Pangarap na Bituin, Episode 43

by

Go to your room daw sabi ni Benedict kay Jeffrey (ang hilig nilang magpa-go to your room, hindi naman mga 7 year olds ang mga kinakausap nila).

Nabigla sina Sapphire, Emerald at Chorva noong umuwi itong basang basa. Sinabi niya na naulanan lang siya pero nasesnse ni Emerald na si Alberta ang may gawa noon.

Sinugod nina Emerald si Alberta. Tinawag ni Alberta ng mga hampas lupa ang mga ito. Binato siya ni Emerald at may mga dumating na mga security guards.

Walang napabalita sa mga diyaryo sa nangyaring gulo. Ayaw ipaalam ni Ruby kay Berns dahil siguradong susugurin niya si Alberta. Nag-agree si Emerald at sinabi rin niyang hindi na rin niya sasabihin kay Terrence.

Sinabi ni Jeffrey na alam niyang si Alberta ang may pakana ng mga gulo dahil alam niyang mahilig siyang mag-manipulate ng mga tao. Tinawag ni Alberta ng “boba” si Ruby. Sinabi ni Jeffrey na kaya daw umalis si Terrence dahil nanghimasok ito sa buhay niya. Kaya daw huwag siyang subukan nito dahil kahit masakit, kaya rin niyang umalis kagaya ni Terrence.

Pinuntahan ni Jeffrey si Ruby pero ayaw niya muna itong harapin, umakyat na ito sa kwarto. Hinarap ni Emerald si Jeffrey at sinabing hindi siya galit dito, pero kilala niya si Alberta at kung hindi daw niya kayang ipagtanggol si Ruby, layuan na lang niya ito.

Ayaw kumanta ni Sapphire, pero kinukumbinse siya ng lahat dahil malakas daw ang response ng audience noong kumanta silang tatlo. Pati daw ang article na isinulat ni Berns, malakas din ang benta. Pumayag rin siya at the end.

Isinuggest ni Berns na instead of The Jewels, The Jewel Sisters na raw dapat. Nagustuhan naman nila lahat. Pinicturan silang tatlong magkakapatid ni Chorva.

Nag-usap na rin finally sina Jeffrey at Ruby. Sinabi na ni Jeffrey na sinapak siya ng Daddy niya kaya hindi niya ito nasundan. Gustong makipagkita ni Jeffrey pero sinabi ni Ruby na magpalamig na muna sila. Ayusin na lang daw muna nila ang mga buhay nila bago nila pag-usapan ang tungkol sa kanila.

Nasa diyaryo na ang tungkol kina Sapphire, Emerald, at Ruby. Pinag-uusapan na rin sila ng mga tao.

Ipinarinig ni Cocoy kay Louie ang single ni Terrence. Ayaw pumayag ni Louie dahil masama pa raw ang loob niya. May isa pang producer na kinausap si Cocoy pero sinabi nitong hindi raw niya pwedeng i-produce iyon kahit gusto niya.

Tinatanong si Terrence ng mga bandmates niya kung kailang ulit sila makakakuha ng gig. Sinuggest nilang bumalik na lang ito kay Alberta. (Si Terrence lang ang may manager at sila wala? Hmn…)

Malungkot na nakaupo si Ruby sa kung saan niya sinagot si Jeffrey. Paalis na ito pagkatapos niyang iwan ang isang ticket sa concert nila pero nakasalubong niya si Jeffrey. Gustong linawin Jeffrey ang tungkol sa kanila. Sinabi niya na pupunta ito sa concert nila at sisigaw ito ng malakas.

Nagsisigaw na siya doon at pinigilan siya ni Ruby. Nahila niya si Jeffrey mukhang maghahalikan ang dalawa bukas… (LOL)

Isang Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 43”

  1. satellite Says:

    bakit wala ng post nung kay Isay? bakit puro si emerald na lang ang kwento…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: