Ysabella, Episode 96

by

Sinabi ni Ysay na sinira ni Victoria ang buhay niya kaya sisirain din nito ang buhay niya. Tinapunan muna ni Ysay ng matalim na tingin si Albert bago ito umalis.

Niyakap ni Victoria si Albert. Tinanong ni Albert kung totoo ba ang mga binibintang nila sa ina.

May stockholder ng Victoria’s Chicken ang nagtatanong kay Lima tungkol sa mga shares nila at kung ano na ang mangyayari dahil nga sa pagkakakulong ni Victoria. Sinabi ni Lima na may pinagdadaanan ang pamilya nila at kung may tanong ito sa mga board members na lang niya itanong. Nakita ni Lima na naghihintay si Jordan sa kanya. Inoffer ni Jordan ang sarili niya as a friend bilang shoulder to cry on.

Nakipag-confer si Albert sa mga lawyers ni Victoria at sinabi ng mga ito ang tungkol sa witness nina Ysay na si Norman. Hindi raw kasi nila makausap ng matino si Victoria kaya siya ang pinapatanong nila.

Pinuntahan ni Homer si Victoria. Nangako ito na na aayusin niya ang lahat. Kakausapin daw si Norman. Sinabi ni Victoria na pag-iisipan daw niya kung babawiin nito lahat ng naitulong niya sa pamilya ni Homer.

Nakasalubong ni Homer si Albert. Tinanong ni Albert kung kaano-ano ni Homer si Norman. Sinabi ni Homer na kapatid niya si Norman. Bukod pa doon wala ng sinagot pa si Homer sa mga tanong ni Albert.

Kausap ni Ysay ang abugado niya. Pwedena raw siyang mag-file ng motion to dismiss sa kasong libel na isinampa ni Victoria kay Ysay.

Nakita ni Reno sina Jordan at Lima at mukhang nagselos ito.

Sinabi ni Albert na alam ng ina na mahal sila nito pero alam din nito that they won’t defend a lie. Sinabi ni Victoria na hindi niya pinatay si Rosario at aksidente lahat ng nangyari. Hindi niya sinasadyang maitulak ito. Natatakot daw kasi mawala sa kanya ang Florencia’s dahil iyon lang ang pinanghahawakan niya pati na ang pamilya niya. Nagkamali daw siya pero hindi siya pumatay. Sinabi ni Albert na naniniwala ito sa ina.

Nagpunta sina Lupe, Lima, at Fernando sa kulungan at nakita nila si Albert doon. Pinaalis sila ni Victoria, hindi raw nito kailangan ang tulong nila. Mga hayup daw siya at pinagtutulungan nila ito. Nagwala na naman si Victoria.

Hindi naman mapakali si Ysay habang nagluluto ito sa Rosario’s Cucina. Dumating si Homer at sinabing gusto niyang makita si Norman. Sinabi ni Ysay na safe ito at huwag siyang mag-alala pero hindi na niya ito dapat pang makita.

Pinuntahan ni Albert si Lupe sa kwarto nito at kinumusta ang lagay niya. Sinabi nito na bukas na bukas ipapa-check up niya ito. Sinabi ni Lupe kay Albert na alam niyang masama ang ginawa ni Victoria pero hindi iyon dahilan para iwanan siya ni Albert dahil sa bandang huli daw pamilya pa rin ang mahalaga. pinapapangako ni Lupe si Albert na hindi niya iiwanan ang ina. Umoo naman si Albert.

Pinuntahan ni Ysay si Norman. Sinabi niyang sa kanya umiikot ang kaso kaya kung maari siguraduhin daw niyang tama ang lahat ng sasabihin niya. Sinabi ni Norman na kahit noong bata pa siya itinuring na niya itong tunay na anak. Kung hindi lang daw sa katangahan niya sana raw ay nakita niya itong lumaki. Noong nakita daw niya ito sa TV, naalala niya si Rosario. Humingi ito ng tawad kay Ysay at sana raw mapatawad din siya ni Rosario. Hinawakan ni Norman ang kamay ng luhaang si Ysay.

Ginigising ni Lima si Lupe para dalhan ito ng almusal pero hindi na ito nagising. Tinawag ng katulong si Albert at umiyak sila ni Lima.

Habang nagsasaya sina Victoria at mga kakosa niya, dumating si Fernando para ibalita ang pagkamatay ni Lupe. (Bakit hindi sa visiting room sila nagkita?!)

Umiyak si Victoria. Ayaw buksan ng guard ang pinto pero hindi raw pwede. Nakikiusap si Victoria, palabasin daw siya doon kailangan niyang makia ang nanay niya. Huwag daw sabihin sa kanya iyon, sa judge daw.

Hinimatay si Victoria…

3 Tugon to “Ysabella, Episode 96”

  1. Mums Says:

    Yung pong episode yesterday.Bakit wala. Hindi ko po kasi napanuood. thanks!!!

  2. ptvj Says:

    mums, hindi ko pa rin napapanood e hehe. email mo ko i’ll give you a link on where you can watch it: pinoytvjunkie[at]yahoo[dot]ca

  3. Mums Says:

    Maraming salamat po. Ako’y nagagalak sa atin samahan dito sa Pinoy TV Junkie.😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: