Ysabella, Episode 98

by

Niyakap ni Victoria ang mga anak niya. Umalis na si Victoria, dinala siya ng mga pulis.

Sinabi ni Ysay kay Norman na pinuntahan siya ni Homer at gusto siya nitong makita. Tinanong ni Ysay kung gusto niyang makita si Homer, sabihin lang daw niya ito sa kanya.

Sinabi ni Lima kay Albert na dapat nilang pasalamatan si Ysay dahil kung hindi sa kanya, hindi makakadalaw si Victoria kay Lupe.

Pinuntahan ni Homer si Norman. Kinukumbinse niya itong huwag ng tumestigo dahil kailangan nilang magkakapatid si Victoria. Patay na raw si Noel kahit na tumestigo pa ito sa lahat ng korte, hindi na ito maibabalik ang buhay ng anak niya at wala na raw siyang magagawa pa sa konsensiya niya. Nagtalo sila…na nauwi sa suntukan. Naitulak ni Homer si Norman, nabagok ang ulo niya at namatay na ito.

Nalaman nina Ysay ang nangyari.

Dumating sina Lima at Albert sa bahay nina Ysay para magpasalamat. Galit na galit na sinalubong sila ni Alex, although they didn’t have a clue on what she was angry about. Nasabi na rin ni Alex na namatay si Norman at sigurado daw na si Victoria na naman ang may pakana noon. Umalis na sina Lima at Albert.

Pinuntahan si Victoria ng abugado niya. Ibinalita nito na patay na si Norman at si Homer ang nakapatay. Tuwang-tuwa si Victoria sa nabalitaan niya.

Pinuntahan nina Ysay, Martin at Mito ang labi ni Norman. Sinabi ni Martin na malaking kawalan ang pagkamatay ni Norman, pero at least nakuhanan daw nila ng testimony si Norman.

Naabutan ni Albert na tumatawa si Victoria habang kausap ang lawyer nito. Tinanong ni Albert kung siya ang nag-utos para patayin si Norman. Dineny ito ni Victoria. Mahirap daw kasing paniwalaan na wala siyang kinalaman. Nagalit si Victoria kay Albert. Kung magbibintang lang daw siya, mabuti ng umalis na lang siya. Hindi daw siya nito kailangan.

Sinabi ni Homer na aksidente ang nangyari at hindi niya ito sinasadya. Umiiyak si Ysay at galit na galit ito kay Homer.

Tinanong ni Lima kay Albert kung totoo ang inaakusa nila sa mommy nila. Sinabi ni Albert na hindi na mahalaga ang totoo dahil nakatali daw ang katotoohanan sa pamlya nila. Hindi raw ba’t sinabi ng lola nila na sa huli pamilya lang ang karamay nila.

Nakatitig lang si Ysay sa painting ni Rosario. Sinabi ni Alex na at least magkasama na sila [Rosario at Norman] at pareho na silang tahimik. Paano daw matatahimik ang nanay niya kung matatalo sila sa kaso. Sinabi ni Alex na hindi raw niya alam ang sagot, pero hindi raw sagot ang pagiging feeling defeated ni Ysay.

Pinakain ni Victoria ang mga kakosa niya. Binigyan ni Victoria ng pera ang mayora (warden?) nila. DUmating ang stylist ni Victoria at nagpaayos ito (may mga dala ata siyang damit for her) at sinabing dapat aw maganda siya bukas sa korte.

Nag-umpisa na ang hearing. Na-grant ang motion to strike Norman’s satement and to dismiss sa kaso ni Victoria Amarillo.

Umiiyak si Ysay habang nabigla naman ang lahat. Tuwang-tuwa si Victoria…

5 Tugon to “Ysabella, Episode 98”

  1. nawawala Says:

    ito naman parang ewan… ulit na naman siguro ang gantihan… haaaaayyy nakuuu…

  2. ptvj Says:

    sa february pa raw matatapos to? so i guess mahaba pa nga ang gantihan time nila. dapat tinapos na nila, nagigin ridiculous na naman ang storya nito e. this better have a twist…hay naku.

  3. pgsmchan Says:

    nitong nakaraan hindi ako masyadong excited sa mga ep….. kung ano anong singit na eksena….

  4. NoCar Says:

    Kaya parang d maganda ang mga episodes lately. Kasi walang kilig shots si Ysay with her love teams kung sino man. Plus kaya rin di maganda lately kasi sobrang O.A. na si Victoria. Tapos parang ewan pa ang kwento ngayon (pinatay ba naman ang star witness). :roll):

  5. queen Says:

    Ganon? Dahil patay na ang star-witness tapos na ang kaso? Kaya pala walang naso-solve na kaso sa Pilipinas kasi requirement ang star witness🙂 Patay ka ngayon Ysay, libo-libong ganti ang aabutin mo kay Victoria, ha ha!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: