Pangarap na Bituin, Episode 48

by

Nag-woworry na si Emerald. Sinabi in Cocoy na natural lang daw sa mag-syota ang mag-away. Feeling daw kasi ni Emerald naman, break na sila dahil ilang araw na niyang kino-contact si Terrence pero hindi ito nagpaparamdam.

Sinabi ng assistant ni Alberta kay Alberta na bumababa na ang sales ng album ni Terrence dahil sa mga reviews na ginawa ni Buboy. May binabalak na naman si Alberta about Terrence. Konting tulak na lang daw at ilalaglag na ni Terrence sina Emerald. Hindi raw nagwoworry si Alberta dahil madalang lang daw ang singing group na nagtatagal dahil kahit magkakapatid, may isa sa kanila na insecure, at may magsasapawan daw. At darating din daw ang panahon na mabubuwag ang grupo nila.

Habang kumakain sa labas ang magkakapatid at si Chorva, ibinalita ni Cocoy na number one ang album nila.

Sinadya ni Cocoy si Terrence. Kinumusta ni Terrence si Emerald kaya isinuggest ni Cocoy na siya na lang ang mangumusta. Pero ayaw ni Terrence.

Nagre-rehearse ang tatlo habang nanunuod sina Berns, Lena at Chorva. Dumating si Cocoy at sinabi sa kanila na may guesting sila sa MYX. Sinabi ni Lena na sumikat daw sila dahil natagpuan na nila ang isa’t isa kaya napapa-usapan sila. Kaya daw dapat mag-isip pa sila ng mga issues para lalo silang pag-usapan. Sinabi ni Berns na in a way that helped, pero ang talents pa rin nila at the end ang nagdala sa kanila sa stardom.

Pumuslit si Jeffrey sa kwarto ni Ruby at dinalhan niya ito ng picknick basket.

Binisita nina Lena at Sapphire ang tatay ni Sapphire. Umalis na lang daw sila kaagad, sabi ni Lena dahil may reshearsal(?) pa sila at baka magbida-bida na naman daw si Emerald. Dapat daw galingan ni Sapphire para may kumuha sa kanya sa mga endorsements ng mga products, etc. kagaya ni Emerald.

Nakita ni Alberta si Jeffrey na naglalakad at may dalang picknick basket at pinasakay niya ito sa sasakyan.

Pinuntahan ni Alberta si Ruby (naroroon din sina Chorva at Emerald). Binato niya ito ng pera at itinanong kung magkano ang kailangan niya para lang layuan niya si Jeffrey. Pinulot ito ni Emerald at ibinato kay Alberta. Sasampalin sana siya ni Alberta pero sinabi ni Emerald, sige raw, sampalin niya. Hindi itinuloy ni Alberta dahil hindi raw sila magka-level (Pinulot ni Chorva ang mga pera…LOL).

Sinalubong ng sampal ni Lena si Emerald dahil hindi daw nila pinagbubutihan. At lalo niyang pinagsasaktan ito noong tinanong ni Emerald kung bakit (ayaw daw niya ang tabas ng dila ni Emerald) habang pinipigilan siya ni RUby. Dumating sina Sapphire at Chorva at pinigilan din nila ito.

Nagyakap ang magkakapatid…

9 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 48”

  1. Maka-Terrence/Emerald Says:

    Wala na namang scene sina Terrence/Emerald! Sina Jeffrey/Ruby lang ang may eksena again! Why? Naku malungkot na naman para sa akin ang episode na ito. Sana ay hindi sila mag-break…..Dapat maayos agad ang misunderstanding nila please…..

  2. nawawala Says:

    bwiset! puro na lang kontrabida!! nakakawalan ng gana!!!

  3. ptvj Says:

    oo nga…wala ng kilig moments. pffft. gusto ko ng sakalin si sapphire, lena at alberta.

    at saka ang weird…bakit si jeffrey takot ulit sa nanay niya. e di ba sinabi na niya before na he’ll go out with ruby whether alberta likes it or not? at kung patuloy pang magnhihimasok ito sa buhay niya lalayas na rin siya kagaya ni terrence? e bakit nung nakita niya ang nanay niya noong galing siya kina ruby nagsinungaling pa siya?

  4. Maka-Terrence/Emerald Says:

    I hope Emerald will fight for her love to Terrence. Hindi basta’t ipauubaya na lang niya sa takbo ng pangyayari. Sana ang character niya ay hindi naniniwala sa hearsay.. Find the truth about everything…love…family. She’s a fighter, right?

  5. slim Says:

    hay naku…minsan talaga walang continuity….gusto ko na ring sakalin sina sapphire, lena, at miss a….lalo na si lena…kakatanggap lang sa kanya bilang nanay tapos sasaktan na niya agad…grabe naman siya…kasi naman dapat nagpa-dna test sila eh…well, sabi kasi nina direc at nung writers ganito ang mangyayari….nakakafrustrate lang:(

  6. NoCar Says:

    Parang awa nyo na po. Nananawagan kami sa script writter nito. Gusto gustong namin itong panuorin. Pero sa ginagawa nyo walang saysay at hindi kami natutuwa sa takbo na storya. Request lang bigyan nyo sana ng maraming kilig moment sila Terrence and Emerald. Kahit sampong kontra bida pa ito sa buhay nila basta labidabi sila. 😉 (wag Sapphire and Terrence)

  7. queen Says:

    I agree, nakakainis na. bakit di pa sabihin ni emerald ang tungkol sa kanila ni Terrence sa mga kapatid niya at kay Chorva? bakit deny to death pa siya? kung si mang kokoy nga ok lang sa kanya, i’m sure dapat ok lang din sa kanila. nakakainis an daming kontrabida!

  8. Chorva Says:

    Walang ibang style ang mga script writer. Puede ba mag improve naman kayo. Puede ba put reality in the story. Kaya nga pumatok ang mga Koreanovela sa tin. masyadong walang change ang mga estorya ninyo. Aapihin tapos magwagi. lumang trend na yan. pleassssse. If you want to entertain us please make it masaya. Sa ginawa nyo aatakihin pa ata kami nyan eh.

  9. Chorva Says:

    no comment

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: