Ysabella, Episode 99

by

Masayang masaya si Victoria dahil nakalaya na siya. On the other hand, nalulungkot naman si Lima dahil naiisip niya si Ysay.

Nagkita sina Victoria at Ysay sa labas ng korte habang dinudumog sila ng mga reporters. Nagtalo sila at sinugod ni Ysay at nanunuyang si Victoria pero pinigilan lang siya ng mga kasama niya.

Bago umalis sina Albert, nagpa-sorry ito kay Ysay. Pero sinabi ni Ysay na huwag siyang mag-sorry dahil isinusumpa daw niya darating ang araw mapapabagsak niya ang mga ito.

Noong nasa Rosario’s Cucina si Ysay, pinuntahan siya ni Mito at binigyan niya ito ng singsing. Hindi ito tinggap niya Ysay dahil hindi raw nito alam ang isasagot niya kay Mito dahil wala raw ibang laman ang puso niya ngayon ay ang kagustuhan nitong magtagumpay at makabangon bumili. Okay naman daw silang ganoon na muna. Malungkot man ay tinaggap ni Mito at pasya ni Ysay. (Hindi ka naman boypren vhaket nagpopropose ka?!)

Samantalang sina Reno at Jordan, nagkaayos na dahil kailangan sila ni Ysay sa mga panahong ito.

Nagluto ng breakfast si Victoria para kina Lima at Albert. Noong pinuntahan ni Victoria si Albert, nakita niyang nag-eempake ito. Nagpaalam na si Albert, despite Victoria’s protest, kina Victoria at Lima.

Hindi sinipot ni Ysay sina Trining sa sementeryo para bisitahin ang puntod nina Perry, Rosario at Abdul. Pag-uwi nito malungkot pa rin siya kahit na pilit siyang pinapasaya ng mga tao sa paligid niya, esp. Mito.

Nagkakaproblema naman si Victoria sa mga stockholders ng kumpanya niya dahil nga sa pagkakakulong niya at sinasabi nilang mas maganda daw ang options ng Rosario’s Cucina (Parang iyong na lang ang pwedeng bilhan ng mga stocks sa mundo no).

May binabalak na naman si Victoria against Ysay…

2 Tugon to “Ysabella, Episode 99”

  1. 01m25a19r90k Says:

    Noong nasa Rosario’s Cucina si Ysay, pinuntahan siya ni Mito at binigyan niya ito ng singsing. Hindi ito tinggap niya Ysay dahil hindi raw nito alam ang isasagot niya kay Mito dahil wala raw ibang laman ang puso niya ngayon ay ang kagustuhan nitong magtagumpay at makabangon bumili. Okay naman daw silang ganoon na muna. Malungkot man ay tinaggap ni Mito at pasya ni Ysay. (Hindi ka naman boypren vhaket nagpopropose ka?!)

    oo nga noh? bat nga nman sya magpopropose.. d nman sila magsyota..! hahaha! funny!

  2. NoCar Says:

    Hindi na maganda ang story ng Ysabella. Nakakawalang gana na ito…….zzzzzzzzz…..zzzz

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: