Ysabella, Episode 93

by

Humingi ng tawad si Burdoy at hindi raw niya alam na mauuwi sa ganoon ang lahat. Nagpasalamat si Ysay kay Mito at niyakap niya ito.

Sinabi ng mga lawyers ni Victoria na may bagong witness sina Ysay. Sinabi ng lawyer na dapat daw naroroon si Albert para ma-counter nito ang testimony ng witness.

Ayaw maniwala ni Reno na nasa side nila si Burdoy. Pero sinabi ni Burdoy na kakampi na nila ito at sinabi niya kay Reno na alam nito kung gaano kamahal ni Albert si Ysay. Nagtalo sina Reno at Burdoy tungkol sa kung talagang mahal ni Albert si Ysay. (Masyado naman affected itong si Burdoy). Pinatigil na sila ni Ysay sa pagtatalo at sinigurado lang nito tetestigo si Burdoy at umalis na ito.

Nagluluto ito sa kusina. Sinabi ni Mito na parang masyado itong naapektuhan sa sinabi ni Burdoy. Sinabi ni Ysay na si Andrew ang minahal niya at hindi si Albert.

Oblivious pa rin si Victoria sa worries ng mga lawyers niya tungkol sa bagon witness nina Ysay. Huwag daw silang mag-alala.

Humihingi ng tulong si Ysay sa nanay niya. Baka daw pwede niyang bulungan ang nasa itaas.

Nag-ge-girl talk na naman sina Mito at Jordan. (Sorry ha bina-block ko sa utak ko pag masyadong madrama).

Kinausap ni Victoria si Burdoy. Binalaan ni Victoria si Burdoy — not in so many words, pero threat pa rin against sa family ni Burdoy.

Habang nag-eempake si Norman, nakita niya ang pinunit niyang recipe ng kinasal na manok mula sa recipe book ni Rosario. Sinabi nitong para sa anak daw niya [na sasabihin na niya ang totoo].

Araw na ng paglilitis. Magkasunod na dumating sina Ysay at Victoria. Noon nireready nila si Burdoy sa testimony niya dumating si Tere at sinabing kailangan nila itong gawin.

Nagkita sa loob ng courtroom sina Ysay at Victoria. Tinuya ni Victoria si Ysay. Hindi naman nagpatalo si Ysay sa pagsagot.

Nalaman ni Homer na papunta ng Maynila si Norman.

During the cross. Sinabi ni Victoria na siya, si Albert and a few trusted chefs lang daw ang may alam ng recipe. They were willing to market it daw na nakatimpla na ang ready to cook.

Nagwala si Ysay noong sinabi ni Victoria na at least siya hindi kabit ang nanay niya. Binalaan ng judge si Ysay na tumigil ito or else kakasuhan siya ng contempt.

Tinawag na si Burdoy sa witness stand pero hindi ito lumilitaw. Humingi ng break ang kuya ni Mito/lawyer ni Ysay at napagbigyan naman ito ng judge.

Sinabi ni Tere na pinagbantaan daw ang kuya inya at ang pamilya niya.

Hindi pa rin lumilitaw si Burdoy and the lawyer asked for continuance pero hindi ito pinagbigyan ng judge.

Biglang lumitaw si Burdoy…

Isang Tugon to “Ysabella, Episode 93”

  1. Mums Says:

    I’m not that really excited about the episodes this past days. Borrring!!!!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: