Pangarap na Bituin, Episode 42

by

Si Alberta ang sumadya sa mga Jewels sisters. Bakit daw pilit silang lumalapit sa buhay niya. Tantanan na raw ni Emerald si Terrence at tigilan na ni Ruby ang ilusyon na mapupunta sa kanya si Jeffre. Tigilan na raw nito ang pamilya niya or else… . Ano raw, sabi ni Emerald. Sasampalin na naman daw siya nito or bubuhusan ng kape? Sinabi ni Emerald na hindi na raw siya natatakot kay Alberta. Pinigilan siya ni Sapphire, at baka raw may makakita sa kanya at siguradong iyon ang gustong mangyari ni Alberta. Umalis na ang tatlo pero nakipagtinginan muna si Sapphire kay Alberta.

Nag-sorry si Ruby kay Emerald dahil hindi niya agad sinabi ang tungkol kay Jeffrey. Sinabi ni Emerald layuan na lang niya si Jeffrey para wala ng gulo. Half-hearted na nag-agree si Ruby.

Kinuha ni Jeffrey ang mga gamit niya sa boarding house niya. Nakakuha na rin ito ng trabaho at bumalik sa school. Sinabi niya sa daddy niya na si Ruby ang dahilan ng pagbabago niya, kaya nagkaganda points si Ruby kay Benedict. Sinabi ni Jeffrey na ipapakilala niya si Ruby sa ama. Narinig ni Alberta ang pinag-uusapan nila.

Niregaluhan ng gown ni Jeffrey si Ruby para isuot sa birthday party sa bahay nila. Ipapakilala daw niya ito sa buong pamilya. Nagpaligaw muna si Ruby kay Jeffrey bago niya ito sinagot. (Lol.)

Pero bago niya nasabi ang gusto niyang sabihin kay Ruby, may nag-away na mag-boyfriend malapit sa kanila. Nasira tuloy ang moment nila. Hindi na itinuloy ni Jeffrey ang sasabih.

Jeffrey: Basta, girlfriend na kita okay?
Ruby: Wow, talagang napakaromantic mo…
Jeffrey: Ano, ayaw mo?
Ruby: Bakit sinabi ko ayaw ako?
Jeffrey: E di gusto mo
Ruby: wala akong sinasabing gusto ko
Jeffrey: O ano, na girlfriend na kita?
Ruby: Oo na, oo na, boyfriend na kita…ano, masaya kana.

Ninakawan ni Jeffrey ng halik si Ruby sa pisngi bago ito umalis.

Ipinakilala na ni Jeffrey as his girlfriend si Ruby sa daddy niya and sa mga kamag-anak nito. Nag-sorry si Benedict sa nangyari previously. Okay lang daw iyon dahil matigas daw talaga ang ulo ni Jeffrey kaya lagi niyang pinagsasabihan. Masaya si Benedict dahil he can see na she keeps Jeffrey in line. Ipinakilala ni Jeffrey si Ruby kay Alberta medyo tongue tied si Ruby.

Habang nagbigay ng toast si Alberta for Jeffrey, gumawa ng eksena si Ruby. Napasigaw ito dahil mainit(?) ang iniinom niya.

Nag-announce si Alberta sa mga guests niya and pinakanta niya si Ruby. She cant contain her excitement daw dahil bukod sa birthday ni Benedict, ipinakilala na ng unico hijo niya ang girlfriend niya, who is sikat. (She sang “Pangako.”) Panay naman ang palakpak ng mga guests niya. (Alberta asked the pianist to ruin the song so Ruby won’t be able to sing properly).

Kunwari daw concerned si Alberta, pero hindi naman totoo.

Ruby: Ganyan po ba kayo sa mga kaibigan ng mga anak niyo

Alberta: Hindi, sa iyo lang…dahil wala kang kwentang tao…(and she said something about hindi siya makakpayag na mapupunta sa kanya ang anak niya…)

Ruby: Alam niyo ho kung wala kang magandang sasabihin huwag na ho tayong mag-usap.

Itinulak ni Alberta si Ruby sa pool. Sinagip siya ni Jeffrey at itinanong ni Jeffrey kung ano ang nangyari. Sinabi ni Ruby kung bakit hindi niya tanungin ang nanay niya.

Umalis na ito at hinahabol siya ni Jeffrey, Pinigilan siya nina Alberta at Benedict pero sa kakapigil nito at sa kakapalag ni Jeffrey, naitulak niya si Alberta. Nagka-struggle between Benedict at Jeffrey. Naitulak rin ni Benedict si Jeffrey.

Hinihintay ni Ruby si Jeffrey sa may gate para ihatid siya pero hindi ito sumipot. Naglakad sa daan ang basang-basa at giniginaw na si Ruby…

8 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 42”

  1. nawawala Says:

    grabe, nakakagigil tlaga si alberta!!!!!!!!!!! bwiseeeeeeeett!!

    at kawawa naman si jeffrey!

  2. Mums Says:

    Ang cute talaga nila Jeffrey and Ruby. Magaling umarte si Ruby. About Sapphire naman I’m not too excited kasi magkakaroon ng kontra bida sa buhay nila Emerald and Terrence. TAKOT AKO!!! ;-(

  3. Mary Grace Says:

    grabe, solid kapamilya!

  4. 01m25a19r90k Says:

    nakakainis ka MISS ALBERTA! bwisit bwisit bwisit!!!

  5. 01m25a19r90k Says:

    Itinulak ni Albert si Ruby sa pool. Sinagip siya ni Jeffrey at itinanong ni Jeffrey kung ano ang nangyari. Sinabi ni Ruby kung bakit hindi niya tanungin ang nanay niya.

    CORRECTION LANG PO.. kulang po ng “A” ang alberta.. naging lalake c miss A! ahaha!

  6. ptvj Says:

    correction noted. thanks🙂

  7. several items Says:

    Kung talagang anak ni Alberta si Terrence at Jeffrey dapat gusto niyang maging maligaya ang kanyang mga anak. Siya pa nga ang dahilan kung bakit bumabagsak ang career ni Terrence. Anong bang klaseng ina ka Alberta.
    Iyon namang kay Sapphire, siguro nga hindi siya totoong kapatid baka nga si Chorva ang talagang kapatid ni Emerald at Ruby. Siguro si Sapphire at Rio Locsin ang totoong magina.
    Iyon namang kay Terrence, matapos ang paghihirap nila ni Emerald ganun ganun lang ba at itatapon niya ang relationship niya kay Emerald dahil dumating si Sapphire. Ang babaw mo naman Terrence kung ganoon ka.

  8. 01m25a19r90k Says:

    ptvj Says:
    October 31st, 2007 at 10:42 am

    correction noted. thanks🙂

    no problem po… anyway, i like your blog..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: