Pangarap na Bituin, Episode 44

by

Hindi natuloy ang halikan, itinulak ni Ruby ang mukha ni Jeffrey. Sinabi niya na mahal niya si Jeffrey pero mahal niya ang mga kapatid niya at ayaw niyang mamili. Nagpapaligaw muna ito ulit. Sa tindi daw ng nanay niya dapat sobra sobrang panliligaw ang gagawin niya para mapa-oo siya ulit nito.

Nag-re-rehearse ang The Jewels at kung anu-ano pang preparations ang ginagawa nila sa nalalapit nilang concert.

Hindi na masyadong mabigyan ni Emerald ng oras si Terrence dahil sa mga preparations.

Bago ang performance nila kinakabahan si Sapphire (At catered ng Jollibee ang kainan sa backstage — oo nga naman may Jollibee sila).

Nasa may unahan nakaupo sina Chorva, Terrence at Cocoy samantalang si Jeffrey sa may bandang gitna ito umupo.

Nagperform na ang The Jewel Sisters.

Isa sa mga performance nila, they had a solo part. Nauna si Emerald, sumunod si Sapphire pero hindi ito agad nakakanta kung kaya’t sinalo ito ni Emerald at siya na ang kumanta. Nakatayo na lang doon si Sapphire habang kumakanta si Emerald, kaya nakijoin na rin si Ruby. Umalis si Sapphire at sa later part na lang nakabawi si Sapphire at kumanta na rin ito.

Nagpunta si Alberta sa concert pero agad na rin itong umalis.

Si Lena (Rio Locsin) naman ay gumagawa ng scarpbook ng mga articles ng The Jewel Sisters habang kinakatok siya ng landlady niya dahil huli na naman ito sa renta.

Initerview sina Emerald after the concert at may siang reporter na nagtanong kay Sapphire kung ano ang tingin niya sa performance niya, sinabi niya okay lang. May sumunod pang tanong asking kung paano nito ico-compare ang performance niya sa mga kapatid niya. Hindi makasagot si Sapphire so sinalo na naman siya ni Emerald (Habang nakatingin si Terrence na mukhang nagseselos sa attention na nakukuha nina Emerald).

Noong naiwan sa backstage sina Sapphire at Emerald (may imi-meet daw si Ruby…naks). Nagtaas na ng boses si Sapphire at sinabi niyang galit daw ito sa kanya. Dahil sinapawan daw siya nito sa production number nila pati na sa mga reporters. Sinabi ni Emerald na mukhang nakalimutan daw ni Sapphire ang line niya kaya niya ginawa iyon. Ganoon naman daw talaga siya, lagi siya ang bida at siya ang magaling, sabi ni Sapphire sa kapatid.

Nag-walk out si Sapphire…

11 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 44”

  1. Mums Says:

    Eto na ang ayaw ko ang bruhang character ni Sapphire. Naturingang magkakapatid sila. O baka naman hindi talaga siya kapatid nila Emerald at Ruby. ;-(

  2. Ay naku! Says:

    Akala ko ba eh si Terrence ay all the way ang pagtulong at pagmamahal kay Emerald. Kung talagang mahal niya si Emerald, he should be happy for her dahil na achieved na niya ang kanyang dream instead na magselos siya.
    Si Ruby naman ay hindi dapat kumampi kay Sapphire. She should stand by Emerald no matter what.
    Ano ba itong mga characters na ito. Hindi makatotohanan. Ang strong lang ay ang characters ni Emerald at ni Alberta na contrabida naman.
    Kapag ganito nga ganito mawawala ang viewers nila.

  3. rose Says:

    ui!! kaasar na d2 c sapphire ha!! mukhang mbait s una…mukhang maamo p nga e… tpos my tinatago rn pla!! hmpf!! tpos pra syang my gusto k terrence… pwede clang mg join forces nla rio (fake n nanay!!) at ni alberta (nfeel q biological mom n terrence kea mxadong nkkialam s buhay n terrence,,feel q anak nya 2 dun s dti nyang bf n bnabyaran nya….hmmm…)

    ►=rOse=◄

  4. nawawala Says:

    bakit kaya di man lang sinama si terrence sa concert no? tsaka parang impossible naman na hindi na sikat si terrence eh samantalang sikat na sikat na sya non.. bakit biglaang nalaos no?

    hay naku, kainis na si sapphire…

  5. secret. Says:

    i don’t like sapphire.. never did..

  6. Maka-Terrence/Emerald Says:

    Bakit ganoon ang nangyayari sa character ni Terrence? After all na pinagdaanan nila ni Emerald…Hindi pa rin ba strong ang feelings niya para sa kanya? They really had af firm foundation. I remember that not even Cassie nor Alberta had come between them…Therefore, Sapphire should never ever affect such a relationship that Terence/Emerald have all the way till the end!!!! Terrence, please be failthful to Emerald, no matter what…okay!

  7. smum Says:

    effective ang role ni Sapphire. Nakakainis kasi siya. Pero kahit na effective siya ayaw namin sa kanya.😦

  8. slim Says:

    grabe talaga yang si sapphire…talagang nag-iba yung ugali nung nakatikim na siyang magperform sa stage…eh talaga namang dahil kay emerald sila sumikat…kung wala si emerald, wala rin naman silang dalawa ni ruby…

    ito namang si terrence hindi ko din maintindihan…nagseselos ba siya sa attention kay emerald or concern na sya for sapphire??….ang bilis naman niyang mag-iba…dapat maging loyal sya kay emerald kung talagang mahal niya ito….panindigan niya yung pagalis niya kay alberta at yung pagtatapat niya kay emerald….

  9. la Says:

    ano po ba yung title ng first song ng jewel sisters sa kanilang concert? please answer po ha..thanks..

    teka yun si terrence at emerald talagang eksena pa din si alberta..kawawang terrence at emerald..ay nako sapphire kaloko ka wag na umeksena kay emerald at terrence nako..

    chorva i love you grabe i like you ha!!

    pappy berns da best!!hahah

  10. angela Says:

    totoo ba itong story???i mean base ba ito sa totoong story???

  11. ptvj Says:

    la, sorry hindi ko alam ang title.

    angela, i don’t think it is.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: