Pangarap na Bituin, Episode 41

by

Nag-aalala si Emerald na baka pati sina Sapphire madamay sa mga intrigang ibinabato sa kanya. Pero sinabi ni Sapphire na wag na siyang mag-alala basta kasama niya ang mga kapatid niya.

Dumating si Terrence at ipinakilala nila ito kay Sapphire. Hindi agad binitawan ni Sapphire ang kamay ni Terrence, mukhang star struck siya.

Wala pang balita kay Jeffrey kaya itinanong ni Alberta kay Ruby kung nasaan si Jeffrey. Hindi raw alam ni Ruby. Sinabi ni Alberta na hindi raw niya alam kung ano ang nagustuhan ni Jeffrey kay Ruby, wala raw itong kataste-taste, hindi raw alam ni Alberta kung kanino ito nagmana. Sinabi ni Ruby sa tatay daw ni Jeffrey ito nagmana dahil wala raw itong taste sa mga babae. Bago nasampal ni Alberta si Ruby, kinausap si Alberta ng assistant niya. Nakipagpalstikan siya kay Ruby, pero ibinulong nito na hindi pa sila tapos.

Hindi sumipot si Jeffrey sa usapan nila ni Ruby. The next day, sinundan ni Ruby si Jeffrey at nag-break in siya sa tinutuluyan ni Jeffrey. Nakita niyang marumi ito kaya nilinis niya ito. Nagtaka si Jeffrey kung bakit malinis ang kwarto niya pagdating niya.

Ipinakilala nina Emerald at Ruby si Sapphrire during their gig. Mukhang nagselos si Emerald noong nakita niyang inakbayan ni Terrence si Sapphire at binulungan ng moral support dahil nahihiya itong umakyat sa stage.

Kumanta ang ang tatlo.

Habang kumakanta sila titig na titig si Terrence kay Emerald.

May babaeng nanonood sa kanilang tatlo.

Ininterview ng mga reporters sina Emerald. Itinanong nila kay Sapphire kung trio na sila ngayon pero sinabi ni Sapphire na masaya na raw siya na kasama ang mga kapatid niya at hindi na siya sasali. Panay pa rin ang titig niya kay Terrence.

Hinuli ni Jeffrey si Ruby noong maglilinis na naman ito ng kwarto niya. Hindi katagalan, biglang sumulpot sina Benedict at Alberta. Pinilit ni Benedict na isama si Jeffrey, sinampal muna at tinawag na boba ni Alberta si Ruby bago ito umalis.

Pag-uwi ni Ruby, naabutan niya sina Emerald, Sapphire at Chorva dahil sinabi daw ni Berns na doon muna sila habang wala siya at nasa Hongkong covering a press junket. Hindi niya sinabi ang ginawa ni Alberta sa kanya.

Nagpapractice umiyak ang isang babae (Rio Locsin) sa harap ng salamin. Mukhang magpapanggap siya bilang nanay nilang tatlo…

Isang Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 41”

  1. 01m25a19r90k Says:

    naiintriga lang ako kay rio locsin..
    ano bng puno’t dulo ng pagpapanggap nya bilang mga nanay ng tatlong magkakapatid😕 hmmm

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: