Pangarap na Bituin, Episode 47

by

Mabuti na lang daw at agad niyang nakuha ang loob ni Ruby, sabi ni Lena kay Sapphire.

Flashback: Noong tinatanong ni Ruby kung naaalala niya ang The Jewel Song. Kinanta ni Ruby kaya niya nalaman. Ipinaita rin noong kinanta ni Sapphire kay Emerald ang kanta nila.

Sinabi ni Lena na matutuwa daw ang tatay nito.

Sinabi ni Ruby kay Berns na ganoon daw pala ang feeling ng buo ang pamilya niya. Nagtampo si Berns dahil daw baka dumating ang panahon na hindi na niya ito pansinin baka daw mawala ang mother-daughter bonding nila. Inassure naman ni Ruby na hindi mangyayari iyon.

Dinudumog ng mga reporters sina Emerald noong papasok ito sa studio kung saan may rehearsal sila. Noong papasok si Lena may naapakan siyang babae. Nagalit ang babae at tinawag siyang alalay. Sinabi nina Sapphire na nanay nila iyon.

Napabalita na nakita na nila ang nanay nila. Nabasang pareho nina Terrence at Alberta ang balita.

Binibili nman ng mga tao ang album ni Terrence at maraming nagpunta sa autograph signing. Sa kabila nito, pangit ang reviews na nakuha ni Terrence. Nagse-self pity na tuloy si Terrence. Sinabi ni Cocoy sa kanya na huwag itong magpapaniwala sa mga iyon.

Sinabi ni Emerald na huwag ng maniwala si Terrence sa reporter na iyon. At sinabi niya na wala daw ni isa mang nakakakilala sa nagsulat na iyon.

Si Buboy pala ang nagsulat (dating road manager ni Terrence) ng bad review. Binayaran siya ni Alberta.

Na-interview sa The Buzz ang The Jewel Sisters at kasabay nila si Jake Cuenca. Kilig na kilig silang lahat. Nagpasalamat si Emerald kina Cocoy at Berns. Tinanong kung hindi raw ba niya pasasalamatan si Terrence. Kinuha ni Sapphire ang mic at sinabi niyang walang kinompose si Terrence doon pero hindi ito nagkulang ng suporta sa kanila at nagpasalamat siya kay Terrence. Tinutukso ni Jobert si Jake kay Emerald. Nagselos naman si Terrence (who, by the way, ay inofferan ng guesting sa ASAP).

Nakita ni Terrence na nagpalitan ng cellphone numbers sina Emerald at Jake. Hindi raw ba may girlfriend na ito, sabi ni Terrence. Gusto lang daw ni Jake na mag-keep in touch sila ni Emerald.

Nagalit si Emerald kay Terrence. Nagtalo sila. Wala na raw oras si Emerald kay Terrence. Noon daw sikat si Terrence hindi niya kinalimutan si Emerald, bakit ngayon hindi ito magawa ni Emerald. Kailan daw siya nito isisingit sa schedule niya…

3 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 47”

  1. nawawala Says:

    tsk tsk… ruby kasi eh!

    at nainis ako kay emerald dito.! what a jerk! bakit nga hindi nya pinasasalamatan si terrence?? parang inisip pa nya kung pasasalamatan nga ba nya o ano!! tapos tama rin si terrence sa mga sinabi nya! bakit di sya bigyan ng time ni emerald kung dati naman eh nagawa yun ni terrence sa kanya…. hmp!

    ewan! parang nahahayblad na ‘ko sa palabas na ‘to!! si jeffrey na lang ata gusto kong panoorin… hehe.

  2. ptvj Says:

    oo nga, masyadong innocent si ruby. hay naku…

    dapat talaga nagpasalamat si emerald, hindi man niya i-acknowledge as a boyfriend si terrence, edi sana nagpasalamat man siya bilang kaibigan. hay naku.

    at bakit ganoon naman ang suot niya, guest siya sa the buzz tapos para lang siyang alalay ni ruby.

  3. NoCar Says:

    Correct kayong lahat, agree ako sa sinabi nyo. Uuyyy… pero take note ha in fairness…… Efective at super kilig ang eksena nila Emerald, Jake Cuenca and Terrence. Pero ng mag-away na sila Emerald and Terrence biglang TURN OFF. Mas TURN OFF pa ng pinakita sa teaser sila Terrence and Sapphire are getting along. KAKAINIS!!!! šŸ™„

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: