Pangarap na Bituin, Episode 50

by

Dumating na sina Sapphire sa backstage para ipakilala si Terrence kay Lena. Nag-beso-beso pa sina Sapphire at Terrence (with the same warmth that he used to share with Emerald). Awkward naman ang pag-he-hello nina Emerald at Terrence. Bago umalis si Emerald, nakita niyang tinulungan ni Sapphire si Terrence na ayusin ang kwelyo ng polo niya.

Nasa loob na ng venue sina Alberta, Benedict at Loren (nagka-eye-to-eye na sina Alberta at Buboy). Nakita ni Alberta si Abby at pinasamahan niya ito kay Jeffrey. Nagkita-kita sina Ruby at Jeffrey noong kasama niya si Abby.

Pinuntahan nina Alberta si Terrence sa backstage to wish him luck.

Nag-umpisa na ang performance ni Terrence (Habang si Jeffrey pilit kinukuha ang atensiyon ng galit na galit na si Ruby). Nagpasalamat siya kina Alberta, Benedict, Cocoy at sa Jewel Sisters.

May isang lalaking sumigaw asking for the Jewel Sisters instead of Terrence, sinamahan pa siya ng ibang mga binayaran nina Alberta para bastusin si Terrence. Ngising aso naman si Alberta habang nangyayari ito. Habang nakaupo lang at walang magawa sina Emerald at Cocoy. Pinaalis nina Cocoy sina Emerald bago pa raw magkagulo doon. Ayaw sana ni Emerald, pero sinabi ni Cocoy na siya na ang bahala kay Terrence.

Naluluha namang naiwan sa stage si Terrence habang nakatingin si Alberta. Nagkaroon na ng commotion at nadapa si Ruby, kaya binuhat siya ni Jeffrey.

Sinisisi ni Alberta si Cocoy sa lahat ng pangyayari. Ang siempre ipinromote niya ang sarili niya kay Terrence.

Galit pa rin si Ruby kay Jeffyre dahil kahit ayaw niyang aminin, nagseselos ito noong makita niyang magkasama sila ni Abby.

Nag-se-self-pity na talaga si Terrence sa sarili.

Habang ginagamot ni Lena ang sugat ni Ruby sinabi niya na kung sana raw na may say siya hindi mangyayari iyon. Na-manipulate niya ang mga ito sa pagpayag na gawing manager din siya ng mga ito. Sinalubong ni Lena sina Cocoy at Berns sa gate at sinabing ni-request daw ng mga anak niya na maging manager din siya ng mga ito…

(Could it be na kapatid talaga nila si Rica pero niloloko din siya ni Lena at pinapaniwalang hindi siya si Sapphire para lang may kasabwat siya?

Putol ang teasers pero nakita ko na magkasabwat sina Alberta at Lena. At ipinakita rin iyong concert nila sa first episode.)

6 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 50”

  1. queen Says:

    hay, naku. naiinis na ako sa kuwento nito. puwede ba yon? basta na lang ganon sina Emerald at Terrence? bakit walang time si emerald eh mukhang nasa bahay lang naman siya after nung gig nila last time hinihintay si sapphire. si ruby nga nakipag-date pa kay jeffrey. ang labo! tapos wala ba silang napagbigyan ng tickets na totoong fans ni terrence at hindi mga hakot ni alberta?

  2. nawawala Says:

    bakit wala atang effort si emerald para makipagbati kay terrence??? ano bang klase yan!!!

  3. MAKA-TERRENCE/EMERALD Says:

    Medyo ok na rin na nakita ko on this episode na nagtinginan sina Terrence/Emerald kahit saglit noong dumating sila sa concert ni Terrence. It looked like they really care for each other pa rin…Hindi nagbabago….Siguro naman next episodes ay gagawa na sila ng ways to patch up their LQ kahit sa gitna ng kanya-kanyang maraming family problems (na iba at labas naman from their relationship) Please naman….magbati na kayo kahit na secret lang ulit gaya ng dati…masaya na kami pag nangyari iyon…..

  4. NoCar Says:

    Napipilitan na akong ma-accept ang kwento ngayon,(With Lena and Sapphire as a “kampon” lang pala ni Alberta)meaning parang isa lang ang motive nila……
    Pero it doesnt mean I already like it. Natutunan ko lang magustohan ang mga bwiseet na mga kontrabida.
    …. Pero ayaw ko pa rin ang part na LQ nila Emerald & Terrence. Hindi ko matatangap yan kasi nga “childhood sweetheart” pa sila noon kaya hindi makatotothan na hindi nila ipaglaban ang kanilang relationship.
    ….I love Ruby and Jeffrey kahit naaaway nagkakasundo rin. At kahit may ipinipilit na third party na sinasaksak ni Miss “A” , Solid parin si Jeffrey kay Ruby.

  5. Ay naku! Says:

    Tama ka nocar. If they could give the time for Ruby and Jeffrey to have their own scene everytime, why not Emerald and Terrence own scene every episode? At least we will be satisfied if they will be given similar scenes like Ruby and Jeffrey. Every episode there is one moment alloted to Ruby and Jeffrey when Terrence and Emerald were always with someone. How come? Kanino bang teleserye ito? Kay Ruby at Jeffrey ba?

    Talagang bwiseet si Alberta, Lena at Sapphire. Ay naku..Wala na bang mangyayaring maganda sa buhay ni Emerald kung hindi masama. Wala ng maganda ah. At lahat ng minamahal niya nawawala. Grabe namang pahirap ito sa buhay niya.

    We want nice things to happen to her naman dahil mabait siyang bata.

  6. maka-TerrenceEmerald Says:

    Correct ka nga NoCar….Dapat mas mapakita ang true love nina Terrence/Emerald dahil nga napakatagal na ng pinagsamahan nila….since childhood nga… Dapat hindi mababaw….It shoud be Solid….matibay forever…Walang maaaring maka-break kahit ano o sino pa, di ba?
    Sa episode today ay bitin na naman ang scene nila…dapat may continuation pa iyong eksena sa condo ni Terrence, dahil naiwan silang dalawa…bakit pinutol na naman? Kahi na nga secret lang ang pagbabati nila ay ok na…puede……please….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: