Pangarap na Bituin, Episode 46

by

Convinced na sina Sapphire at Ruby na ang babaeng kumakanta ng Jewel Song. Tinanong ni Cocoy ang pangalang niya at sinabi niyang Lena Gomez ang pangalang niya. Sinabi ni Sapphire na Jade ang pangalan ng nanay nila. Sinabi ni Lena na Lena Jade Gomez daw ang tunay niyang pangalan at ang tatay lang daw nila ang tumatawag ng Jade sa kanya dahil sila daw 4 ang mga kayamanan niya. Sinabi ni Sapphire na siya nga ang nanay nila.

Hindi rin magkatugma-tugma ang kwento niya tungkol noong nagkahiwa-hiwalay sila. Pero nagpapalusot naman ito at nakalusot naman siya. Niyakap siya nina Ruby at Sapphire habang ikinukwento niya ang mga pangyayari. Hindi lumalapit si Emerald pero tinawag siya ni Lena kaya napilitan itong lumapit.

Samantalang si Alberta naman nilalasonn ang utak ni Terrence tungkol sa pagmamanage ni Cocoy sa kanya.

Siniguro ni Sapphire kay Emerald na si Lena talaga ang nanay nila dahil kahit siya man daw ay hindi sigurado noong una. Pero napanaginipan daw niya ito kaya sigurado siyang iyon ang nanay nila. Sinabi naman ni Ruby na kung hindi siya ang tunay nilang ina, hindi nito malalaman ang Jewel song.

Binibigay ni Emerald ang bag ng ina nila na itinago niya all these years. Hindi alam ni Lena kung ano ang bag na iyon, not until na kita niya ang pangalangang nakalagay sa loob ng bag kaya nagkunwaring excited sa bag na ibinigay ni Emerald. Sinabi niya na ibinigay pa raw ito ng tatay nila noon sa kanya.

Si Alberta naman parin ang pagsira kay Terrence.

Noong papaalis na si Lena, isinuggest ni Ruby na doon na siya tumira kasama silang lahat. Tahimik lang sina Cocoy, Berns at Emerald.

Kinausap ni Berns si Cocoy, feeling daw niya out of place na siya at hindi sila ang “nanay” nila. Pina-imbestiga ni Cocoy kay Berns sa mga contacts niya kung si Lena daw talaga ang nanay ng tatlo.

Masayang ibinalita ni Ruby kay Jeffrey ang pagbalik ng nanay nila sa buhay nila.

Binayaran ni Lena ang isang tao para pekehin ang mga records nito at palitawin na siya ang ina nina Emerald. Iyon din ang nalaman nina Berns at Cocoy kaya wala na silang choice kung hindi tanggapin si Lena bilang ina nina Emerald. Ang mahalaga daw ay masaya ang mga bata.

Nagpasalamat si Lena kina Cocoy at Berns sa pag-aalaga sa mga anak niya. (Pero fake lang iyon seeing the expression on her face).

Pinasok ni Lena ang kwarto nina Sapphire at tinignan ang mga gamit nila pati na ang bankbook nila. Nakita niya kung gaano karami ang perang naipon ng mga ito sa bangko.

Kinabukasan, kinompronta ni Sapphire si Lena dahil alam daw niya siya ang gumalaw sa mga gamit nila.

Sinabi ni Sapphire na mag-ingat daw ito at huwag galawin ang gamit nina Emerald at Ruby.

Huwag daw siyang mag-alala dahil wala daw kamuwang-muwang sina Emerald na nagpapanggap lang sila bilang nanay at kapatid nina Emerald at Ruby…

7 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 46”

  1. maka-Terrence/Emerald Says:

    Wala pa ring scenes sina Terrence/Emerald…Talaga bang ganito na lang sa lahat ng episodes na darating? Huwag naman sana dahil affected ako!
    Bakit hindi balance ang bilang ng eksena nila at nina Jeffrey/Ruby? Di ba sila ang main characters? Tapos sa teaser ay may scene sina Terrence/Emerald…pero nagaaway naman…Sana ma-patch-up nila agad ang misunderstanding nila…..and more kilig moments pa rin just like before…..Miss ko na kasi…..

  2. slim Says:

    hay naku…wala na namang emerrence scene…bakit sina jeffrey-ruby nakakapagdate kahit papaano (cute talaga silang dalawa..hehehe)…pero kawawa naman si emerald…halos walang scene si sarah dito….:(

  3. Mums Says:

    I knew it from the start fake ang dalawang ito. Galing kong manghula daeg ko pa ang script writter and director.😉

  4. DNA lang ang kailangan Says:

    Bakit sila mang Cocoy at Papa Berns ay hindi magpa DNA. Mayroon na naman silang pera dahil sikat na ang jewel sisters. Sila ang adults so sila dapat mag advise sa mga bata. Why will they just believe heresay.

  5. NoCar Says:

    Pleeassse naman, Wag naman sanang puro kontrabida ang pina kikita nyo. Nakaka stress na eh. Nanunuod tayo ng teleserye para ma relax from “hectic work” all day tapos eto pa ang puro problema para sa mga bida. HAAY!!! Wag naman. I-balance nyo naman. Ng mga pa sweet para ganahan naman kami 😦

  6. beth Says:

    Who ever is/are the scrip writer/writers, are you not familiat or ever introduce to the idea of DNA testing? Nakakaasar na!!! You are just making this teleserye and your actors walang alam!!!We, your viewers are not that stupid. Pls, whoever is the editor of the show…..do something!!!!!

  7. Maka-Terrence/Emerald Says:

    Agree ako sa inyo..NoCar..DNA & Beth…. Please…something must be done para makatotohanan ang flow ng story, di ba? I-balance maging wise……

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: