Pangarap na Bituin, Episode 45

by

AKala ni Ruby hindi nagpunta si Jeffrey sa concert kaya ayaw niyang tanggapin ang mga bulaklak ng ibinibigay niya. Ayaw lang daw niya ng gulo kaya hindi siya nagpakita sa kanya.

Hinabol ni Emerald si Sapphire at nagpasorry ito. Hindi naman daw niya sinasadya. Sana raw hindi nito sinasadya dahil kung alam lang nitong ganoon ang mangyayari hindi na lang siya sasali sa kanila.

Nangako si Emerald na hindi na mangyayari ulit iyon kahit gusto pa raw nito na nasa gitna pa siya ng stage all the time okay lang. Nag-twinkle ang mga mata nito noong sinabi ni Emerald na bilib si Terrence sa kanya.

Pinapanood ni Terrence ang interview niya after the concert. Mukhang maiiyak na ito lalo na noong napanood niya ang part kung saan tinanong siya ng reporter about his career.

Samantalang ang The Jewel Sisters naman, patuloy ang pagsikat nila.

Nakabili na sila ng bagong bahay.

Nagmamasid si Lena sa gate habang may inaayos sa pintuan si Sapphire. Nilapitan siya ni Sapphire pero biglang dumating si Ruby at may gustong ipakita. Binalewala ni Ruby ang sinabi ni Sapphire tungkol sa babaeng nakita niya, baka daw fans lang iyon.

Panay ang practice nina Ruby at Sapphire. Kinanta nila ang kanta nilang magkakapatid at nakikinig pala sa pintuan si Lena.

May nagpapanggap na nanay nila at nilapitan niya si Ruby. Pero nahuli siya ni Chorva dahil tinanong niya ito ng trick question. Ano raw ang pangalan ng aso nina Ruby. Nanghula lamang ito at sinabi niya na blackie ang pangalan ng aso. E wala naman silang aso.

Naag-usapan nilang lahat ito. Marami raw kasi ang nagpapanggap na nanay nila. Paano raw nila malalaman na ang totoo nilang nanay ang mag-aaproach sa kanila. Walang maalala si Ruby dahil bata pa siya, si Emerald ganoon din. Si Sapphire naman marami ng nabura sa memory niya.

May narinig na kumakanta si Sapphire (kumakanta si Lena from afar?) at nagsisigaw ito at sinabing naroroon ang nanay nila. Wala namang marinig sina Emerald at Ruby.

Kumausap ng doktor (psychiatrist or psychologist) sina Berns at Ruby. May PTSD daw si Sapphire kaya kailangan lang ng alalay nila.

Papauwi na sina Sapphire, Emerald, at Ruby. Gusto ng mauna ni Sapphire dahil naririnig na naman daw niya ang kanta ng nanay nila. They realized na may kumakanta talaga. Naglakad-lakad sila kasama si Cocoy at nakita nilang kumakanta si Lena…

13 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 45”

  1. NoCar Says:

    Haaay!!!! dumadami ang mga character di masyadong exciting. Nakakata-cute pa nga eh. Parang iba na ang takbo ng story. Di ako masaya. ;-(

  2. 01m25a19r90k Says:

    uiiii.. ang ganda kaya ng story..😦
    mas lalong exciting kse may nagpapanggap na nanay nila..
    tska ang ganda non noh.. lahat ng mga teleserye sa channel 2 ang ganda!

  3. nawawala Says:

    NoCar… ako rin di nasisiyahan sa kanila lately!!
    miss ko na mga terrence-emerald kilig moments… buti na lang at may jeffrey-ruby momentts. yun na lang mga gusto kong parts… daming kontrabida, nakakainis!

  4. Maka-Terrence/Emerald Says:

    Talaga…hindi na ako masaya dahil laging walang scenes na nakakakilig sina Terrence/Emerald. Parang nawala ang takbo ng story sa kanila. Ang ganda ng umpisa tapos ngayon ay parang pinutol na biglaan. Why? Hopefully ay may karugtong na ang happy moments nila kahit na nga maraming kontrabida. Basta’t nagkakaintindihan sila kahit na secret lang gaya noong dati ( usap sa phones, hatid sa bahay, kilig scenes ).

  5. NoCar Says:

    nawawala….. call ako sa lhat ng sinabi mo!!!! AAAummm!!!!!

  6. slim Says:

    salamat talaga for jeffrey-ruby moments kung hindi baka hindi na ko manood…gusto ko nalang makita kung anong mangyayari after nung nagwalkout si emerald dun sa umpisa…sana they leave enough episodes to fix everything and for terrence to redeem himself…

    para talagang iba na ang takbo/mood ng show…i guess kailangan na nilang ibuild-up ang story para dun sa pagwawalk out ni emerald at kung bakit siya talagang nagalit sa kanilang lahat….ano nga kaya ang gagawin ni sapphire…at pati na rin ni terrence….

  7. maka-Terrence/Emerald Says:

    Tama ka..Slim….looking forward to more episodes fixing the good relationship nina Terrence/Emerald which was built up at the start of the story (since childhood pa nga, di ba?). They should be together at the end kahit na ano pang gawin ng mga kontrabida sa relasyon nila……..

  8. NoCar Says:

    I agree to all of you guys! I just wish they could read all our opinions and may they realized they need to twist the story in the way their viewers expectation or somehow close to their expectations. Para hindi ma inis ang mga manununod. Aba importante ata tayo ha. Tayo ang nag papasikat sa kanila. At nagpapataas ng rating nila.😉

  9. NoCar Says:

    Sana medyo pinatagal muna nila ang mga kilig moments nila Emerald and Terrence before shifting into Sapphire and “nagpapanggap na Nanay”. Kasi parang 3days lang ata yung oficially mag-syota sila tapos biglang ibang story na. Bitin pa ang kilig moments nila. Tapos eto pa, ang bilis din ng pag appear at pag accept nila Emerald and Ruby kay Sapphire. Ganun din kay Lena. Kaya tuloy pumanget ang takbo ng story. Ang layo layo agad ng pinalit na story. Kaya maraming disappointed. Agree ba kayo jan mga sisters😦

  10. Mums Says:

    Saan na po ang episode for today? Hind kasi ako makakapanood. I’m at work.😉

  11. Sweet Says:

    NoCar…agree kami sa iyo! Disappointed kami sa takbo ng story sa ngayon…Hopefully magbago sa mga next episodes….

  12. slim Says:

    agree ako sa ‘yo NoCar….parang isang episode lang ata masaya sina emerrence eh…tapos pumasok na agad si sapphire…at saka nga sobrang bilis nilang maniwala…lalo na si ruby, at least si emerald medyo duda….namimiss ko na tuloy yung cassie-terrence-emerald triangle…at least noon ang daming emerrence moments at ang pacing nung episodes hindi pabigla-bigla…

  13. nawawala Says:

    agree din ako sayo, nocar! at sa inyong lahat!

    nakakatamad tuloy panoorin.. ang dami-daming kontrabida at halos wala nang papel si terrence! hmp!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: