Pangarap na Bituin, Episode 49

by

Hindi makapaniwala sina Ruby at Emerald sa nagawa ng nanay nila sa kanila. Pinigilan daw sila ni Sapphire dahil daw baka umalis siya. Sina Emerald at Ruby, may Berns at Cocoy pero siya raw wala. Sinabihan ni Sapphire si Lena na mag-sorry sa dalawa para daw hindi sila mabuko. (Bakit ba galit siya?!)

Nakasalubong ni Terrence si Sapphire at noong nalaman ni Terrence na kasama ni Cocoy sina Emerald, sinabi ni Terrence na mamaya na lang daw niya pupuntahan si Cocoy. May mga dumating na reporters at hinila ni Terrence si Sapphire para magtago (At one point Sapphire almost fell and Terrence caught her, kilig naman si Sapphire diyan). Nagkayayaan silang gumimik after na napagtaguan nila ang mga reporters.

(Bakit ba nagtatago siya sa mga reporters. Doesn’t he need exposure ngayong nalalaos na siya?)

What started as a fun (and very sweet) date nina Ruby at Jeffrey turned into a sour note when Jeffrey gave Ruby a present. Nagalit si Ruby dahil damit ang ibinigay ni Jeffrey. Hindi pa raw pala kasi tanggap ni Jeffrey na ganoon siya manamit.Tanggap na raw ni Jeffrey iyon pero bagay din naman daw sa kanya ang simpleng mga damit.

Nakatulog si Emerald sa living room sa paghihintay kay Sapphire. Sinabi ni Sapphire na maghapon silang gumimik ni Terrence. Inihatid ni Terrence si Sapphire at nagkita sila ni Emerald. Pag-alis ni Terrence (na nag-hi lang kay Emerald), panay naman ang kwento ni Sapphire kay Emerald na kesyo magaan daw ang loob nila, etc. Sinabi ni Emerald na siya na raw ang bahala kay Terrence dahil kailangan daw nito ng bagong kaibigan (There’s a guilty look on Sapphire’s face noong umalis na ito papunta sa kwarto niya)

Nagpunta si Sapphire sa gig ni Terrence. Habang kumakanta si Terrence naalala niya ang pag-aaway nila ni Emerald. Sinabi ni Sapphire na busy daw sila pero gumawa daw siya ng paraan. Binola ni Sapphire si Terrence.

May plano si Alberta. Pinabili niya lahat ng natitirang albums ni Terrence at pinagbilinan ni Buboy ang mga manonood to do something on his concert.

Nagkita-kita sina Alberta, ang mga kampon niya, at sina Emerald kasama si Lena sa labas.

Mukhang magkaka-showdown ang mga nanay…

13 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 49”

  1. Maka-Terrence/Emerald Says:

    What happened to Terrence in this episode? Hanggang Hi! na lang kay Emerald? Kanino ba tayo dapat sumulat para naman makinig ang writers to create some better scenes. The story started good and then pinabayaan na lang……. Hindi na naman ako happy….

  2. acousticpinay Says:

    Thats it? … parang ang short naman ata ng tonights episode. Thats sad =( … nakakatamad na manood…

  3. mums Says:

    Terrence ang babaw naman ng LOVE mo kay Emerald. Kababata mo siya diba? …..pinalitan mo pa si Cassie na mabait din at muntik pa kayong ikasal para lang kay Emerald remember…..

    Tapos sandali lang hindi ka lang na bigyan ng time ni Emerald papalitan mo na si Sapphire pa. (Hellllloo!) Hindi kami papayag jan.

    ….OO na nagka mali si Emerald (ikaw rin Emerald maykasalanan ka) Pero kahit na. Galit kami. Okey lang kung humanap ng “fling” si Terrence. Pero pleeeese wag si Sapphire. iba nalang. Lalabo lalo ang relationship ng atin “EmeRRence” love team.

  4. nawawala Says:

    bwiset, puro na lang kabwisitan!!

    salamat sa update! binabasa ko na lang kase ayoko sila makita! hehe.

  5. ptvj Says:

    agree ako sa inyong lahat, ang ganda pa naman sana ng umpisa ng story tapos ngayong they got us hooked, bigla na lang nilang pinabayaan ang story. i’m sure naman na they can come up with better plot that this, lalo na ang explanations kung bakit hindi sila nagpa-DNA test to prove na magkakadugo nga sila. kahit ba let’s say ipinakita nilang dinoktor ni lena ang resulta ng DNA mag plausible pa iyon kaysa sa wala silang ginagawang actions para maprove na blood related sila.

    tapos si jeffrey, he was so tapang before. sinab niya sa nanay niya mahal niya si ruby at hindi siya mapipigil pero nagsisinungaling pa siya sa nanay niya noong nakita niya itong may dalang basket? geez.

    about sapphire naman, feeling ko kapatid talaga nila siya, pero minamanipulate lang siya ni lena at pinapaniwalang hindi siya kapatid ng mga ito para may magamit siya.

  6. Maka-Terrence/Emerald Says:

    Tama lahat ang sinabi ninyo…..

    Hanggang kailang ako magtitiis na walang Emerrence kilig moments..Sana ay bumilis ang storya tungkol sa pang-aapi at pang-aagaw kay Emerald and then mag-iwan ng marami pang episodes na happy as a couple sina Terrence/Emerald para naman kiligin ulit kami kagaya noon. Miss na namin sila!!!

  7. slim Says:

    puede bang one week nalang na ganito tapos concert na….please naman o…yun nalang kasi ang hinihintay ko para naman magkaclosure na ko with this show….hehehe

    malabo talaga si terrence…oa naman siya….bakit ayaw nyang iwork-out yung relationship nila….dati naman gusto niyang gawin yun….tapos ngayon pasweet-sweet na sya kay sapphire agad…he better redeem himself in the end….

  8. queen Says:

    hay naku, i agree. nakakainis ang story line ngayon ni terrence at emerald, ang labo! puwede ba yon, basta ganon na lang? eto naman si emerald, kahit isang oras lang di maibigay kay terrence. eh mukhang nasa bahay lang naman siya at hinihintay si sapphire. si ruby nga nakipag-date pa kay jeffrey tapos siya walang time kay terrence? ito naman si terrence, dati naman lagi siyang nasa gig ng the jewels ngayon iiwas-iwas. at tsaka, oo nga bakit di sila magpa-dna? di ba dapat inisip nila yon na dapat maging maingat sila sa sinumang magpose as nanay/kapatid nila kasi sumisikat na sila? think, writer, think! ang ganda ng umpisa tapos ngayon going downhill. ito naman si alberta, walang magawa sa buhay at pinipilit bumalik si terrence. grrr!

  9. babaeng nawawala sa sarili Says:

    tama ka maka-terrence/emerald ako rin susulat din

  10. nawawala Says:

    agree ako sa inyong lahat!!

  11. 01m25a19r90k Says:

    oo nga noh.. feeling ko, nakakaumay na rin ang PNB… parang predictable ang mga nangyayare..? ewan ko ba..

  12. genoa Says:

    C JEFF KAC EH, SA LAHAT BA NAMAN NANG IREREGALO, DAMIT PA! AND C EMERALD, HINDI MAN LANG KAUSAPIN C TERRENCE. KUNG HINDI LANG DUMATING C LENA DI NAMAN MAGKAKAGON2 ANG MGA EKSENA.
    FOR LENA “MALAS KA LANG SA JEWEL SISTERS!!!!!!!!”
    IN FAIRNES,LAHAT CLA MAGALING UMARTE.

  13. ptvj Says:

    genoa, for the last time, please refrain from using all caps. sa susunod, i won’t approve your comments anymore. thanks.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: