Ysabella, Episode 91

by

Sinabi ni Ysay na magpapakulong na lang siya dahil hindi siya hihingi ng tawad sa mga sinasabi niya dahil iyon ang totoo. Napanood ito ng galit na galit na si Victoria. Umalis na si Ysay at iniwan niya ang mga reporters sa mga tanong nila.

Tuwang-tuwa sina Trining, Alex, Reno, Ysay, at Jordan sa ginawa ni Ysay. Sinabi ni Jordan na buti na lang at hindi niya binawi dahil nalaman ni Jordan from Lima na walang balak iurong ni Victoria ang demanda kahit nag-apologize siya. Dumating si Mito at niyakap si Ysay. Ipinangako ni Mito na kahit ano raw ang mangyari hindi niya ito pababayaan.

Tumawag si Jordan kay Lima at nagpasalamat ito sa pagtawag niya. Mukhang masaya naman si Jordan. Pagkababa niya ng telepono, sinabi ni Jordan kay Reno na siya talaga ang tinatawagan ni Lima pero hindi niya sinasagot ang telepono niya.

Sinabi ni Victoria na gusto niyang mapabilis ang paglilitis ng kaso para agad ng makulong si Ysay. Bayaran na raw ang kailangang bayaran.

Pag-uwi nila tinawag ni Alex si Mito ng “tsong” at sinabi ni Alex na naninibago daw siya. Iyon kasi ang tawag niya kay Andrew. Naalala nila si Andrew. Sinabi ni Trining na kung nabubuhay daw ito ngayon siguradong tetestigo ito against his mom.

Masayang nahiga ang tatlo sa higaan.

Tinawagan ni Mito ang kuya niya para makibalita. Nalaman nito na pinapabilis na ni Victoria ang kaso. Sinabi niya na kung walang tetestigo, hindi nila maipapanalo ang kaso.

Kinakausap ni Ysay ang painting ni Rosario. ng importante daw lumaban sila, kahit matalo pa.

Habang nasa ospital si Norman habang binabantayan ang anak niyang si Noel, naalala niya kung paano siya sinuhulan ni Victoria noon.

(Flashback: Nilayasan siya ng asawa niya at nangako ito sa anak niya na palalakihin niya ito ng maayos. Sa kanya daw niya itatama ang mga pagkakamali niya. Napanood ni Norman si Ysay sa TV. Naglalasing ito at naririnig ni Noel na humihingi ito ng tawad kay Rosario at kay Ysabella. Sinabi ni Norman kay Noel ang katotohanan. Dapat daw na magsabi na ng totoo ang ama. Pero natatakot naman si Norman na baka makulong siya. Nakita ni Norman si Ysay na kasama si Albert. Naglasing na naman ito kaya sinabi ni Noel na kung hindi raw niya magawang sabihin ang totoo, siya na mismo ang magsasabi. Nalaman ni Norman na sinundan ni Noel si Ysay sa palengke at nangyari nga ang aksidente.)

Nangako si Norman sa anak na gagawin daw nito ang gusto niya, gagawin daw niya ang tama. Namatay na ang anak ni Norman na si Noel.

Ibinalita ito ni Homer kay Victoria habang natataranta si Victoria dahil hindi siya satisfied sa design ng designer niya para sa isusuot niya sa awards night niya.

Nagpunta si Fernando sa restaurant at kinausap niya si Ysay. Nang makita ito ni Trining, sinabi niya na spy si Fernando. Pinaalis siya ni Ysay noong malaman niyang kaibigan ni Fernando si Victoria.

Nalaman nina Ysay na unless makahanap sila ng bagong ebidensiya, hindi nila maipapanalo ang kaso. Sinabi ni Ysay na sina Trining, Rosario at ang Tito Norman lang niya ang may alam ng mga pangyayari, pati na si Albert. At parehong patay na sina Rosario at Norman. Sinabi ni Mito na pwede silang maghanap ng mga tao sa farm para madiscredit ang accusation nina Victoria na siya ang nagnakaw ng recipe.

Pumunta si Victoria sa wake ng anak ni Norman…

3 Tugon to “Ysabella, Episode 91”

  1. jane Says:

    Ay salamat for once wala si Albert. Yun lang.

  2. Mums Says:

    Malungkot nga eh wala si Albert. Hindi bagay si Ysay kay Mito.

  3. pgsmchan Says:

    bakit wala na pong kasunod itong sa ysay

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: