdown sa bomba…

6 Tugon to “Ysabella, Episode 100”

  1. 01m25a19r90k Says:

    nako.. sa tingin ko malalagay sa kapahamakan c trining.. pero pano na lang kung mamatay c trining.. nako talagang napakaganda!! kse dalawa na rason para maghiganti c ysay, ang pagkamatay ni rosario, at ang sakaling pagkamatay ni trining…

    pero sa tingin nio, makukulong na nman kea sa victoria?

  2. ROSE Says:

    anu b yn!! hlatang utos ng director (tsk3!!) mgzezero n ung countdown tpos pnagpsapsahan nla!! anu b yn!!

    nffeel q ppanig ung tatay n ysay s knila in d end dhil s mga pnagggawa n victoria k ysay…

  3. NoCar Says:

    Ang corny corny naman ng bomba effect nila. Napaka oldschool and corny pa ang dating may pahagis hagis pa. Eh bakit ganon? ….ang laking bomba noon tapos si Trining lang ang na damage? diba dapat lahat sila pati ang Rosarios Cusina nasabugan?

    HAaaay…. kelang kaya gaganda ang takbo ng storya ng mga ito pati PNB.šŸ˜¦

  4. queen Says:

    ang galing ng timing ng gumawa ng bomba no? eksaktong pagbukas ni tiyang 10 seconds na lang. Pano kaya kung na-traffic ang driver? hmmm… šŸ™‚

  5. nawawala Says:

    hay nako!!!!! ano ba naman yan!! at hindi ba nag-iisip si victoria? shempre pag nabalita yung bomba na yon, malamang sya yung magiging suspect!!!! grrrrrrrr!!!!!!!!

  6. Mums Says:

    Okay okey… miske panget ang mga episode ito sige parin tayong sumusubaybay….

    san na po ang episode today? para lang may mapagusapan tayo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: